Steffy 239: Healer's Paradise

698 60 1
                                    

Nagpaalam sina Feyu, Feyn at Feru kay Steffy dahil may kailangan daw silang gawin.

Nagpaalam din maging si Luimero.

"Alam ko na kung nasaan ang isa ko pang doppelganger kaya pupunta ako sa lugar na iyon bago pa man siya mapahamak." Sabi ni Luimero.

"Kapag may oras ka tawagan mo rin kami paminsan-minsan." Sabi ni Steffy. Tumango naman si Luimero.

Nang makaalis si Luimero, kinausap ni Steffy si Hisren at kuya Histon tungkol sa mga plano niya.

"Papa. Maglalakbay kaming muli at posibleng matatagalan pa bago ako makakabalik sa lugar na ito o ba kaya tuluyan ng hindi makakabalik. Kaya may gusto sana akong sabihin sa inyo."

"Ano yun?" Seryosong tanong ni Hisren.

"Nasa invincible level na si Kuya Histon ngayon. Ngunit hindi pa iyan ang tunay na hangganan ng kapangyarihan. Kung gusto niyong magiging malakas, at masundan kung nasaan man si mama Aizy ngayon kailangan niyong makarating sa Syanra stage."

"Syanra? Pero kulang ang enerhiya sa lugar na ito para maabot ang stage na iyan." Sagot ni Hisren.

Alam nila na ang level ng mga Mysterian ay nagsisimula sa novice, Elite, master, grandmaster, expert and invincible. Ngunit kadalasan sa mga Mysterian hanggang grandmaster lamang ang kaya nila bago mamamatay o tatanda na. Iilan lang din sa mga nakakarating sa expert level. Kaya kung may expert level man sa isang kaharian, titingalahin agad sila ng mga Mysterian. Bibigyan ng tungkulin sa royal family o ba kaya gagawing mandirigma.

At kung naaabot naman nila ang invincible level, sasambahin na sila ng lahat. Isa sa mga nakarating sa invincible level ay ang mga Superian at ang mga Akrinian kaya naman kinatatakutan sila ng lahat.

Kung napakataas na ng level na ito para sa mga Mysterian, para naman sa mga nakarating na sa level na ito, malalaman nilang ito palang pala ang tunay na simula ng pagiging malakas. Ito ang pinakaunang level bago magiging isang tunay na malakas at makapangyarihan.

Ang pinakaunang level sa Chamni ay ang invincible level. Kasunod nito ay ang Syanra level. Bago maabot ang level na ito kailangan munang dumaan sa anim na sublevel. Magsisimula muna ang mga Mysterian magic user o Chamnian magic user mula sa Invincible novice, invincible average, invincible elite, invincible master, invincible grandmaster and Syanra. Kapag narating na nila ang Syanra level saka naman magsisimula ang panibago nilang pagsubok para umangat ng isa pang level. Syanra novice, average, elite, master, grandmaster and mystic soul. Anim na sublevel din ang mararanasan nila bago magiging isang Mystican. Kapag nagiging mystican na sila, maaari na silang pumunta sa Mystic land na hindi na kailangan pang mamatay muna.

"May alam akong lugar na pwede niyong puntahan para magiging mas malakas at mas mapapadali ang inyong lakas at kakayahan. Ngunit bago yun, may ipapasubok muna akong iba." Sabi ni Steffy at tinawag si Sioji.

Si Sioji na nagbibihis sana sa kanyang kwarto bigla na lamang sumulpot sa tapat nina Steffy.

"Steffy naman. Bakit bigla-bigla kang tumatawag diyan? Nagbibihis pa ako o." Reklamo niya at mabilis na sinuot ang puting coat. Nagpapasalamat siya at nakapagsuot na siya ng panloob bago tawagin ni Steffy.

"Nakakapagtawag ka ng kapwa Mysterian?" Gulat na tanong nina Histon at Hisren.

"Opo. Kamakailan ko lang nalaman. Kasi nong banggitin ko sa isip ang mga pangalan na tinuturo ng kapangyarihan ko, bigla na lamang sumulpot sa tapat ko sina kuya Histon kasama ang mga chosen protectors at guardians. Kahit nga si Solaira ay nakakaya ko ring tawagin. Natuklasan kong isa sila sa mga pinili. Maaaring pinili silang magligtas o pumatay sa akin." Sagot ni Steffy.

"Ano bang sadya mo at pinapapunta mo ako dito?" Tanong ni Sioji.

"Gusto kong pumasok ka sa space dimension at subukan kung ayos na ba sa loob at maari ng tirahan pansamantala ng iba." Sagot ni Steffy at itinaas ang wrist.

"Bakit di mo nalang tawagin palabas ang dalawa mong pipit?" Tanong ni Sioji.

"Nag-a-upgrade pa sila para magkaroon na ng katawang tao este Mysterian. Mahimbing pa ang mga tulog nila." Sagot ni Steffy.

Pinagmasdan ni Sioji ang birthmark sa wrist ni Steffy.

"Sige. Titingnan ko sandali." Sabi ni Sioji at naglaho na sa kanilang paningin.

Pagkatapos ng ilang minuto, lumabas na ulit si Steffy. Pansin nilang mas lumakas pang lalo ang aura ni Sioji.

"Ang bilis mo naman yatang lumabas ulit." Sabi ni Steffy sa kanya.

"Hindi a. Isang araw kaya ako don. Ang tagal ko ngang natagpuan ang dalawang pipit mo. Pero teka bakit may black unicorn sa loob?"

Saka naalala ni Steffy na may black unicorn nga pala siyang kasama. Kaya pala hindi na ito nangungulit at nagrereklamo, nasa soul space dimension na pala niya. Hindi niya napansin kung kailan ito pumasok.

"Yang birthmark mo, sa palagay ko hindi soul space dimension ang nasa loob niyan kundi isang alternate universe at ang birthmark mong iyan ang nagsilbing portal." Sabi ni Sioji.

Tinanong na niya sa makapangyarihang libro ng Mysteria kung ano ang ibig sabihin ng birthmark niya at kung anong lugar ba ang dimension sa loob ng soul space niya kaso hindi ito nasasagot ng libro. Kaya wala parin siyang ideya kung ano ang meron sa space dimension na ito. Basta ang alam niya, mas mapapadali ang pag-absorb ng mga Mysterian ng mga enerhiya sa loob ng dimension na ito.

Sinubukan din ni Histon na pumasok sa loob ng space at natuklasan niyang sagana sa Chamnian energy at Mysterian energy sa loob ng space dimension na ito. Sa sobrang excitement hindi niya namalayan na nakadalawang araw na pala siya sa loob. Kundi siya tinawag ni Steffy hindi na sana muna siya lalabas.

"Nga pala Steffy, bakit mo kami gustong maging malakas? May binabalak ka pa bang iba?" Tanong ni Hisren.

"Gusto kong magiging malakas kayo para kahit babalik na ako sa Chamni makakaya niyo ng protektahan ang sarili niyo at ang buong Mysteria. At maari na rin ninyong hanapin si mama Aizy sa Chamni o ba kaya sa Myctic land di ba?"

Matagal ng hinangad ni Hisren na magiging invincible level para makapunta sa Chamni upang mahanap ang asawa, kaya lang, hanggang expert level lamang siya at di na yun nababago pa. Hindi niya alam na kunti nalang at magiging invincible level na siya.

Kaya naman ngayong may mas malakas ng kapangyarihan si Steffy madali na lamang sa kanya ang pagpasa ng enerhiya kay Hisren kaya nagiging invincible level na rin ito.

Hindi inaakala ni Steffy na magkakasya sa loob ng space dimension niya ang isang libong hukbo ni Hisren at Histon. Pati kasi ang City Lord ng Servynx sumama rin nang malaman na posible silang magiging Syanra.

Tinawag nila ang space dimension na Healer's paradise. Iyon kasi ang gusto ni Steffy. Lumalawak kasi ang space kapag may nagagamot at natutulungan siya. Noong una kasing laki lang ito ng kwarto at sina Gelian at Jewel lamang ang nakakapasok sa loob ngunit ngayon tila nagiging syudad na sa sobrang lawak.

Ang di inaasahan ni Steffy dahil pati sina Sioji at ang buong gang pumasok na rin sa loob. Malaya naman silang maglabas pasok kaya mas pinili nilang sa dimension na palage tumatambay.

"Kung alam ko pa na pwede palang tumira diyan sa loob dati, di diyan na sana ako palaging nagpapahinga. Di pa ako napapagod. Tapos walang katapusang enerhiya pa ang nanunuot sa mga kalamnan ko." Sabi ni Sioji.

"Magpapalakas muna ako. Pagkatapos kong magpalakas, tuturuan ko ng leksyon ang Aviola na yun. Tapos ibibitin ko siya patiwarik sa labas ng palasyo." Excited na sabi ni Izumi.

Naisip ng grupo na pumunta sa Zi Kingdom kung saan isinilang si Izumi. Bago pupunta sa Raimon upang dalawin si Lucid. Saka hanapin ang seven ex- bandits bago pumunta sa mysterious island. Kung saan matatagpuan si Hakuah. Ang babaeng kumuha sa legendary shield.

Saka maglakbay patungo sa Chamni. Ngunit hindi nila inaasahan na magbabago ang direksyon na mapupuntahan nila.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon