(May ideya ba kayo kung bakit sa huli pa rin nalalagay ang chapter 105? Ilang ulit ko na kasing binabalik sa pinakauna kaso napupunta pa rin ito sa huling part ng book na ito. Nagiging panghuling chapter tuloy siya na dapat sana'y sa umpisa makikita.)
***
Pumasok na rin ang grupo nina Steffy sa pulang aircraft.Kumislap ang mga mata ni Steffy makita ang magara at malambot na upuan. "Wow! Ang lambot ng upuan." Tumalon pa siya sa pulang couch. "Mas maganda pa kaysa sa mga VIP lounge ng hotel na nakita ko noon." Dumapa siya at dinama ang malambot na upuan.
"Parang gusto ko tuloy bumalik sa palasyo at matulog sa malambot kong kama." Sambit niya na ikinakunot ng noo ng ilan sa mga misyonaryo na kasama nila.
Sinulyapan si Steffy at ang mga kabataang kasama niya.
"Kung mga mahaharlika sila o mula sa Royal family, bakit sila sumali sa ganitong misyon? Kapos ba sila sa pera o isa ang kaharian nila sa mga nilusob ng mga Dethrin?" Sambit ng isa sa nga misyonaryo na sumama sa misyon na ito dahil sa laki ng halagang matatanggap nila mula sa kanilang hari.
Kanya-kanya namang hanap ng mauupuan sina Asana at iba pa.
"Steffy! Bawal matulog." Paalala agad ni Asana sa pag-aalalang matutulog na naman si Steffy at maglalakbay na naman ang soul spirit nito. Pinaupo pa ang nakadapang kaibigan.
"Hindi a. Maglalaro pa ako." Pagkasabi nito'y tumakbo na paalis upang libutin ang buong paligid ng sasakyang ito.
Sinabihan na silang maghanda dahil lilipad na ang aircraft. Pero ang mga kabataang ayaw nilang isama ayon nasa gilid pa ng bintana at halatang hindi takot mahulog.
Tinawag sila ng isang stewardess at pinabalik sa mga upuan dahil mapanganib ang dumungaw sa nakabukas na bintana.
May mga instructions na binigay ang captain ng red army na ito at seryoso namang nakikinig ang mga misyonaryo maliban sa grupo nina Steffy na halatang wala sa mga paalala ng captain ang mga isip.
"Tandaan! Ang mission natin ay protecting the Wynx empire's first prince. Pero bago iyon, may isa pang pagsubok sa atin. Iyon ay ang alamin sa kung sino sa mga turistang nasa hangganan ang first prince." Halata sa mukha ng mga misyonaryo ang panlulumo at pagtatataka nang banggiting kailangan pa nilang alamin kung sino-sino sa mga turista ang siyang prinsipe ng Wynx.
"Paano natin siya mapoprotektahan kung hindi natin siya kilala?" Tanong naman ng isang misyonaryo na halatang naiinis.
"Kaya naman pala SS+ class ang misyon na ito." Sabi ng isa.
Ang mga mandirigma o mga Mysteriang tumatanggap ng misyon sa lugar na ito ay tinatawag nilang misyonaryo. Kahit anong uri pa ng misyon ang tinatanggap nila. Nahahati sa anim na class ang bawat misyon. SD+ class (or Super Dangerous level 2 and above) SD class (or Super Dangerous level 1) SS+ class (Super Special level 2 and above), SS class (Super special level 1) S class (special) A+ (Average level 2 and above) A class(Average level 1), B class (below average). Ang pinakamababa ay ang B class samantalang ang SD+ naman ang pinakamataas ang rank. Ibig sabihin pinakamapanganib na mission. Ang may level 2 pataas na class ay mas mapanganib kaysa sa may level 1 na class.
Kadalasan sa mga malalakas na misyonaryo, mga nasa SS class lang ang mga pinakamahirap na misyon na natatanggap nila. Bihira lang ang nakakaligtas sa mga tumatanggap ng SS+ mission. At bihira lang din ang tumatanggap SS+ Mission dahil sa panganib at hirap nito.
"Tandaan niyong mabuti. Ang una nating misyon ay kilalanin ang first prince ng Wynx empire." Pag-uulit ng kanilang magiging captain sa misyon na ito.
"Tatandaan po namin yan captain." Sabay-sabay na sagot ng mga misyonaryo. At dahil walang sumagot sa panig nina Steffy, tumingin sa kanila ang captain.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...