The Journey of the Bratty Chosen Ones Volume 2: Mission: Becoming a hero
Bago niyo ito basahin kailangan niyo munang mabasa ang chapter 1 to 104 sa Volume 1, part 1 and 2. Nasa ibang book po ang Volume 1. Same title.
ENJOY READING...
***
Mula sa Naicron Mountain, nagtungo sina Steffy sa bayan kung saan nakatira sina Mar Herano at Lara Shinju. Dito nasaksihan nila ang pag atake ng apat na mga halimaw sa pamumuno ng isang Snake Monster.
Halos mawalan na ng pag-asa ang mga sundalo na naatasang tumulong sa isa sa mga syudad ng Norzian.
"Parami na ng parami ang mga nasisira nilang lugar dito sa Norzian, mukhang katapusan na talaga natin ngayon."
"Darating pa kaya ang mga hiningan ng hari ng tulong?"
"Walang ni-isa man lang sa ibang kaharian ang nagbabalak tumulong kaya wala na tayong pag-asa."
"Ilan na ring mga sugo ang ipinadala ng hari sa Naicron mountain pero hanggang ngayon wala paring balita."
"Kapag masira na nila ang harang na ito, tiyak na mapapasok na rin nila ang capital city."
Ito ang mga usapang maririnig sa mga sundalong patuloy na pinapatibay ang harang na gawa nila. Kaya lang nababasag parin ng apat na mga magic beast, kaya ang mga sugatan pumasok na lamang sa isang tahanan na may matibay na harang. Ito ang nagsilbing taguan ng mga sugatang sundalo at mga mamamayang Mysterian kaya nagsiksikan na sila sa loob ng tahanang ito.
"Mahihina." Iyon ang nasa isip ni Lucid habang pinagmamasdan ang mga sundalo ng Norzian na nakikipaglaban sa apat niyang mga alipores.
"Bakit hindi nalang kasi kayo magpasakop sa amin? Gusto niyo bang mamatay lahat ng mga naninirahan sa lugar na ito?"
Ang totoo, inutusan siyang guluhin ang lugar na ito upang malaman kong magpapadala ba ng tulong ang Naicronian. At suriin ang lakas ng mga Naicronian.
Wala siyang balak makipaglaban sa mga langgam dahil walang ka-challenge-challenge para sa kanya. Para sa kanya parang mga langgam lamang ang mga Mysterian sa lugar na ito.
"Kung hindi niyo tatanggalin ang harang at iharap sa akin ang hari niyo, papatayin ko ang mga langgam na ito."
Tinuro ang mga mysteriang bihag nila na nanginginig ngayon sa takot.
Nauubusan na rin siya ng pasensya dahil sa isang tahanan na ito na may malakas na harang.
Sa lahat ng mga kabahayan, ito nalang talaga ang kaisa-isang tahanang hindi niya matanggal-tanggal ang harang. Malapit ng masira ang harang na nakapalibot sa capital city pero ito, wala paring nangyayari. Ni wala siyang nakitang kahit kaunting bitak kahit ilang ulit niyang pinaatake sa kanyang mga kampon.
Ito din ang naging taguan ng mga Norzinian na nakaligtas sa kamay ng kanyang mga alipores.
Ang mga sugatang sundalo at mga mamamayan halos magsiksikan na sa tahanang ito. Kung hindi lang malawak ang bakuran ng tahanang ito malamang sobrang puno na ito ngayon.
Inangat ni Lucid sa ere ang isang batang nasa isang taong gulang at ipinakita sa mga sundalong patuloy sa pakikibaka sa kanyang apat na alipores.
"Kung hindi niyo tatanggalin ang harang papatayin ko ang batang ito." Banta niya at hinigpitan ang pagkakahawak sa leeg ng bata na ikinaiyak nito.
Ang ina ng bata na nasa loob ng tahanan nina Mar, hindi alam ang gagawin. Gusto niyang iligtas ang anak niya kaya lang paano? Isa siya sa mga natulungan ng mga sundalo kaso hindi nila nakuha ang anak niya dahil nahuli ito ni Lucid.
"Ang anak ko!" Lalabas na sana siya pero pinigilan siya ng mga kawal. Kaya nagpupumilit siyang lumabas hanggang sa makalabas sa harang.
Tumakbo siya palapit sa kinaroroonan ni Lucid kaso nahuli siya sa isang magic beast na may katawang oso at pinagpiyestahan ang kanyang katawan. Nagkalat ang kanyang dugo sa lupa. Ang mga nakasaksi naman ay nanginig sa tindi ng takot. Wala ng may gustong lumabas ng tahanan.
Nagpupumilit namang makawala ang mga bihag, gustong-gusto nilang makawala sa itim na enerhiyang nakagapos sa kanila. Kaya lang, kahit anong galaw nila hindi nila maikilos ang katawan at hindi nila matanggal ang itim na usok na nakagapos sa kanila.
Muntik ng masuka si Mesia sa nasaksihan. Nakita kasi niya ang ginawa ng higanteng oso sa babae kanina. Iyon kasi ang eksenang kanilang naabutan. Nang tingnan nila ang grupo nina Steffy na inaakala nilang manginginig na ngayon sa takot, nagulat na lamang sila dahil parang wala lang sa grupong ito ang nakita nilang eksena.
Nakakunot lamang ang mga noo habang nakatingin sa apat na mga higanteng magic beast na panay atake sa mga sundalong nakaharang sa kanilang mga daraanan.
"Wow! Tingnan niyo. Para silang nagsosyoting ng action fantasy movie. Ang daming mga warrior na may mga parang fireworks ang mga kapangyarihan." Tuwang-tuwang sambit ni Steffy, ilang sandali pa'y nakatanggap siya ng batok mula kay Asana.
"Di mo ba nakikita? Nagpapatayan na yan." Sabay turo ni Asana sa sundalong nalusaw matapos tamaan ng pinalabas na likido ng isang magic beast na may katawang tigre na may ulong leopard.
"Wow! Ang tindi ng powers niya." Muling sambit ni Steffy na ikinasamang lalo ng hitsura ng grupo ng mga Norzinian.
Gusto nilang isigaw na hindi sila naririto para manood ng palabas o para malibang at mamangha. Nandito sila para mangligtas.
Kaya lang, wala na silang oras para sitain ang grupo ng mga kabataang ito na tila walang mga puso na hindi man natinag makita ang mga biktima ng apat na mga halimaw dahil nakatuon na ang atensyon ng pinuno ng apat na mga halimaw na ito na si Lucid sa kanila.
"O, may mga bagong tanghalian na naman kayo." Lucid said and an evil smirked form in his lips.
Nanlamig naman ang grupo nina Ruffin makita ang nakakakilabot na tingin ni Lucid. Lalo na nang makita kung gaano kalakas ang itim na awra nito. Ang sinumang matatamaan ng awrang ito ay mahihirapang huminga, ano pa ba sa sanggol na hawak niya?
Ngunit may gintong awra ang sanggol na kayang kontrahin ang itim na awrang nanggagaling kay Lucid na siyang dahilan kung bakit hanggang ngayon buhay pa rin ang sanggol na ito.
Umungol ang apat na mga halimaw makita ang mga bagong dating.
"Bakit pakiramdam ko parang nasasaktan ang mga halimaw na ito?" Sambit ni Geonei.
"Hindi sila mga halimaw. Mga Bysteria sila ngunit parang may kumukontrol sa kanila." Sambit ni Izumi.
"Hindi niyo ba pansin? Pabago-bago ang kulay ng kanilang mga mata. Kapag nagiging pula nagiging mabangis sila at kapag nagiging asul, tila natitigilan sila at napapatulala." Dagdag pa ni Izumi.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...