"Steffy, bakit ba sa tuwing nawawala ka, nagdadala ka ng alalay pagbalik mo?" Tanong ni Asana sabay sulyap kay Lucid.
"Hindi ko siya alalay. Yaya siya ng dalawang pipit na iyan." Sagot ni Steffy na ikinasama na naman ng hitsura ni Lucid.
Napatingin naman ang dalawang pipit sa gawi ni Lucid.
"Yaya." Tawag ni Jewel na lalong ikinaasim ng mukha ng lalaki.
***
Welcome naman ang grupo ni Steffy sa tahanan ng City Lord lalo pa't naging savior ng pamilya ang magkakaibigan na ito.
Binigyan sila ng magandang bahay na matutuluyan at mga guwardiyang magbabantay dito. May mga alipin ding naghihintay sa kanilang mga iuutos.
Si Steffy naman nakaligo na rin at nakapagpalit na ng damit.
Pagkatapos ay agad na itong natulog. Agad naman siyang pinaligiran ng mga kaibigan. Natulog siya upang tingnan kung ano na ang nangyayari sa Hanje. Binabantayan naman siya ng mga kaibigan sa takot na maiiwan na naman silang muli.
Sa Hanje naman, nagulat ang mga sundalo sa pagdating ng mga mamamayan na nanggaling sa disyerto. Hindi lang iyon, may kakaibang lakas ang mga ito kaya marami sa kanila ang gumagawa sa mga mabibigat na gawain sa pagpapatayong muli ng mga bagong tirahan at mga gusali.
Ngunit ang di inaasahan ng lahat ay ang pagdating ng isa pang grupo na bigla na lamang sumulpot galing sa kung saan.
Ang ikinagulat nila dahil sa lakas ng mga aura ng mga bagong dating hanggang sa malaman nilang mga Naicronian ang mga ito.
At nang dumating ang mga Arizonian, nasanay na rin sila at inaasahan na nila yon. Kasi naman, ang alam nila na isang Arizonian princess si Steffy kaya nasanay na sila kung may darating na mga nilalang na sa legend at sa libro lamang nila naririnig at nababasa.
"Yung batang iyon, bakit pa ba niya ipapatayong muli ang nasirang syudad na ito? Kung gustuhin niya, maaari kong ibigay ang buong Arizonian sa kanya." Reklamo ni Haring Yuji.
"Hayaan mo na. Gusto niyang gumawa ng syudad na nakapangalan sa kanya. Yung siya mismo ang bumuo." Mahinahong sagot ng asawa.
"Bakit tumulong ba siya? Tayo ang ginulo. Mauubos pa yata lahat ng yaman ko nito sa kakagastos ng batang yon. Mahilig pa namang mamigay yon baka inubos na ang mga mahahalagang bagay na dala." Sagot ni Haring Yuji at tumulong na sa pagpamigay ng mga mamahaling bato para sa pagawa sa palasyo ng Myrtle City.
"Imposibleng mauubusan siya ng yaman dahil mahilig siyang manguha ng yaman ng iba." Sagot ni Aragon maalala kung paano niligpit ni Steffy ang mga yaman sa kaban ng Arizon City at sa Norzian. Kung mahilig mamigay ang kanilang prinsesa, mahilig din itong manguha ng yaman ng iba.
Gusto ni Haring Yuji na gawan ng palasyo sa lugar na ito ang apo kahit hindi ito dito titira.
Sa isang sulok naman na kasama sa mga nagtatrabaho makikita ang isang gwapong ginoo. Ang ginoo na tinulungan ni Steffy sa disyerto.
Nang marinig niya ang pagpapakilala ni Steffy noon bilang isang Zaihan, sobrang nagulat ang lalaking ito. Hindi katulad ng iba na nagulat dahil bihira lang ang maliligaw sa labas ng Chamni ang mga pureblood Chamnian kundi dahil isa din siyang Zaihan. Inaakala niyang kapangalan lamang si Steffy sa Steffy na kilala niya pero mukhang iisang nilalang lamang sila. At ngayon sigurado na siya na ang gusgusing kabataang nagligtas sa kanya ay ang mismong kapatid niya. Kaya lang, hindi pa sila maaring magsama hangga't hindi pa nila nahuhuli ang tunay na kalaban.
Gusto mang lapitan ni Steve ang kanyang lolo at lola pero di niya ginawa. Mas nananabik siyang makauwi sa Wynx para maibalita sa kanilang bunsong kapatid na buhay pa si Steffy at nasa Hariatres na ngayon. Kaya naman, umalis na din siya kinahapunan at ipinagpapatuloy ang paglalakbay.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...