Steffy 225: Bratty gang vs. Mysterious enemy

807 70 1
                                    

Nagsiatrasan na ang mga misteryosong mga nilalang. Bigla lamang silang isa-isang naglaho.

Kaya lang may kumukontrol pa rin sa mga estudyante at sa iilan pang mga sundalo at mga Arkian.

"Ang nagkokontrol sa kanila ang hanapin niyo." Sabi ng isang captain ng Emperial guards.

Nakaramdam naman si Steffy ng kirot sa dibdib.

"Sino na namang nanganganib ang buhay na malapit sa akin?" Tanong ni Steffy. Napatingin siya sa kuya Histon niya, sa ama niya, at sa mga kaibigan. Wala ni isa sa kanila ang nasa panganib.

"May mga mahahalagang mga nilalang pa ba sa puso ko sa Wynx Academy na ito bukod kina Kuya at Papa Hisren?" Mabilis siyang naglaho at sumulpot sa kung saan naroroon ang gintong espada.

Nakita niyang may sugat ang isang magandang dalagita. Ginagamot ito ni Steve. Lalapit na sana si Steffy ngunit napatigil makita ang mukha ng babae. Kita niyang mas lalong namimilipit sa sakit ang babae nang maglakad siya palapit. Mabilis siyang umatras at nilawakan ang distansya nilang dalawa. Naikuyom niya ng mariin ang kamao bago hinabol na lamang ang sinumang sumaksak kay Stacey.

"Dito banda!" Ang narinig niyang sigaw ng mga Arkian.

Nakarating sila sa isang masukal na gubat. Napatigil si Steffy nang tumagos ang kanyang paningin at nakita ang isang nakamaskarang nilalang na nakatago sa likod ng mga halaman. Nag-teleport siya sa likuran nito at kinalabit. Nagulat naman ang nakamaskara at bigla na lamang siya nitong inatake. Agad naman siyang nakaiwas.

Pawang iwas lamang ang ginagawa niya. Mapansing naglabas ito ng itim na apoy, sinipa na ni Steffy ang tuhod nito na ikinaluhod ng nakamaskara.

Bahagyang umupo si Steffy para mapantayan ang misteryosong Mysterian. Nanginginig ang mga kamay ng Mysterian na ito habang pilit na dinidiin ang paghawak sa kanyang espada.

"Hindi ka nakakagamit ng Mysterian ki dahil sa sobrang hina ng katawan mo. Mukhang nasugatan ka ng mga yun a. Tsk tsk!" Sambit ni Steffy.

"Bakit di ka natatakot sa akin? Paano kung papatayin kita?" Sagot ng pamilyar na boses.

"Kapag pinatay mo ako dapat don pa sa laboratoryo ng doktor niyo." Sagot ni Steffy na ikinagulat ng nakamaskarang Mysterian.

Nagpalabas si Steffy ng healing light mula sa kanyang mga palad at itinapat ang healing light sa dibdib ng ng nakamaskarang Mysterian.

"Paano mo nalamang ako ito?" Tanong ni Karim na naguguluhan din kung bakit siya nito ginamot.

Pagpasok ni Karim sa portal ng Central Area, nag-teleport agad siya sa lugar na ito.

Ang pakay nila ay ang patayin ang pinaghihinalaan nilang pinili ng gintong espada. Kung mamamatay ito, hindi na kailangan pang mamatay ng batang itinakdang tagapagwakas. Ngunit masyadong malakas ang batang iyon at hindi niya matapos-tapos ang buhay nito. Kahit alam niyang hindi ito ang tunay na katawan ng batang iyon, hindi pa rin talaga niya kayang tuluyan.

Kahit alam niya na ang kamatayan nito, ang solusyon para mailigtas ang dalawang kaibigang ninais niyang protektahan.

"Kahit balutin mo pa iyang mukha mo, makikilala pa rin kita." Sagot ni Steffy sa kanya.

Napatingin si Karim kay Steffy. Ang batang gusto niyang patayin, may pagkakapareho ng mga mata kay Steffy. Nang makita ang mga mata nito na nakatingin diretso sa mga mata niya, bigla siyang nawalan ng lakas ng loob na tuluyan ito at iniligtas pa nang makitang sasaksakin si Stacey ng naka-cloak na kalaban. Hinarang niya ang kanyang katawan sa espadang para sana kay Stacey.

Ang ekspresyon ng mukha ng batang iyon at ang ekspresyon ng mukha ng kaharap niya ngayon ay magkaparehong-magkapareho.

"Hindi ko alam kung ano ang ginamit mo para makapaglakbay din dito kahit nasa hangganan ka ng central area. Pero ito lang ang sasabihin ko, wag na wag mong sasaktan ang dalawang Mysterian na kinalaban mo kanina. Ikaw lang din ang magsisisi kapag ginawa mo ulit yung kanina." Sagot ni Steffy at dumistansya na ulit.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon