Steffy 186: Yelong may Mysterian ki

720 64 1
                                    

Papalubog na ang araw, nagsisimula na ring umulan ng yelo sa buong paligid.

Nakaupo ngayon sa rooftop si Steffy at pinagmamasdan ang mga Mysterian na paunti na ng paunti. Pinalawak niya ang maabot ng kanyang pandinig kaya naririnig na niya ngayon ang mga usa-usapan sa buong paligid.

"Dati, may tatlong kabataan ang namatay dahil sa tindi ng lamig. Noong nakaraang taon naman, may limang muntik ng mamatay, mabuti nalang at may healer sa grupo nila." Ito ang umagaw sa kanyang atensyon.

Bakit may namamatay sa tindi ng lamig sa lugar na ito? May mga Mysterian ki naman sila para di gaanong maramdaman ang lamig ng klima hindi ba?

Dumidilim na ang paligid. Nagsimula na ring umulan ng mga yelo. Napakunot ang noo ni Steffy makitang nagiging yelo din ang parteng binagsakan ng mga maliliit na yelong ito.

Inilahad niya ang isang palad at sinalo ang mga yelong bumabagsak sa gawi niya. Damang-dama niya ang lamig na nanunuot sa kanyang palad at pansing may kakaibang liwanag sa maliliit na yelong ito. Naglalaho ang mga liwanag nito sa tuwing tumatama sa kanyang palad. May mga bagong enerhiya naman ang pumapasok sa kanyang katawan.

"May dalang malakas na Mysterian energy ang yelong ito." Sambit niya. Nahihigop ng kanyang mga kamay ang anumang malalakas na enerhiya sa paligid kung gustuhin niya. May pagkakataon naman na hindi sinasadyang nasasagap ng kanyang katawan ang anumang enerhiyang nagmumula sa mga bagay o mga nilalang may buhay man o wala.

Makitang sobrang dilim na ng paligid, agad siyang lumutang sa hangin upang suriin kung ano ang nangyari sa paligid. At kung may mga kabataan pa bang naiwan sa labas.

Nagpatuloy siya sa paglilibot hanggang sa makarating sa kabundukan. Natuklasan niyang mahina ang yelong umuulan sa bahaging ito, mahina rin ang Mysterian ki na dala ng mga yelo.

May mga tent na nakakalat sa iba't-ibang bahagi ng bundok. May iilan naman na walang mga mapapasilungan at umaasa lamang sa lilim ng mga punong kahoy.

"Mamamatay na yata ako." Nanghihinang sambit ng isang katorse anyos na babae. Maputlang-maputla na ito at namimitak na ang mga labi.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan. Gagaling ka pa. Makakarating pa tayo sa Wynx Academy at makakakuha ng lunas sa sakit mo." Sagot naman ng lalaking nasa kinse anyos.

Nakita agad ni Steffy ang level ng mga Mysterian ki ng dalawa. Nagulat pa siya matuklasang may mga napakalakas na enerhiya ang nakatago sa katawan ng dalawang Mysteriang ito. Kaya lang, mukhang hindi pa ito nagigising at mukhang hindi pa alam ng dalawa.

Pansin niyang pabagal ng pabagal ang heartbeat ng babae at posible ngang hindi nito kakayanin ang lamig. Kita na rin niya ang tindi ng pag-alala sa mukha ng lalake. Hindi niya maiwasang maalala ang kuya Ariel niya.

"Kuya Ariel, nasaan ka na ba?" Halos malibot na niya ang buong Mysteria pero di parin niya nahahanap ang kanyang kuya Ariel.

Naalala niyang bigla ang kuya Steve at ang bunso niyang kapatid sa mundong ito. Napabuntong-hininga na lamang siya. Naalala niya ang mga kapatid niya nang makita ang magkapatid na pinapanood niya ngayon.

Hindi niya pansin na may nanonood sa kanya sa di kalayuan.

"Hindi ko na kailangan pang magpakilala sayo dahil hindi rin naman tayo maaaring magsasama-sama kapatid ko." Sambit ni Steve bago ito naglaho.

Si Yunic naman na palaging nakabuntot kay Steffy bahagya ring nakaramdam ng lungkot. Makulit, nakakaasar, palangiti at palatawa kasi ang pagkakakilala niya kay Steffy. Pero nakikita niya ngayon ang sobrang lungkot ng mga mata ng dalagita.

Bumaba si Steffy sa lupa at naglakad palapit sa kinaroroonan ng dalawang Mysterian.

Napaangat ng tingin si Yuzin at nakita si Steffy na papalapit sa kanila ni Yuna.

"May paraan para hindi niyo na mararamdaman ang lamig." Sabi ni Steffy at umupo sa tapat ng dalawa.

"Ano po yon shida?" Tanong agad ni Yuzin na nabuhayan muli ng pag-asa ang mga mata.

"Mas nakakabuting masasagap niyo ang enerhiya ng yelong ito at gawing isa sa mga enerhiyang taglay niyo. Alam niyo ng sumagap ng Mysterian ki hindi ba?" Tanong ni Steffy.

Lahat ng Mysterian kailangan matutong pakiramdaman ang anumang enerhiya sa paligid. At kung nararamdaman na nila, tinuturuan na sila kung paano ito i-absorb para maging parte ng kanilang kapangyarihan. At kapag nasa katawan na nila ito, tinuturuan na sila kung paano ito gamitin at kung paano ito ihulma sa kung anong natural na elementong kanilang taglay. At pwede rin nilang ihulma ito sa anumang uri ng sandatang gusto nila. Katulad na lamang ng ice swords, wind blades, fireballs, water arrows o light shields. Ang lahat ng ito ay nakadepende sa bearer ng kapangyarihan.

Aabutan na sana ni Steffy ng gamot si Yuna maalalang tatlo na lang pala ang natira sa mga gamot niyang may sangkap na incenia. Kaya naman itinaas na lamang niya ang isang palad at dahan-dahang may kulay blue na liwanag ang lumabas mula rito. Tumama ito sa noo ni Yuna. Pipigilan sana siya ni Yuzin pero napansin niyang unti-unting bumabalik ang kulay ng mukha ni Yuna.

Matapos gamutin si Yuna, nakaramdam naman ng antok si Steffy.

"Ganito pala ang epekto sa mga suot kong ito." Sambit niya sa isip. Hindi naman niya maaaring tanggalin ang alinman sa suot niya sa pag-alalang baka kumawala pa ang aura niya. Baka mamaya matuluyan pa ang dalawang Mysterian na ito.

"Ayos na siya." Inaantok na sabi ni Steffy. "Maiiwan ko na kayo. Magpapahinga lang ako."

"Sandali. Anong pangalan mo dakilang shida?" Tawag ni Yuzin sa papalayong pigura ni Steffy.

"Steffy." Matapos banggitin ang katagang ito naglaho na si Steffy sa kanilang paningin.

Sinuri ni Yuzin kung totoo bang ayos na si Yuna at natuklasang wala na nga ang cold poison sa katawan nito. Sumali sila sa entrance exam ng Wynx Academy dahil narinig nilang may libreng gamot ang Wynx Academy sa kahit ano mang uri ng karamdaman. Kaya naman, naglakbay sila patungo sa Wynx Empire at nagbabaka-sakaling makapasok sa Wynx Academy at magamot si Yuna. Hindi nila inaasahan na magagamot nga ito, pero hindi sa Wynx Academy kundi sa isang estranghero na di nila kilala.

Agad silang nag-crosslegs at sinubukan ang sinabi ni Steffy sa kanila na i-absorb ang enerhiyang dala ng mga yelo. Dito nila natuklasang sagana sa Mysterian ki ang yelong nakapaligid sa kanila. Sa pagkakaalam nila, ang Wynx Academy lamang ang may pinakamasaganang Mysterian ki, pero ngayong umulan ng yelo na may dalang siksik sa Mysterian ki, para na rin silang nasa loob ng Wynx Academy.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon