Steffy 129: Haria Yumi

741 60 0
                                    

(Author's Note: Please don't follow the sequence of the chapters. Focus on the number of each chapter not the sequence. Hindi kasi nagkakasunod-sunod ng maayos. Posibleng mas nauuna ang chapter 126 kaysa sa 125 or tulad nitong nahuhuli ang chapter 105 kahit na inilalagay ko naman sana sa pinakauna, kaya tingnan niyo na lamang ang bilang ng mga chapter para hindi kayo malito.)

Enjoy reading...

***

Nakaupo si Kurt habang nagbabasa ng libro. Ilang sandali pa'y, "lumabas ka na." Sabi niya na nakatuon parin ang tingin sa libro.

Agad namang lumitaw ang naka-blue robe na lalaki at agad na nagbigay pugay kay Kurt. Yumuko ito ng bahagya. Habang nakalagay ang nakapatong ang isang palad sa isang nakakuyom na kamao sa bandang dibdib.

"Ano ang natuklasan mo?" Tanong ni Kurt at inilapag ang hawak na libro sa mesa.

"Umalis daw ang prinsesa ng Perzeton. At kung nasaan ito, walang nakakaalam kahit ang hari pa." Pagbabalita ni Shinnon. Siya kasi at ang iba pa niyang mga kasamahan ang inutusang maglakbay at siyang kikilos ng palihim.

"Kung siya nga ang chosen keeper na kakagising lang ang kapangyarihan, dapat nararamdaman ko parin hanggang ngayon ang presensya niya. Pero tulad sa Norzian, nawala ring bigla. Hindi kaya may iba pang grupo na naghahanap sa mga chosen ones bukod sa mga Superian at Dethrin?" Tanong ni Kurt.

"Ipagpatuloy pa ba natin ang paghahanap? Wala na kasi tayong palatandaan kung nasaan na ang piniling iyon." Halos malibot na kasi nina Shinnon ang Perzeton maging ang karatig kaharian nito pero naglaho na ang palatandaan ng chosen keeper na ito.

"Nakausap mo ba ang hari nila?" Tanong ni Kurt.

"Nakausap ko pero ang sabi niya may makapangyarihang master ang kumuha sa anak niya. Sa hinala ko mga Naicronian. Nagsisinungaling man siya o hindi pero siguradong wala na sa Perzeton ang prinsesa." Paliwanag ni Shinnon.

Pansin nilang sunod-sunod na kapalpakan ang nararanasan nila. Palage nalang silang nahuhuli ng dating.

Bigla namang naisip ni Kurt ang grupo nina Steffy.

"Posible kayang isa sa kanila ang pinili? Pero bakit hindi ko nararamdaman?" Kapag napalapit siya sa sinumang chosen keepers mararamdaman niya ito. Magliliwanag rin ang crystal na daladala nila.

At kapag may masamang nangyari sa piniling iyon manghihina siya at makaramdam ng sakit pero wala namang kakaibang nangyari sa kanya.

Ibig sabihin ayos lang ang piniling ito kaya lang nasaan na siya? Hindi na rin nagliwanag pang muli ang bolang kristal na hawak niya.

"Nakapagtataka. Ilang pinili na ang hindi natin nakuha. Noong una sa mundo ng mga tao, tapos sa Ifratus, sa forbidden forest, sa Norzian, ngayon naman sa Perzeton." Nagtatakang tanong ni Kurt.

"Bakit kung saan ang palatandaan ng mga pinili nakikita ko rin ang grupo ni Steffy?" Sabi ni Kurt maalalang noong unang nagparamdam ang isang pinili sa mundo ng mga tao, nakatagpo niya ang batang medyo kahawig ni Steffy.

"Pero imposibleng siya at ang batang iyon ay iisa. Patay na ang batang iyon." Sambit niya pa. Ngunit maalala ang tawag ng kuya ng batang iyon na Seyriel at ang Seyriel na Steffy na ngayon, naisip niyang si Steffy at ang batang iyon ay posibleng iisa nga.

"Bakit kung nasaan kami at ang mga hinahanap naming pinili, nandoon din siya?" Sambit pa ni Kurt sa isip.

Nang magparamdam na namang may pinili sa Ifratus nakasalubong na naman niya si Steffy na may bago ng mga kasama. Hanggang sa mapadpad sila sa Norzian at nadagdagan na naman ang mga kasama ni Steffy.

"Sino ba siya? Isa din ba siyang hunter ng mga pinili?" Hunter or seeker ay ang mga nilalang na naatasang maghanap sa mga nawawalang pinili o sa mga piniling nasa iba't-ibang panig ng Mysteria. May mga mabubuti at meron ding masasamang mga hunter.

Nagkatinginan silang dalawa ni Shinnon.

"Isa ba sila sa mga pinili? Kaya lang mga Naicronian sila. May kakaiba mang lakas ang mga pinili ngunit alam nating mas makapangyarihan pa rin ang mga Mysteriang may dugong Chamnian tulad na lamang ng mga Naicronian." Sambit pa ni Kurt.

"Paano kung pinili rin sila na may dugong Chamnian? Kung natatandaan mo pa, kamukha niya ang batang nakabanggaan mo sa mundo ng mga tao noon."

"Patay na ang batang yon." Sagot ni Kurt. Sinabi niyang patay na dahil nakaramdam siya ng matinding sakit ng madisgrasya ang sinasakyan ng batang yon. Ngunit sa tuwing nakikita niya si Steffy naaalala niya ang batang iyon.

Dahil sa pagkabawas ng kanyang kapangyarihan at matinding nararamdamang sakit, natalo siya sa isang laban, laban sa mga Dethrin. Kung buhay pa ang batang pinili na iyon walang mangyayaring masama sa kanya. Hindi din mababawasan ang kapangyarihan at lakas niya.

Kapag may mangyayaring masama sa mga piniling keeper, makakaramdam rin ng matinding sakit ang mga piniling guardian at protector bilang parusa sa kanila. Parusa kung bakit hindi nila nailigtas ang sinumang chosen keeper.

Kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng piniling keeper, dobleng sakit rin ang mararamdaman ng mga guardian at protector.

"Mas nakakabuting tanungin mo nalang siya para sigurado." Sabi naman ni Shinnon.

Habang seryosong nag-uusap ang dalawa, nakarinig sila ng mga kalabog at hiyaw.

Mabilis na naglaho si Shinnon at lumabas naman ng silid si Kurt.

"Anong nangyayari rito?" Nagtataka siya kung bakit may nakahandusay na mga kawal at iilan sa mga kasama niya sa Hunters team.

"Kurt!" Tumakbo palapit sa kanya ang isang babae na naiiyak na ngayon.

"Anong ginagawa mo dito? Saka wag mo akong tawagin sa aking pangalan." Nakakunot ang noong sagot niya at iniwasan ang babaeng yayakap sana sa kanya.

Napayuko naman si Haria Yumi sa hiya at tumulo agad ang luha.

"Paumanhin po kamahalan. Pero binastos kasi ako ng lalaking yan. Kung maari sanay ibigay mo siya sa akin." Humikbi pa siya para makuha ang simpatya ng pinsan na ito.

"At hindi man lang ako pinagtanggol ng mga bantay mo." sabay tingin sa mga misyonaryo lalo na sa ibang Hunters team.

"Hinayaan lamang nila akong bastusin ng Mysteriang iyan." Sabay turo kay Sioji na ngayon nakasandal lamang sa pader at malamig ang mga matang nakatingin sa gawi nila.

Tumingin naman si Kurt kina Rinju at Shinju. Sabay namang nagkibit balikat ang dalawa. Alam naman ni Kurt kung anong ugali ng Hariang ito.

"Anong ginagawa ng isang Haria sa lugar na ito? Kung hindi ka sana nagpunta rito at nanggulo e di ka sana nababastos." Malamig na sagot ni Kurt.

Naikuyom naman ni Haria Yumi ang kamao.

"Pinadala ako rito ng Grand Empress para may makasama ka." Sagot ni Haria Yumi. Ang Grand Empress ay ang stepmother ng Emperador ng Wynx Empire. Pamangkin nito si Haria Yumi at ang siyang gusto nitong maikasal sa alinmang prinsipe ng Wynx.

"Kung gusto mong bumuntot sa akin sikapin mo lang na hindi ka magiging sagabal. Wag mo ring pinapakialaman ang mga tauhan ko. Tauhan ko sila at wala kang karapatang utusan sila o parusahan." Sabi Kurt na ikinatulo na naman ng luha ni Haria Yumi.

Tinalikuran ni Kurt ang lumuluhang babae saka nagtungo sa dining hall ng Inn. Sinundan naman siya nina Shinju at Rinju.

"Kamahalan. Mapapagalitan ka na naman ng Grand Empress niyan kapag nagsumbong na naman ang babaeng yon." Bulong ni Shinju.

"Ano na naman bang binabalak ng Grand Empress na yon at pinadala na naman ang pinsan mo?" Tanong ni Rinju.

"Hindi ko siya pinsan." Angal ni Kurt.

"Sa dugo oo. Pero dahil ampon siya ng kapatid ng iyong ina magiging pinsan mo na rin siya." Naitikom ni Rinju ang bibig makitang sinamaan siya ng tingin ni Kurt.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon