Steffy 201: May nararamdaman

829 72 6
                                    

Napansin nilang tahimik  si Izumi.

"May problema ka ba Izumi?" Tanong agad ni Hyper. "May nang-away ba sayo? Tuturuan ko ng leksyon. Sabihin mo lang." Pinakita niya pa ang kanyang mga kamao.

"Wala." Matamlay na sagot ni Izumi na nasa malayo ang mga tingin.

"E bakit bigla kang tumamlay?" Tanong naman ni Geonei.

Napayuko naman si Izumi dahil nakatingin ang mga kaibigan sa kanya. Dalawang taon na ang nakalipas magmula noong palayasin siya sa kanilang clan at tinatakasan ang mga naghahabol sa kanya hanggang sa makilala sina Steffy at Asana.

Magmula sa araw na nakatagpo niya ang dalawang batang kagaya niya na pinaghahabol din ng kung sinong nagtatangka ng masama sa kanila, naisip ni Izumi na magpalakas. Magiging sobrang lakas para hindi na siya aapihin pa at makakakaya na niyang protektahan ang mga Mysteriang malalapit sa puso niya.

Pinagsikapan niyang maging malakas. Nagsanay ng mabuti kasama ang bagong mga kaibigan at sa tulong ng mag-asawang Arizon. Pumasok siya sa Virtual dimension na may maraming mga pagsubok na dapat lagpasan bago makakalabas sa dimension na iyon pero nakalabas siya at mas lumakas pa. Hindi niya alam kung ilang buwan o taon siya sa dimensyong iyon ngunit natitiyak niya na mas mabilis ang takbo ng oras sa lugar na iyon kumpara sa lugar na ito.

Malakas na siya. Kontrolado na niya ang kanyang kapangyarihan ngunit bakit kailangan pa rin niyang itago? Gusto niyang maghiganti ngunit bakit nasasaktan siya ngayong napansin niyang hindi na siya maalala ng kapatid? Pinatapon siya ng pamilya dahil wala siyang malakas na kapangyarihan. Tinalikuran ng sariling mga kapatid. Ipinagbili ng pinagkakatiwalaan niyang pinsan sa mga Dethrin. Ngunit bakit hindi niya magawang magalit? Bakit mas nasasaktan siya kaysa makadama ng galit?

"Wag ka ng malungkot. Kung gusto mo, papatayin natin sa inis iyang naging dahilan ng iyong kalungkutan." Hihimasin sana ang ulo ni Izumi kaso mas matangkad ito sa kanya kaya naman balikat na lamang nito ang hinimas niya.

"Akong bahala sa paghihiganti mo. Kayang-kaya kong mang-inis. Yung tipong gigil na gigil sila kaso walang mapagbubuntunan ng galit. Ekspert ako don." Nakataas ang noong sagot ni Steffy at tinapik-tapik pa ang dibdib. Ilang buhay man ang nawala nang dahil sa kanya ngunit kung pagpatay ang pag-uusapan mahihirapan pa rin siya dahil hindi naman siya likas na assassin kaya kapag may mga nakakalaban sila mga Mysterian man o hindi, hindi nila pinapatay kundi tinatanggalan ng mga kapangyarihan at kakayahan. Kung hindi madali sa kanila ang pumatay ng mga kalaban, kayang-kaya naman niya itong inisin na sa sobrang inis gusto ng sumabog.

"Nagtataka lamang ako kung bakit di na ako maalala ni Izu. Ni hindi niya ako nakilala." Sagot ni Izumi. Nasa Wynx Academy na si Izu noong palayasin si Izumi sa kanilang clan.

Sina Icen at Izu ang palaging nagtatanggol sa kanya noon ngunit walang kahit isa man lang sa kanila ang nagtanggol sa kanya noong paratangan siyang pinatay ang sarili nilang ina. Wala si Izu dahil nasa Wynx Academy siya kaya inisip ni Izumi na di nito alam ang nangyari sa kanya sa Vermin clan, ngunit di naman siguro siya nito makakalimutan sa loob lamang ng ilang taon.

Hindi rin siya pinagtanggol ni Icen na mas pinaniniwalaan ang mga pinsan niya at tiyahin kaysa kay Izumi na sarili niyang kapatid. Nakilala siya ni Icen nang magkita sila sa red forest sa Norzian pero bakit hindi siya nakilala ni Izu? Talaga bang kinalimutan na siya ng kapatid? Inaakala pa naman sana niya na may natitira pa siyang pamilya mula sa Vermin clan ngunit ngayon, natuklasan niyang wala na siyang iba pang maituturing na pamilya maliban kina Steffy.

"Izu? Sino ba siya?" Tanong naman ni Aya. Wala naman kasing binanggit si Izumi tungkol sa pangalang Izu. Maliban sa alam nila na minsan na itong nakapasok sa Wynx Academy noon, hindi na nila alam kung ano pa ang buhay niya sa Wynx Academy at kung bakit siya napaalis.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon