Steffy 224: Fighting the mysterious Mysterian

747 65 4
                                    

Nakita niya si Master Hisren na may dugo sa gilid ng labi at nahihirapang tumayo. Nakita rin niya na naglalaban ang Emperador ng Wynx at ang nilalang na naka-cloak ng puti.

Ramdam niya ang lakas ng presensya ng lalaking naka-cloak.

"Steffy! Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Master Hisren.

"Ama." Sambit niya at mabilis na ginamot ang ama pagkatapos ay lumipad patungo sa espadang pinag-aagawan ng mga kalaban na ito. Nakapalibot sa star formation ang espadang may kulay scarlet ang aura.

"Ang aurang ito. Katulad sa aura ni mama Seyria." Naikuyom niya ang kamao maalala si Seyria.

Makitang kukunin na sana niya ang espada mabilis na nagteleport palapit sa espada ang kalaban at kinuha ang espada kaya lang biglang naging uod ang espada na ikinabitaw ng nakawhite cloak rito.

Si Steffy naman napatitig sa kalabang ito. Pareho sila na hindi naaapektuhan sa mga harang sa lugar na ito.

Dinampot ni Steffy ang uod at muli naman itong nagiging espada.

"Ibigay mo na lamang ang espadang iyan sa akin. O baka naman gusto mong matulad sa iyong mama Seyria." Naka-smirked na sabi ng misteryosong nilalang na ito.

Bigla namang kumawala ang aura ni Steffy. Mas lalong naging intense naman ang kulay pulang aura ng espadang hawak.

"Ano ang sinabi mo?" Mariing tanong niya.

"Hahahaha... Ikaw nga ang hinahanap ko." Sabi ng lalaking ito kahit na bumagsak na sa lupa dahil sa aurang nanggagaling kay Steffy.

Si Steve naman na kinakalaban ang isang halimaw napatigil sa ginagawa.

"Ang aurang ito." Mabilis niyang sinundan ang pinagmulan ng aura matapos tapusin ang buhay ng kalabang halimaw.

"Yung... Yung sinasabi mong kapatid mo. Mukhang galit." Pinagpapawisang sabi ni Gryn. Narinig niya mula kay Steve na delikado kapag nagagalit ang kapatid niya dahil mamamatay o magiging abo ang sinumang nasa isang bansa. Bansa at hindi isang nayon o syudad lang.

"Pakalmahin mo na. Natatakot na ako." Sabi ni Aya at tinulak-tulak pa si Sioji.

"Izumi, luto na ba yan? Kailangang sarapan mo para kumalma siya." Sabi naman ni Sioji.

Nagluluto na ngayon si Izumi sa gitna ng labanang ito. Sina Arken naman mas pinagtibay ang harang na ginawa nila para hindi gaanong malakas ang aurang mararamdaman nila.

"Sabihin mo. Nasaan na ang mama at papa ko." Tiningnan ni Steffy ang misteryosong lalaki. Unti-unti namang umangat sa hangin ang katawan nito.

"Pinatay ko na sila kaya patayin mo na rin ako." Sagot nito na nahihirapang huminga.

"Isa ka rin ba?" Mariing tanong ni Steffy. Isang ngiti naman ang isinukli ng lalaki.

"Pinatay mo sina mama at papa sa pagnanais na papatayin ko rin kayo? Pero hindi ako papatay ayun sa kagustuhan ko. Sabihin mo, nasaan na sina mama at papa?" Hindi sumagot ang misteryosong lalaki.

"Bakit niyo pinatay sina mama Seyria at papa? Bakit?" Dahan-dahan ng hinihigop ng katawan niya ang mga enerhiya sa paligid. Unti-unti namang naging bato ang katawan ng misteryosong nilalang. Gusto nitong lumaban at tumakas ngunit tila kontrolado na ni Steffy ang kanyang katawan.

"Gryn. Pakalmahin mo na. Hindi ako maaaring lumapit dahil mahihigop niya ang kapangyarihan ko. Gusto mo bang sumabog siya?" Sabay tulak kay Gryn.

"Paano kung mamamatay ako?"

"Kaya ka niyang buhayin muli." Sagot ni Steve.

"Ta... Talaga?"

"Oo nga. Bilang isang hayop nga lang."

Gryn: "..."

Napasimangot naman si Gryn sa narinig.

"Tawagin mo nalang kasi ang clone mo don sa central area para magiging buo na ulit ang kapangyarihan mo." Sabi ni Steve.

"Hindi pwede. Paano kung nandoon ang kapatid ko, hindi ko mararamdaman kapag wala ang presensya ko don." Sagot ni Gryn.

Nagtaka sila nang bigla na lamang nawala ang malakas na aura. Saka nakitang kumakain na ngayon si Steffy.

Napatitig naman sa kapatid si Steve. Magmula noong tangayin ng itim na dragon ang bunso nilang kapatid na si Stacey, hindi na kailanman kumakain ng kahit anong pagkain si Steffy. Hindi niya alam kung ano ang mga pinagdadaanan nito ngayon at pagkain lang kumakalma na siya.

"Kuya, anong nangyayari dito? Bakit may nararamdaman akong napakalakas na aura kanina?" Tanong ng nasa 12 years old na babae. May hawak siyang duguang espada. May mga dugo rin sa damit niya.

"Nagalit si Steffy. Mabuti at kumalma na siya."

Sinilip ng babae si Steffy na nakikipag-asaran na naman ngayon sa mga kaibigan.

"Namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang mayakap kuya." Ang naluluhang sambit nito.

"Alam mong hindi pwede. Hintayin na lamang natin na makokontrol na niya ang kapangyarihan niya." Sagot ni Steve.

"Hindi ba't nalapitan ka naman niya? Pero bakit ako hindi?" Tanong ni Stacey.

"May malakas na bagay na pumipigil sa kanya sa mga oras na iyon. Pero hindi sa lahat ng panahon na nakakaya nitong pigilan ang pagwawala ng kapangyarihan niya." Paliwanag ni Steve. "At saka alam mo kung anong mangyayari sa iyo kung mapalapit ka sa kanya."

Napayuko si Stacey. Naikuyom ang kamao. Hangga't hindi niya matatagpuan ang tunay niyang katawan, walang pag-asang magkakasama-sama silang lahat.

Hindi na nila napansin na nakatingin na ngayon si Gryn sa mga bratty gang.

Pinagmasdan ni Steve ang malungkot na mukha ni Stacey.

"Darating din ang araw na magkakasama-sama tayo maghintay ka lang." Sambit ni Steve.

Mas masaya ang Steffy ngayon kasama ang mga kaibigan ngunit sasaya ba ito kapag hahawakan na nito ang responsibilidad na nakalaan para sa kanya?

"Bakit kayo pa? Bakit di nalang iba?" Ang sambit ni Steve.

Napahawak si Stacey sa dibdib.

"Nararamdaman kong may gustong kumuha sa gintong espada." Sabi ni Stacey.

Agad silang nagpunta sa lugar kung saan ito nakatago.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon