Central Area
"Lenera, dumidilim na, bakit hanggang ngayon wala pa rin sina Steffy?" Tanong ni Laira.
"Baka naligaw sila." Sagot naman ni Lenera.
Natanaw nila ang paparating na si Karim.
"Buti dumating ka na. Nasaan sina Steffy?" Tanong ni Zion kay Karim. Tinaas pa ang leeg habang nakatingin sa likuran ni Karim.
"Hindi ko alam." Sagot niya.
"Hanapin na lamang namin sila." Suhestiyon naman ni Yuna.
"Tayo na lang lahat ang maghahanap. Alam niyo namang mapanganib ang lugar na ito baka kung ano pa ang makasagupa natin kapag naghihiwalay tayo." Suhestiyon naman ni Fina na sinang-ayunan naman ng lahat.
Hinanap nila ang grupo nina Steffy hanggang sa matanaw nilang namimingwit ang mga ito sa gilid ng ilog.
"Dapat hinahanap na natin ang Empire Seal di ba? Bakit namimingwit lamang kayo diyan?" Di makapaniwalang tanong ni Zion.
"Ano bang pinunta niyo dito ha?" Tanong din ni Lenera.
"Namamasyal?" Panabay na sagot ng bratty gang.
"Hindi ba natin hahanapin ang ruined city?" Tanong ni Yun sa mga kasama.
Pagpasok nila sa Central Area, pinahanap agad sa kanila kung saan napapad ang grupong ito ngunit maghapon silang naghanap, walang anino ng Bratty gang ang nakita nila.
Ngunit nang matagpuan na nila, wala namang ibang ginawa sina Steffy kundi ang manguha ng bunga ng mga puno, mag-iihaw ng mga nahuli nilang mga magic beast at mangisda sa ilog. Minsan nakikipagdaldalan pa sa mga naninirahan sa lugar na ito o ba kaya nakikipaghalubilo sa mga mamamayan sa mga village na madadaanan nila.
"Pansin ko lang, wala pa tayong nakasalubong na galing sa labas ng central area? Nasaan na ba ang iba?" Tanong naman ni Ruffin.
"Base sa nararamdaman kong mga aura nila, nasa hilaga ang iba, ang ilan naman nasa timog. Ang kinaroroonan nating ito, nasa silangan." Sagot ni Gryn.
Hindi sila nakikipag-usap sa mga native sa lugar na ito dahil hindi nila maiintindihan ang mga lengwahe nila. Kaya nagtataka sila dahil nakakaintindi ang bratty gang sa mga pananalita ng mga naninirahan sa lugar na ito.
Napanguso si Steffy. Nakaupo siya ngayon sa gilid ng ilog. Kanina pa siya nanghuhuli ng mga isda ngunit ni isa walang gustong lumapit sa kanyang pain ni lumangoy man lang palapit sa pain niya.
"Pati ba naman isda takot din sa akin?" Sambit niya at napangiwi.
"Paano naman sila lalapit e sa aura mo palang, atras na sila." Sabi ni Kurt na nakapamulsang naglakad palapit kay Steffy.
Napatingala naman si Steffy sa papalapit na lalaki.
"O, magreretiro ka na sa pagiging secret bodyguard?" Tanong ni Steffy. "Kanina niyo pa kasi kami sinusundan ng palihim. Akala ko tuloy may bagong mga bodyguard ako."
Napakamot naman sa noo si Kurt. Hindi kami palihim na nakasunod. Kayo kaya ang bigla nalang naglalaho st susulpot ni hindi kami nakakalapit." Sagot ni Kurt.
Kapag kasi lalapit na sana siya, bigla na lamang naglalaho ang grupo ni Steffy na di nila alam kung saan banda napunta. Tapos kapag nahanap na nila naglalaho na namang muli.
"Kailangan na naming umalis para hanapin ang Empire seal." Sabi ni Kurt kay Steffy.
"Ayiiieeeh. Nagpaalam siya sa 'kin. Uy! Iba na yan." Tukso agad ni Steffy. Nagsisi tuloy si Kurt kung bakit pa siya nagpaalam.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...