"Mas nakakabuting umalis na kayo. Dahil tungkulin din namin na mapanatili ang kaligtasan niyo. Kaya na namin to." Sagot ni Arken na tinanggal ang wristband at relo. Nagtataka pa ang mga nakapaligid kung bakit may hinuhubad ang Kids team maliban kay Steffy na walang tinanggal sa katawan.
"Nahihibang ba sila? Nasa panganib na nga tayo nagawa pa nilang maghubad?" Di maiwasang tanong ng isang misyonaryo makitang hinubad din ni Rujin ang kanyang coat. Hinubad naman ni Sioji ang kanyang kapa.
"Napapaligiran na nga tayo ng pader na yelo, naiinitan pa sila?" Sambit ng nilalamig na si Spiral.
Patuloy parin sa pagkalat ng yelo sa lupa at papalapit na ito sa kinaroroonan nila. Iisang paraaan lamang para makaalis sa pulang aurang ito at nagyeyelong paligid. Iyon ay ang mag-teleport sa ibang lugar.
May mga palasong gawa sa yelo ang umulan patungo sa kanilang kinaroroonan. Isa-isa namang naglaho ang mga Kids team.
"Kung hindi pa kayo aalis, mas mahihirapan kami." Sabi ni Steffy. "Lalo na ako." Di naman kasi niya maaring tanggalin ang mga bagay na pumipigil sa kapangyarihan niya. Baka mamaya hindi lang sila magiging yelo kundi magiging bato pa. O baka naman sasabog pa sila. Saka wala siyang balak ipakita ang iba pa niyang kakayahan sa mga Mysteriang ito.
Tiningnan muna ni Kurt si Steffy bago gamitin ang teleportation stone. Nilagyan niya ng Mysterian energy ang teleportation stone at may isang kulay puting portal na nababalot ng puting fog ang lumabas pagkawala ng transparent teleportation stone.
Unang pinapasok ang Haria at sumunod naman ang mga kawal nito. Papasok na sana si Kurt nang makitang may dalawang naka-whitehood na nilalang ang umatake kay Steffy. Isang espadang kulay pula ang patungo sa katawan ni Steffy, naiwasan niya ito pero may mga invisible snow blade ang patungo sa kanyang katawan. Kundi dahil sa aura nito hindi ito makikita ni maramdaman ni Kurt. Kundi magti-teleport si Steffy siguradong matatamaan ito.
Kaya naman kinuha ni Kurt ang nag-iisang teleportation scroll niya at binato kay Steffy. Bumukas ang teleportation scroll nang tumama sa katawan ni Steffy. Kasunod nito ang paglabas ng gintong liwanag. Nang maglaho ang gintong liwanag at scroll naglaho rin si Steffy.
Si Steffy na na-excite na sanang makipaglaban bigla na lamang napunta sa ibang lugar.
"Kamahalan!" Tawag ni Rinju dahil kundi pa sila makakaalis sa lugar na ito o magteleport sa ibang lugar, magiging yelo na sila.
Ang lupang inapakan ni Steffy kanina ay nagiging yelo na. At ang dalawang naka-whitehood na nilalang na umatake kanina kay Steffy ang naiwan.
Ilang sandali pa'y natumba ang dalawang naka-hood at dumating si Sioji na nakalutang sa hangin.
"Steffy!" Tawag ni Sioji na nakatingin sa kung saan naglaho ang pinsan. Galit na binalingan niya ng tingin si Kurt.
"Kung gusto mong tumakas, tumakas kang mag-isa, wag ang pinsan ko." Sigaw niya sa inis. "Kapag hindi namin siya matagpuan iihawin talaga kita kahit hindi ka pa masarap." Sabi pa nito bago umalis.
Si Kurt naman na napagalitan biglang natuwa. "Pinsan? Magpinsan naman pala sila." Hindi niya napigilang mapangiti.
"Kamahalan. Ikaw na yata ang prinsipeng nasigawan ng iyong misyonaryong escort, na natutuwa." Sabi naman ni Shinju na ikinapawi ng ngiti ni Kurt. Misyonaryong escort lamang si Sioji. Ngunit sinigawan siya nito. Pero di bale na pinsan naman siya ni Steffy kaya pagbibigyan na lamang niya.
"Hindi mo dapat sinigawan ang kamahalan. Escort lamang tayo, tandaan mo ang posisyon natin." Napalunok bigla ng laway ang misyonaryong nagmagandang loob lang na nagsalita kanina sa pag-aalang mapaparusahan si Sioji dahil sa ginawa niya nang makita ang kulay scarlet na mga mata nito.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...