Steffy 184: Takot kahit mga insekto

776 76 11
                                    

Isa-isang nagsilabasan ang mga bisita sa VIP rooms. Dumungaw sila para makita kung ano ang nangyayari sa ibaba. Si Sioji umupo sa railings at isinandal ang likuran sa isang poste. May dalawampung VIP rooms sa 9th floor. Kaya may anim na mga bisita ding lumabas at sumilip rin sa ibaba.

"Sino bang mga yan?" Tanong ng isang lalaking galing sa isa sa mga VIP room. Isa siya sa mga naatasang palihim na sumubaybay sa mga bagong mga kabataang papasok sa Wynx Academy. Hindi naman umimik ang kasamang middle age man.

Ang apat namang mga lalaking misteryoso, nakaupo lamang sa mga upuan at pinagmasdan ang mga pangyayari sa ibaba. Mapansing mukhang hindi ordinaryo ang anim na mga bisita sa anim na VIP room, itinuon ni Jaino ang atensyon kina Asana.

Umakyat siya sa 9th floor kasama ang limang mga kaibigan at ang kanyang mga kawal.

"Magligpit na kayo at maghanap ng ibang matutuluyan." Utos ni Jaino kay Arken dahil tingin niya ito ang lider ng grupo.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ng Young Master? Umalis na kayo." Sigaw ng kaibigan nitong si Beym na anak ng viscount ng Wynx Empire.

Kinalikot naman ni Arken ang tainga sabay sabi ng "kinakausap niyo ba ako? Pasensya na talaga. Out of duty kasi ang tainga ko ngayon. Bumalik na lamang kayo bukas."

Napatawa naman sina Asana nang marinig ang sagot ni Arken. Akala nila magiging matino at seryoso na ang isang to habang buhay.

Makitang namumula na ang mukha nina Jaino at Beym, agad na pumagitna ang manager na babae.

"Maghintay po muna kayo. Ako na po ang kakausap sa kanila." Sabi agad ni Rima at nilapitan si Asana na pinakamalapit sa kinaroroonan niya.

Humingi muna ng tawad bago pakiusapang umalis na muna sina Asana. Ayaw nilang masira ang reputasyon ng Myrtle's Inn at baka magalit ang grupo nina Asana dahil sila ang nauna tapos papaalisin sila. Ngunit mas takot ang manager sa grupo ni Jaino. Kaya naman, kinausap niya sina Asana at paulit-ulit pang humingi ng tawad.

"Akala ko ba bawal puntahan ang tenth floor?" Biglang tanong ni Luem ang VIP guest na nagsalita kanina.

Kaya napatingin ang lahat sa pababang dalagita.

"Bakit may Mysterian sa tenth floor?" Tanong ni Rima kay Mina.

Agad namang lumuhod si Mina at humingi ng tawad.

"Mag-usap tayo mamaya." Sabi ni Rima kay Mina. Kahit may pagkakamali man ang mga empleyado sa Myrtle's Inn o may mga nagawa silang labag sa batas ng Inn, hindi sila pagsasabihan ni Rima sa harap ng maraming mga Mysterian kundi kakausapin niya ang mga empleyado na nakagawa ng pagkakamali sa kanyang opisina para hindi sila mapapahiya sa harap ng nakakarami.

Si Steffy naman nagpatuloy sa pagbaba. Pagdating sa 9th floor agad na isinandal ang likuran kay Rujin kaso lumipat ng pwesto si Rujin kaya napasubsob si Steffy sa naka-hood na misteryosong nilalang.

"Waah! Paumanhin po." Mabilis niyang sambit at binato ng kanyang sapatos si Rujin. Natamaan naman sa noo ang kaibigan na ikinaungol nito.

Agad namang naghanap ng mauupuan si Steffy at hinihintay na matapos ang drama habang iniisip kung sino ang misteryosong Mysteriang ito. Napakalakas kasi ng aura nito, higit sa lahat natuklasan niyang napakalakas ng Mysterian energy sa katawan nito. Ibig sabihin, hindi siya basta-bastang Mysterian.

Na-curious tuloy siya sa kung sino kaya ang mananalo kapag nakalaban nito si Sioji? Si Sioji kasi ang maituturing niyang pinakamalakas sa kanilang grupo kapag hindi gumagamit ng forbidden ability. Matatawag lang kasi silang malakas dahil sa kanilang forbidden ability maliban kay Sioji. Gamay na nito ang kapangyarihan, maging forbidden ability man o ang iba niyang ability.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon