"Pahamak talagang mga gurong to." Sambit ni Luimero at napatingin ulit kay Steffy. “Oo na. Oo na. Wag ka ng magalit. Magpalit ka na muna ng sapatos. May extra ka pa naman diyan di ba?” Pinagpapawisan niyang sambit sabay lunok ng laway.
“Ito lang yung paborito ko.” nakangusong sagot ni Steffy.
“Papalitan din natin yan. Wag ka ng mag-alala.” Pagpapakalma ni Luimero.
“Di ako nag-alala no. Ayos lang naman na ibang sapatos ang susuotin ko. Wag lang yung gawa nina Lolo." Ayaw niya sa gawa ng Lolo niya kasi nga may matataas na takong.
"Di ka nag-alala. Di naman kasi ikaw ang napapahamak e." Bulong ni Luimero sa isip pero nakangiti pa ring nakatingin kay Steffy. Baka mag-tantrum na naman kasi. Mawasak pa itong Academy.
"Sa Academy na ulit tayo mag-uusap. Sandali lang. Kakausapin ko lamang sila." Pagpapaalam ni Luimero saka hinarap ang Dean.
"Ito nga pala si Steffy, estudyante ko. Saka ang mga batang yon." Napatingin kina Asana na nagtutulakan kung sino ang unang lumapit.
"Ikaw na mauna Sioji. Pinsan mo naman yon di ba?" Tinulak ni Asana si Sioji na nakatago sa likod ng pader ng Academy.
"Ikaw na kaya. Kapag sigurado kang kumalma na talaga siya tawagin mo na lamang kami." Sagot naman ni Sioji.
"Anong tinatago niyo diyan?" Tanong ni Steffy na nagtataka. Bakit kasi nagtatago ang mga kaibigan niya? At ano yung sinasabi nilang galit siya? Di kaya siya galit. Nainis lang siya kunti kanina. Kunti lang naman.
"A, takot kasi kami sa— ay kay Ele. Takot kami kay Ele. Pumanget kasi siyang lalo." Agad na sagot ni Aya. Nagsitanguan naman ang mga kasama.
Napahawak naman si Luimero sa mukha niya. Ang dami kayang nagkakagusto sa kanya dito, lalo na't palage na niyang nililinis ang begote niya. Ayaw niyang tawagin ulit na lolo ni Steffy. Tapos takot pa daw sila sa kanya dahil panget siya? Napatingala naman si Steffy.
"Oo nga Ele. Pumanget ka nga." Sabi ni Steffy na nakatingala kay Luimero.
"Panget ka diyan. Ang poge ko kaya." Inis na sambit ni Luimero at padabog na naglakad na ikinatisod na naman sa bitak na lupa kaya napasubsob ang mukha. Agad siyang bumangon at naglakad ulit sa kinaroroonan ng tatlong guro na nagbabantay sa gate.
Mas batang tingnan ang mukhang ito kaysa sa mukha niya sa Ifratus, pero mas makinis ang mukha na meron siya sa Naicron kaysa sa lugar na ito. Ngunit nang mag-merge ang tatlong doppelganger niya, naglaho ang katawan niya na galing sa Naicron at nagiging iisa sa katawang ito. Nagiging iisa ang alaala ng tatlong doppelganger niya na ilang araw din niyang isinasaayos sa kanyang mga alaala. Mas lumakas siya kumpara dati ngunit hindi maipagkakailang mas gwapo pa rin talaga ang siya, sa Naicron Academy kumpara sa siya na nandito sa Servynx Academy.
Isa-isa niyang tiningnan ang tatlong mga guro.
"Alam niyo ba ang ginawa niyo? Muntik niyo ng mawasak ang paaralang ito. Mga disipulo ko ang mga kabataang ito. Saka wag niyo na silang galitin. Hindi naman sa nagmamayabang ako, pero galitin niyo man ang Emperador ng Wynx o ng mga Hanaru pero wag ang mga kabataang ito." Hindi siya takot sa sino pa mang mga hari, mas takot siya sa sampung mga kabataang ito.
"Hindi ka ba nagmayabang sa lagay na yan Ele? Pagmamayabang na rin yan." Sagot ni Asana.
Hindi talaga takot si Luimero sa sino pa mang mga Emperador. Mas takot talaga siya sa sampung mga kabataang ito. Bakit kasi palage na lamang naghahakot ng mga mapanganib na mga kabataan ang batang to? Ayan tuloy, siya ang napi-pressure bilang mga guro nila.
"Ipagpatuloy niyo na ang mga ginagawa niyo." Sabi ni Luimero sa mga guro at binalingan na ulit ng tingin sina Steffy.
"Pero yung tarangkahan po. Baka mapasok tayo ng mga halimaw." Nag-alalang sagot ni teacher Yu.
"Wag po kayong mag-alala. Takot po ang mga halimaw sa pagmumukha niyo." Sagot naman ni Aya na ikinanilim na naman ng mukha ni teacher Yu ngunit piniling tumahimik makitang cold na nakatingin sa kanya ang iba pang mga kasama ni Steffy.
"Bakit ba nakakatakot ang mga batang to? Mana talaga sila sa guro nila, mga mayayabang. May araw din sa akin ang Luimero na yan at iyang mga estudyante niyang nagpahiya sa akin." Sambit ni teacher Yu sa isip nang bigla na lamang siyang napaluhod.
Nakita niyang tahimik na naglakad palapit sa kanya si Steffy.
"Hindi ko man sinasabi pero nakakabasa ako ng isip. Kung galit ka kay Ele dahil sa inggit, galingan mong mabuti. Kaya lang, wag na pala dahil wala namang magbabago. At ang sinasabi mong araw na makaganti ka, imposible yon. Dahil ngayon palang ibabagsak na kita." Ikinumpas ang kamay. Isang itim na liwanag ang tumama kay teacher Yu na agad ding naglaho sa isang kisapmata.
"Kapag may mangyayaring masama kay Ele ikaw ang makakaramdam ng sakit. Sasaluin mo ang anumang sakit na mararamdaman niya kaya sikapin mong nasa mabuti siyang kalagayan." Sabi ni Steffy at tumalikod na.
"Ayaw ko lang may mapahamak sa mga Mysteriang nakapaligid sa akin lalong-lalo na sa mga nilalang na malalapit sa akin." Hindi naman siya nakakabasa ng isip kung di niya ginagamit ang kanyang kapangyarihan, pero kapag talaga may mga Mysteriang nagbabalak ng masama sa kanya o sa mga Mysteriang nakapaligid sa kanya, nababasa niya agad ang nilalaman ng isip ng Mysteriang may binabalak na masama.
"Kaya niyang gumawa ng curse spell?" Mangha na namang sambit ni Laira. Akala niya masesermonan na naman siya ng kaibigan pero nakita niyang nagniningning din pala ang mga mata ni Lenera. Matagal na kasi nilang pinangarap na matutong gumamit ng spell dahil ito lang naman ang maaari nilang gamitin dahil hindi naman nila nagagamit ang kanilang mga Mysterian Ki sa lugar na ito.
"Ang astig ng spell na yon. Parang gusto ko ding matuto ng ganon." Sambit din ni Fina.
"Hindi yon basta-bastang natutunan lang." Kontra naman ni Elessa. Ang top 4 ng Servynx Academy.
Masama ang loob ni Elessa dahil sa sampung bisitang ito. Matagal na niyang hinangad na magiging top sa klase kaya masama ang loob niya makitang may mas magaling pa pala kina Lenera. Kapag dito na mag-aaral ang grupong ito, saan naman siya mapupunta? Baka sa top 20 na.
"Wag kang mag-alala. Tamad kaming mag-aral. Lalo na yung isa." Sabay nguso ni Hyper kay Steffy.
Nagulat naman si Elessa sa narinig. Wag mong sabihing nakakabasa din ng isip ang isang to? Sinundan niya ng tingin ang papalayong pigura ni Hyper na hinahabol ngayon sina Steffy.
Nang makaalis na sina Steffy kasama si Luimero, hinarap naman ng Dean ang tatlong guro. Pinaalis naman muna ng Dean ang mga sasabak sa entrance test saka kinausap ang tatlong guro sa kanyang opisina.
"Ano ba kasing ginawa niyo? Alam niyo bang sobrang hirap kumbensihin ni Teacher Luimero para magturo sa paaralang ito tapos ginalit niyo pa ang mga disipulo niya? Kilala niyo ba kung sino si Luimero? Isa din siyang guro ng Naicron Academy. Sa tingin niyo, ano ang mga estudyante ng isang guro ng Naicron Academy ha?"
Nang marinig ng tatlong guro na isang Naicronian sina Steffy napanganga sila. Pero sandali lamang ito at muli na namang nagsalita si Teacher Yu.
"Ano naman kung mga Naicronian sila? Hindi naman nila nagagamit ang mga kapangyarihan nila dito a." Sagot niya.
"Kapangyarihan hindi. Pero gawa ba ng kapangyarihan ang pagsira ng gate natin?" Sagot ng Dean. "Hindi pa nga sila gumagamit ng kapangyarihan, nasira na nila ang gate natin ano pa kaya kapag may kapangyarihan na sila?"
"Humingi kayo ng paumanhin sa mga bata kung ayaw niyong mapatalsik sa paaralang ito." Sabi ng Dean bago paalisin ang tatlong guro.
Kamakailan lang niya nalaman na isa din palang guro ng Naicron Academy si Luimero nang makita ang Naicronian token na dala nito. At bigla lang ding lumakas ang aura nito.
Si Luimero ang isa sa mga guro ng Servynx na hindi naaapektuhan sa restriksyon ng Mysterian Ki na meron sa Servynx. Isa siya sa mga Mysterian na nakakagamit pa rin ng Mysterian Ki sa lugar na ito kaya siya pinapahalagahan ng Dean. Kailangan nila ang tulad ni Luimero para mapanatili ang kaligtasan ng Academy na ito laban sa mga halimaw o mga mananakop.
Kaya lang, nagalit sa kanila si Luimero kanina na dahilan upang mataranta ang Dean na ito. Nag-alala siya na baka iiwan ni Luimero ang Servynx. Kapag nangyari iyon, ano ang laban nila kapag may mga halimaw ang bigla na lamang umatake sa paaralang ito?
Napabuntong-hininga na lamang ang Dean. Dinadasal na hindi maisipan ni Luimero na umalis sa lugar na ito.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...