"Hoy! Mga kidnappers! Gutom na nga ako. Nagwawala na ang mga bulate sa aking tiyan! Gutom na ako." Pakanta na niyang sigaw.
"Pakainin niyo na ako. Oooy! Heneral na poge. Gutom na ako. Kita ko sa hitsura niyo inihaw na."
"Yung buhok niyo mukha ng spaghetti. Yung mukha niyo para ng letchon." Halos banggitin na lahat ng mga maisip na pagkain.
"Mukha na kayong sawsawan. Mukhang manok. Mukhang baboy, mukhang- mukhang... A basta mga mukhang walang mukha."
"Tumahimik ka nga!" Di na mapigilang sigaw ni Rave na kanina pa naririndi sa kanya.
"Gutom na nga ako! Gutom na ang dyosa sa balat ng hayop! Ah, dyosa pala sa balat ng langit at pwet ng manok." Sigaw pa niya.
Muntik namang mapatawa ang nagkukunwaring aloof at cold na mga sundalo.
"Huy! Gutom na nga ang beauty ko. Sayang ang dyosa kong mukha kapag di niyo pinakain!" Nag-anyo namang nasusuka ang ilan sa mga nakarinig sa sinabi niya. Sabihin ba naman kasing mukhang dyosa e mukha nga siyang halimaw at mas cute pa nga ang mga halimaw kaysa sa kanyang mukha na nababalot ng alikabok at buhangin. "Aasawahin ko pa ang heneral niyo."
"May asawa na siya." Sagot ng isang sundalo na gustong magalit kaso gusto ring matawa.
Sa totoo lang, kaya sila tahimik dahil pinapakiramdaman nila ang paligid. Paano kung may bigla na lamang susulpot na mga kalaban gaya nong una nilang pagdating sa lugar na ito?
Paano kung bigla nalang silang lamunin ng lupa katulad sa mga nangyari sa mga kasamahan nila? Paano kung bigla na lamang silang sumabog? Nate-tense sila at ang iba'y panay dasal pa na sana makakabalik pa sila sa kani-kanilang mga pamilya.
Pero dahil sa kakulitan ng batang ito hindi nila maiwasang kumalma na parang naiinis na naririndi na rin dahil sa kaingayan. Pero dahil din dito nakaramdam sila ng kunting ginhawa kahit na alam nila na anumang oras ay posibleng mawala rin sila katulad sa mga kasamahan nilang namatay sa misyong ito.
Nagdulot iyon ng psychological trauma sa kanila at dahil sa kaingayan at kakulitan ng batang ito, nakakaramdam sila ng panandaliang pag-asa. Na parang nasa ordinaryong lugar lang sila at walang inaalala. Na walang panganib ang naghihintay sa kanila.
"Ganon? Ah, ibig kong sabihin kakabitin ko pa ang heneral niyo kaya pakainin niyo na ako." Bawi ni Steffy.
"Titigil ka o sasaksakan ko ng medyas iyang maingay na bunganga mo?" Banta ni Rave para tumigil si Steffy.
Seryoso pa naman kasi ito sa pagmamasid sa paligid tapos bigla nalang maririnig ang sigaw ni Steffy. Gusto niyang magalit na gusto ring matawa.
"Pagkain ang hinihingi ko, hindi medyas."
May binato sa kanyang prutas. Galing sa heneral na pinatigil ang kabayo nito dahil sa kasisigaw niya.
"Isa lang? Hanggang dumi lang to ng ngipin e."
"Aba, nanghihingi ka pa? Yan lang ang natira sa baon ng heneral." Sabi naman ni Dero.
"May tatlong purple fruit pa sa loob. Wag mo kong lokohin. Kita ko nga yung katawan niyo, yung mga dala niyo pa kaya." Sagot naman ni Steffy.
Napakunot tuloy ang mga noo nila. Anong nakikita ang katawan? Wag mong sabihing tumatagos ang kanyang paningin?
Kahit si Heneral Histon ay nagtataka. Bakit alam ni Steffy na may tatlong kulay purple siyang mga prutas sa kanyang storage ring?
Sina Feyu naman nagkatinginan.
"May hindi ba tayo nalalaman?" Tanong ni Feyu.
"Bakit tumatagos parin ang kanyang paningin?" Tanong din ni Feyn.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
Viễn tưởngRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...