Nagkatinginan naman sina Steffy at Ruffin.
“Core students ka na pala dito. Ang galing mo. Binabati kita.” Masayang sabi ni Steffy.
"Maraming salamat." Nakangiting sagot ni Ruffin.
"Ang galing mo ha. Nakapasok ka pa sa Wynx, naging core students pa at higit sa lahat mukhang hearthrob ka rin dito. Sabagay poge ka na nga, may malakas pang Mysterian ki." Nag-thumbs up pa kay Ruffin. Hindi pinansin ang naninilim na mukha ni Kurt.
Nailang naman agad si Ruffin nang marinig ang mga papuri ni Steffy na alam niyang mas malakas parin sa kanya.
Kamakailan lamang nalipat sa core student si Ruffin. At baguhang estudyante parin siya sa Wynx Academy. Napalapit lamang siya sa mga core students nang minsan silang nagkasama sa training forest at sa iilang mga campus missions.
Naramdaman ni Ruffin na may enerhiyang pumapasok sa kanyang katawan. Gumagaan ang kanyang pakiramdam sa enerhiyang ito kaya di niya maiwasang mapapikit at damhin ang malambot na enerhiyang ito. Ilang sandali pa'y wala na siyang nararamdamang pananakit sa katawan.
Ganito ang pakiramdam niya noong ginagamot siya ni Steffy kaya naman napatingin siya kay Steffy na may nagpapasalamat na mga mata.
Napakunot na lamang si Steffy dahil pumagitna si Kurt sa pagitan nilang dalawa ni Ruffin.
“Wag kang ngingiti-ngiti diyan. Ang panget mo kaya.” Sabi ni Kurt na ikinasimangot ni Steffy.
Ilang sandali pa'y nakarinig sila ng sigaw.
“Steffy! Tulong!” Sigaw ni Aya na tumatakbong palapit sa kinaroroonan nila. Saka nila napansin ang usok sa di kalayuan.
Natanaw din nila ang mga kawal na wari may hinahabol.
Agad na nagtago si Aya sa likuran ni Steffy. Bago pa man makapagtanong si Steffy sa kung ano ang nangyari natanaw din niya sina Shaira at Izumi na tumakbo sa gawi nila. Hinahabol din ang mga ito ng mga kawal ng Wynx Academy.
Kapansin-pansin din ang kaguluhan sa di kalayuan at maririnig ang mga sigaw ng mga Mysterian at ungol ng mga hayop.
Maririnig rin ang paghingi ng tulong ng mga Mysterian. Kaya naman napatingin si Steffy sa mga kaibigan na nagtatago na ngayon sa kanyang likuran.
Nagsidatingan naman sina Sioji, Arken, Hyper, Geonei at Rujin. Kasunod non ang grupo ng mga kawal na pinamumunuan ni Denaira ang dumating.
“Ano bang nangyayari dito?” Tanong ni Kurt makita ang pinsan na nagngingitngit sa galit.
Nagsalita naman si Denaira na wari iiyak na anumang oras.
“Kamahalan. Sinunog po ng mga yan ang aking tirahan. Pinakawalan din nila ang tatlong Mysterian beast sa kulungan ng mga ito.” Sumbong ni prinsesa Denaira.
Ikinumpas naman ni Sioji ang mga kamay. Isang transparent screen ang sumulpot sa harapan nila at makikita sa screen na ito ang mga eksena noong umalis sina Sioji kasama ang iba.
Kapansin-pansin ang mga apoy na aksidenteng napapagawi sa naglalakad na grupo nina Sioji. Ang aksidenting pagkadulas ng mga nagsasanay at papunta kina Asana ang mga matutulis na yelo o ba kaya mga mapanganib na mga sandata. May bigla namang nadudulas at mabubuhos ang mapanganib na lason sa gawi ni Shaira at kung ano-ano pang mga aksidente na halatang pinagplanuhan lamang ng iba. Kaya lang, walang nasaktan sa grupo ng bratty students na ito at sa halip ay nababalik ang mga aksidenting ito sa kung sino ang may pakana.
Dito palang ay halata ng hindi lang balak pahirapan ang mga bratty students na ito kundi balak na talagang tapusin sa paaksidenting paraan.
Inutusan ni Prinsesa Denaira si Aya na maglinis sa kanyang tirahan. Nilinis naman agad ito ni Aya na walang reklamo ngunit may inutusan ding iba si Denaira na magkakalat ng dumi sa kanyang tahanan upang pahirapan si Aya. Madali lang para kay Aya ang maglinis lalo na kapag ginagamitan niya ng Mysterian energy kaso sa bawat parteng nalilinisan niya na agad namang binubuhusan ng mga mababahong basura ng mga alalay ni Denaira. Sa inis ni Aya, sinunog niya ang tirahan ni Denaira.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...