"Sa dinami rami ng mga sandatang pagpipilian niyo, mas pinili niyong magdala ng mga prutas? Tingin niyo sa lakad natin namamasyal lang?" Di makapaniwalang tanong ni Zion.
Pinili pa naman niya ang grupo nina Steffy dahil alam niyang may mga potensyal sila. Pero kung gaano kataas ang tingin niya sa grupong ito saka naman babagsak bigla. Hindi tuloy niya mawari kung magsisi ba siya sa desisyon niyang ito o hindi?
"Pakialam mo ba? Pagkain ang importante sa isang misyon. Saan kami kukuha ng lakas kundi kami makakakain?" Sagot ni Aya at nilabasan pa si Zion ng dila.
"Pagkain nalang kayo palage. Kakain niyo lang kanina." Angal niya.
"Napagod kasi kami kanina kaya kami kumain." Sagot ni Aya. Naiinip lang talaga sila sa kahihintay kung kailan sila maaaring bumaba sa stage kanina kaya naman naisipan na lamang nilang kumain habang manonood ng palabas. At ang pagod na sinasabi niya, katwiran lang niya iyon.
"Napagod?" Gusto yatang manapak ni Zion ngayon. Wala na nga silang ginawa sa itaas ng stage kundi kumain napagod pa raw?
"Wag mo na ngang pakialaman ang grupong yan. Kapag namatay sila sa training forest problema na nila yun. Bakit di ka nalang kasi lumipat ng grupo habang maaga pa?" Sabi ni Jaino makitang frustrated na si Zion.
Isa si Zion sa top 3 noong entrance exam kaya naman maraming may gustong magiging kagrupo siya kaso ayaw niya sa kanila at pinili pa ang grupong puro laro at pagkain lang ang laman ng mga isip.
Sinamaan siya ng tingin ni Zion. "Kapag sa grupo niyo ako mapupunta di bale nalang." Sagot ni Zion na ikinasama ng tingin ni Jaino.
"Tingnan nalang natin kung di mo pagsisisihan ang pagsali sa grupo nila. Baka di pa kayo nakakapasok sa central area, matatanggal na kayo." Sagot ni Aiza.
"Wag kang lumapit sa amin kapag nagsisi ka." Sagot din ni Jaino.
Kadalasan sa mga kasama nina Jaino ay ang mga malalakas na mga piniling keeper at protector. Nandito rin si Denaira na kasalukuyang may pinakamataas na ranggo sa mga piniling keeper. Dagdagan pa kay Mika na isa sa piniling keeper ng ice magic users.
Kung wala lang ang mga core students at ang grupo nina Kurt maaaring ang grupo na sana nina Jaino ang maituturing na pinakamalakas na grupo. Kaya lang bukod sa kanilang mga Wynx Academy students, kasama rin pala sa misyon ang mga Wynx Military students kaso may sariling grupo ang mga ito at magiging kalaban ang grupo nila sa grupo ng mga Wynx Academy students.
Nang dumating ang Emperador, handa na ang lahat sa paglisan.
Limang mga sasakyang panghimpapawid ang dumating. May iba't-ibang mga hugis at disenyo. Ngunit kapansin-pansin ang pinakanaiiba sa lahat na hugis bilog na aircraft na may mga swimming pool pa sa mga gilid na wari tambayan ng mga pasahero. Sa tuktok ay may swimming pool din at may fountain pa sa gitna nito. May bilog na logo ang sasakyan na may nakaukit na dalawang pakpak sa nasabing logo. Pakpak na tila ba gawa sa nag-aalab na puting apoy at nag-aalab na pulang apoy. Sa gitna ng magkadikit na pakpak ay ang esapada na may dalawang kulay. Kulay puti at pula. May nakasulat na SMZ ang hawakan ng espada.
Nagbabago ang hugis at anyo ng sasakyang ito depende sa kung paano ito kontrolin ng pilotong magmamaneho nito. Isa ito sa mga mainam gamiting sasakyang pandigma.
Natuwa at namangha ang halos lahat ng mga estudyante makitang makakasakay na sila sa aircraft na sa palabas lang nila nakikita at sa malayo lang sana nila natatanaw. Ngunit may iilan din na halatang sanay ng makakita ng ganitong uri ng sasakyan.
Nagsiakyatan na ang ibang grupo. Aakyat na din sana si Steffy sa hagdan ng sasakyan. Ngunit makitang halos lahat ng mga kabataang maaaring pag-asa ng Mysteria ang siyang kalahok sa nasabing misyon hindi niya maiwasang magtaka.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...