Steffy 196: Myllenia

750 65 2
                                    

Madilim na ang buong paligid. Pumasok na si Elder Vioren sa kanyang silid upang magpahinga. Umupo siya sa kanyang kama at humiga nang bigla na lamang siyang bumagsak sa sahig.

Napaungol pa siya sa sakit.

Naramdaman niya ang malamig na sahig. Napatingin siya sa kanyang kama. Ngunit hindi na niya ito matagpuan.

"Yung kama ko." Bigla na lamang kasing naglaho ang kanyang kama.

Agad na tinawag ang kanyang mga kawal sa labas upang hanapin ang kanyang kama.

"Elder Vioren, nasa loob parin naman ang kama niyo." Sabi ng isang kawal. Mabilis siyang pumasok at nasa loob nga ang kama niya at wala namang palatandaan na may gumalaw dito.

"Pero nawala itong bigla kanina." Sagot niya.

"Baka pagod lamang po kayo." Sagot ng isang kawal.

Kumalma naman si Elder Vioren at inisip na baka pagod nga lang siya kanina at namamalikmata. Pinaalis na niya ang mga kawal at muli na siyang humiga sa kanyang kama. Walang nangyari kaya naisip niyang nag-iilusyon lamang siya kanina.

Maiidlip na dana siya nang bigla na namang bumagsak ang kanyang katawan sa sahig na ikinagulat niya. Naglaho na naman ang kanyang kama. Hinanap niya ito pero hindi ulit niya makita. Tinawag niyang muli ang kanyang mga kawal pero pagpasok nila nandoon na ulit ang kama.

"Elder, inaantok lamang po kayo." Sabi na naman ng kawal. Gusto na tuloy sipain ni Elder Vioren ang kawal na ito pero paano ba sila maniniwala sa kanya kung kitang-kita namang nasa loob parin ang kanyang kama?

"Kung sino ka mang naglalaro sa akin lumabas ka!" Sigaw niya pero walang nagsalita ni wala siyang marinig na kahit kunting kaluskos sa paligid.

"Nababaliw na si Elder Vioren." Sambit ng isang kawal kaya naman nasipa sila ni Elder Vioren palayo sa kanya.

Sobrang antok na ni Elder Vioren pero nag-alala siya na baka sa paligid lang ang nagtitrip sa kanya kaya naman nagiging vigilant siya.

Si Steffy naman natatawa habang pinagmamasdan si Elder Vioren. Kaya niyang hindi matulog kahit ilang araw pa, pero ang Elder na ito hindi. Hindi alam ni Elder Vioren na may ibang nilalang sa loob ng kwarto niya na di niya nakikita.

Sa sahig na lamang natulog ang Elder para siguradong hindi malaglag kaso sa bawat oras na makakatulog na sana siya ng mahimbing, may susungkit sa puwetan niya. O ba kaya may kung anong nakakakiliti sa kanyang ilong o tainga. O ba kaya mapapabangon siya sa malakas na kalabog. At kapag tinanong niya ang mga kawal sa labas wala naman daw silang naririnig. Pikon na pikon na siya pero wala siyang magawa. Lumiwanag na lamang ulit ang paligid habang siya nakaupo parin sa sahig na antok na antok na. Gusto niyang magpahinga pero ayaw siyang pagbigyan ng kung sinong nangti-trip sa kanya.

Nagulat pa si Mika nang makitang puyat na puyat ang master at naglalakihan pa ang mga eyebags nito.

"Ele anong nangyayari sa inyo?" Nag-alalang tanong ni Mika. Agad na tinulungang makatayo ang master at pinaupo sa kama. Kinuha ang inihandang tsaa para ipainom sa Master.

"Inumin niyo muna to para gagaan ang pakiramdam niyo." Binigay ang tsaa kay Elder Vioren.

"Napakamaalaga mo talagang bata ka. Mabuti nalang at naging disipulo kita." Sabi niya saka hinipan Ang tsaa at uminom nang bigla niya itong maibuga.

"Ang init! Tubig. Malamig na tubig." Sabi niya. Mabilis namang kumuha ng tubig si Mika at pinainom kay Elder Vioren pero naitapon ng matanda ang baso dahil sobrang lamig din ng tubig na halos magyelo na ang kanyang dila sa lamig.

"Mika! Pinaglalaruan mo ba ako?" Sigaw niya kay Mika at binato ang tasang nilagyan ng tsaa sa sahig.

"Ele, hindi ko po magagawa yun." Agad na lumuhod si Mika at nanghingi ng tawad. Hindi nga din niya naiintindihan kung bakit nagiging sobrang init ng tsaa at nagiging sobrang lamig ng tubig na kinuha niya.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon