Steffy 202: Naghahanap ng irereto sa anak

800 67 1
                                    

Napatingin si Steffy kay Sioji.

"Ikaw, ayaw mong umalis?" Tanong ni Steffy sa pinsan.

"Para aalis ka namang mag-isa?" Babantayan niyang mabuti ang pinsan niya. Kapag kasi naglalaho ito may ginagawa na namang kababalaghan. Syempre, gustong-gusto niyang manood.

"Di a. Pero may nararamdaman akong kakaibang enerhiya sa paligid. Kaya nga nadismaya ako nong sabihin ni Jewel na iba pala ang nararamdaman niya. Akala ko pa naman naramdaman niya rin ang nararamdaman ko." Napanguso pa si Steffy matapos sabihin yun.

Wala siyang balak gumala sa kung saan. Gusto niyang makuha ang dalawang espada sa lalong madaling panahon bago bumalik sa Chamni. Saka gusto niyang matagpuan sina kuya Steve niya at ang bunso nilang kapatid na si Stacey.

Pansin niya na may kakaibang enerhiya sa lugar na ito. Kakaiba ngunit pamilyar na enerhiya. Ibang-iba sa enerhiyang nilalabas ng mga ordinaryong Mysterian at sa mga makapangyarihang Mysterian na nakakasalubong nila. Katulad ang enerhiyang ito sa mga misteryosong nilalang na lumusob sa kanila noon sa mundo ng mga tao. Ang ibang enerhiya naman ay katulad sa mga Dethrin.

"Nakakapagtataka nga at di niyo yun pansin." Dagdag niya pa.

"Napansin ko rin. Di ko lang sinasabi dahil marami akong presensyang nararamdaman. Presenyang hindi dapat pinagmamay-ari ng mga Mysterian sa lugar na ito." Sagot ni Sioji.

"Nakapagtataka lang kung hindi ito napapansin ng mga nakakataas. Ganon na ba sila kahina at di pansin ang presensya ng mga Dethrin sa lugar na ito? Hindi lang talaga iisa kundi marami at nakakalat pa sa paligid." Sagot ni Steffy.

"O baka naman inilihim nila sa lahat para hindi mataranta ang mga nandito." Sagot ni Sioji.

Naisip ni Steffy na gamitin na naman ang kakayahan ng kanyang paningin.

Ipinokus niya ang paningin sa iisang direksyon. At unti-unti na namang tumagos sa mga bagay na natitingnan ang kanyang paningin. Ilang sandali pa'y napakunot ang kanyang noo dahil sa kahinahinalang dalawang nilalang na nag-uusap sa isang tahimik na lugar ng Academy.

"May nakita akong kahinahinalang Mysterian. Sandali lang at pupuntahan ko." Bago pa man makaangal si Sioji, naglaho na sa kanyang paningin ang pinsan.

"Nang-iwan na naman?" Napasabunot na lamang siya sa buhok.

"Saan na naman kaya iyon nagpunta?" Sambit naman ni Shaira.

"Tara, sundan natin siya." Sabi ni Sioji.

Itinago ni Steffy ang kanyang presensya at pinaglaho din ang katawan sa paningin ng iba saka lumutang sa hangin at nagtago sa likod ng isang estatwa at sinilip ang dalawang lalaking nag-uusap. Kaya lang may sound barrier sa paligid ng mga ito kaya hindi niya marinig kung ano ang kanilang pinag-uusapan. Kaya naisipan niyang lumapit na lamang at pumasok sa sound barrier na ito.

"Yung misteryosong lalake ito a." Sambit niya nang mapagtantong isa ang lalaking ito sa anim na naka-cloak na nilalang sa Myrtle's Inn. At ito rin ang lalaking tumulong sa kanya para makaalis sa underground laboratory ni Doctor Rey sa Norzian noon. At ito rin ang nakamaskarang lalake sa forbidden forest na nakalaban ni Kurt noon.

Ang mas ipinagtataka ni Steffy ay ang lalaking kausap nito ngayon ay katulad sa lalaking nakabangga niya sa mundo ng mga tao mag-aapat na taon na. Tanda pa niya ang hitsura nito, ang amoy maging ang presensya.

"Naisipan ng Emperador na magdeklara ng pandaigdigang labanan sa mga Mysteriang pumanig sa Wynx Empire." Sabi ni Lhoyd.

"Ngunit parang biglaan naman yata." Sagot naman ni Karim. Hindi niya inaakalang hahantong sa pandaigdigang labanan ang hinahangad na paghihiganti ng kanyang ama.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon