Bumalik naman sa dati ang kanina sanay namumutlang kulay ng mukha ni Steffy.
Tumayo si Steffy at sinuri ang katawan. Pakiramdam niya wala na yata siyang timbang. Kasi sobrang gaan ng kanyang pakiramdam.
Hindi niya maintindihan kung bakit lumalakas siya kapag nakakaligtas siya ng buhay lalo na kapag may nagagamot. Parang ramdam niya na humahaba ang kanyang buhay kapag may nagagamot siya at napapagaling. Ang pagsagawa niya ng malawakang panggagamot kanina ay bigla nalang pumasok sa kanyang isip, kaya naman ginawa niya. Tila ba sinasabi ng isip niya na ito ang dapat niyang gawin at kailangan niyang gawin.
"Ano bang nangyayari? Wala akong naiintindihan." Sabi ni Orion na nagtataka kung bakit napalakad ang mga paa patungo sa kinaroroonan ni Steffy kanina.
Saka parang may kung anong nabuksan sa kaloob-looban niya. Alam niyang may seal sa loob ng kanyang katawan na pumipigil sa kanya na gamitin ang tunay niyang kapangyarihan.
Sumali siya sa misyon na maging protector ni Kurt iyun ay dahil gusto niyang makakuha ng impormasyon tungkol sa seal sa kanyang katawan. Nang sa ganoon mahanap rin niya ang nawawala niyang kapatid kapag malakas na siya. Hindi niya inaasahan na mawawala ang seal dahil lang sa mga enerhiyang nanggaling kay Steffy.
At bakit nagliliwanag ang birthmark niya sa dibdib? Kung nagtataka siya, ganon din sina Izu, Ruffin, at Qinch. Sa pagkakaalam kasi nila hindi sila mga pinili. At bakit sobrang lakas ng enerhiyang nanggaling sa katawan ni Steffy kanina? Parang hindi na enerhiya ng isang Mysterian o ng mga Chamnian.
"So kayo pala ang mga piniling magiging tagapagligtas at tagapagbantay ko sa mundong ito." Sambit ni Steffy.
"Tagapagligtas? E ikaw kaya ang nagliligtas lage sa amin?" Tanong ni Spyd.
Si Solaira naman napatingin sa mga kamay. Hindi alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Kamakailan lang hindi na siya makakagamit ng kapangyarihan. Ngunit ngayon, nasa invincible level siyang bigla. Higit sa lahat wala na slave ring sa kanyang mga daliri.
"Malaya na ba talaga ako? Hindi na ako Dethrin hindi ba?" Hindi makapaniwalang sambit niya.
Napatingin siya kay Steffy.
"Ang totoo, ako si Seyriel. Ang batang hinahanap niyo. Ang batang hinahanap ng mama mo." Sabi ni Steffy kay Solaira.
Napaatras naman si Solaira sa nalaman. Dati sinsisi niya si Seyriel sa mga sinapit niya. Ngunit kung hindi dahil sa eksperimento, sigurado rin namang matagal na siyang namatay nang lusubin ng mga Akrinian na nagpapanggap na mga Dethrin ang Yang clan.
Ang Yang clan ang royal clan sa kaharian ng mga Mizuto. Magmula nang makulong sa lost city ang grand Empress ng Yang clan, nilusob ng mga Akrinian ang kaharian ng Mizuto. Pinaslang ang hari at reyna sa lugar na ito at hinanap ang mga huling lahi ng mga Yang clan.
Isa si Solaira na kabilang sa royal family kaya lang mas mahina ang kapangyarihan niya kumpara sa tinatawag nilang Seyriel. Ito ang gustong makuha ng mga Akrinian dahil sa kulay ng buhok at mga mata nito. Hinahanap kasi ng mga misteryosong nilalang dati ang mga kabataang may mga kakaibang kulay ng mga mata. Kabilang sa mga kulay ng mga mata na ito ay ang scarlet red eyes katulad nina Sioji, Steffy at Aya. Emerald green eyes na kagaya ni Arken at Izumi. Purple eyes na katulad sa original na kulay ng mata ni Shaira. Gold na katulad sa orihinal na kulay ng mata ni Kurt, at Rujin.
Ang common eye color ng lahat dito sa Mysteria ay blue, silver, brown at black.
Kung may kakaibang kulay ang mga mata ang iba, ibig sabihin hindi sila isang pure blood Mysterian.
Sa gawi naman ni Sioji, nailayo na niya sa Celeptris ang magkapatid na sina Steve at Stacey. Wala na itong mga malay nang maratnan niya. Sobrang hina na din ng enerhiyang meron sila.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...