Napako naman si Steffy sa kinatatayuan makitang galit na galit ang ama. Pakiramdam niya biglang nagliyab ang paligid. Hindi lumamig kundi nagliyab. Pinagpapawisan kasi ang mga nasa paligid dahil sa aurang kumawala mula sa katawan ni Master Hisren. Hindi pa man ito nakakalahati ngunit balot na balot na sa pawis ang mukha ng mga Mysterian sa paligid.
Yung may mahihinang mga kapangyarihan ay napapaluhod na nang wala sa oras. Kagaya sa tatlong senior student na kasama ni Elder Vioren.
"Lagot na. Totoo ngang anak siya ni Master Hisren." Sambit ng isa sa disipulo ni Elder Vioren.
"Anak nga siya ni Master Hisren?" Nanlalaki ang mga matang sambit nila at naalala kung paano nila pinagtawanan kanina si Steffy nang tawagin nitong ama si Master Hisren.
"Anak pala ng Dean ng Wynx Military Academy ang nagligtas sayo Yuna." Sambit naman ni Yuzin.
"Kaya pala kakaiba siya. Sabi ko na nga ba e. Tinatago lang nila ang tunay nilang lakas." Sambit naman ni Yuna.
Napadako naman ang tingin ni Master Hisren kay prinsesa Denaira. Pinagpapawisan naman ang prinsesa makitang sobrang sama ng tingin sa kanya ng iniidolo sana nilang Dean ng Wynx Military Academy. Hindi niya inaasahang anak pala ni Master Hisren si Steffy. Napahinga siya ng maluwag dahil nilagpasan na siya ng tingin at tumigil ang tingin ni Master Hisren sa nanginginig na si Haria Yumi.
"Inakit ng anak ko ang prinsipe niyo? Sa palagay ko dalawa lang naman kayo ng pinsan mo ang ginagawa ang paraan para mapansin ng mga prinsipe niyo sa lugar na ito." Sabi ni Master Hisren kay Haria Yumi. Ayaw niyang magpahiya ng iba ngunit kapag anak na niya ang ipinahiya at pagbintangan, kahit ano gagawin niya.
Napatingin naman si Yumi sa amang hari ngunit tikom din ang bibig ng ama kaya naman ibinaling na lamang niya ang tingin sa Emperatris.
"Maaaring isa lamang itong di pagkakaunawaan. Bakit hindi niyo ipaliwanag sa amin kung ano nga ba ang tunay na nangyayari? At bakit naging alipin ng Wynx Academy ang anak ni Master Hisren?" Mahinahong paliwanag ng Emperatris at palihim na sinulyapan ang Emperador.
Kalmado parin ang Emperador pero ang totoo'y sinusuring mabuti ang candidate daughter in law niya.
"Cute na bata. Kaya lang, napakabata pa niya. Kailangan ko pang maghintay ng apat na taon. Ah hindi, siyam na taon. Ang tagal pa kung ganon." Labing walong taon ang edad na maaari ng mag-asawa sa mga babaeng Mysterian ngunit, dalawampu't tatlo naman ang edad ng mga Chamniang babae na maaari ng mag-asawa.
Sinulyapan niya si Kurt. Pansin niya kanina na nagalit ito nang siraan ng iba si Steffy at ang pagbabalak nitong protektahan ang cute na babaeng ito.
"Pumapag-ibig na nga ang anak ko. Ano kaya ang magandang regalo para sa future daughter in law ko?"
Ang inaakala nilang kalmado lamang na Emperador ay nag-iisip na pala kung ano ang ireregalo sa daughter in law niya daw. Di man lang pinagtutuunan ng pansin na nilait na pala ang anak niya."Hindi na kailangan ng lahi namin ang mang-akit dahil isda na ang kusang lumalapit. At sinasabi niyong inaakit niya ang itinakdang prinsipe? Sa anong dahilan? Dahil poge siya? Mas gwapo pa ang Neo Histon niya. Saka marami namang mga kasama niya na sa hitsura pa lang walang magiging katulad." Sabay sulyap kina Sioji na nasa pintuan. "Mamili na lamang siya sa kung sino sa kanila, bakit mamimili pa siya ng iba?"
"Anong isda naman itong sinasabi ng matandang to?" Sambit ni Histon nang marinig ang sinabi ng ama.
Tumikhim naman ang Emperador sa narinig. Saka sinuri rin sina Arken, Rujin, Geonei at Hyper. Lahat sila may natatanging kagwapuhan sa iba't-ibang paraan. Ngunit mas kapansin-pansin parin si Sioji, mula sa aura nito, tindig, anyo at kilos. Na tila ba dala-dala nito ang pagiging anak ng dugong bughaw. Samahan pa ng mukha nitong parang hindi galing sa mundong ito. Pero gwapo din naman ang anak niya a. Makalait ang matandang Hisren na'to parang nanghahamon ng laban?
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...