Naglalaban ang mga misyonaryo at mga nakaitim na mga Mysterian. Kapansin-pansing nahihirapan ang mga misyonaryong ito laban sa mga nakaitim. At tanging tent na lamang nina Steffy ang nakatayo.
"Bakit hindi kayo tumulong?" Tanong ng isang red army team member kina Sioji na nanonood lang sa laban.
Tanging ang kids team lang kasi ang walang ginagawa. Higit sa lahat kumakain pa habang nanonood ng laban.
"Ang galing talaga ni Kuya Orion!" Sabi agad ni Steffy makitang tumilapon ang kalaban nitong naka-black. Stick to Orion ang pusta niya. Kahit sino ang nakakalaban ni Orion, kay Orion pa rin siya pumupusta. Hindi pa rin naman siya natatalo.
Sa lahat ng mga nakikipaglabang mga misyonaryo, si Orion lamang ang hindi naaagrabiyado.
Isa sa mga misyonaryo ang nahihirapan na at tumilapon sa gawi nina Steffy.
"Pahinga ka na muna Kuya." Sabi naman ni Aya rito at pinaupo pa ang lalaki.
"Bakit nakaupo lang kayo? Wala ba talaga kayong balak tumulong?" Sambit ng Carl. Tatayo sana kaso napaupo ulit. Napahawak ng mahigpit sa kanyang espada makita ang mga kasamahang nahihirapan na rin.
Si Rio naman na hinubad na ang black suit nakipaglaban na rin sa mga naka-black.
Iba't-ibang uri ng mga liwanag ang makikita ngayon sa paligid dahil sa mga pinakawalang kapangyarihan ng bawat isa.
"Parang Christmas at new years. Ang daming fireworks." Manghang sambit ni Steffy.
Mayroon kasing nagpakawala ng yellow flame, red flame, mayroon namang kidlat, may metal, may tubig, yung iba mga magic spells na nagbigay ng ibat-ibang kulay na liwanag sa madilim na gabing ito.
Isa sa nakaitim ang lumapit sa gawi nina Steffy. Si Spiral ang nakaitim na ito.
Inatake si Aya na nasa ibaba ng punong kinaroroonan ni Steffy.
Inaakala ng dalawang misyonaryo na katapusan na ni Aya dahil hindi ito gumalaw sa kinatatayuan kahit na papalapit na sa kanyang katawan ang nag-aapoy na espada ni Spiral.
Nagulat naman si Spiral dahil lumaking bigla ang apoy sa kanyang espada at uminit ang hawakan ng kanyang espada kaya naman nabitawan niya ito.
Nanlaki ang kanyang mga mata makitang nakatutok sa kanya ang dulo ng kanyang espada at bigla siyang inatake.
"Anong nangyayari?" Sambit niya at napaiwas. Kaso mukhang may sariling isip ang espada na patuloy sa pag-atake sa kanya.
Gumawa siya ng fire shield at hinarang ang papalapit na espada kaso tumagos ito sa fire shield niya. Nanlaki ang kanyang mga mata dahil tatama na sa kanyang dibdib ang kanyang espada.
"Katapusan ko na ba?" Napapigil hininga siya at hinintay ang pagtama ng kanyang espada sa kanyang katawan. Ngunit walang nangyari. Narinig na lamang niya ang pagbagsak ng espada sa lupa.
"Kamahalan." Sambit niya makitang si Kurt pala ang humarang sa espada.
"Alis na tayo." Sabi ni Kurt at sabay silang naglaho.
"Woah. Napigilan niya ang atake mo Aya!" Manghang sambit ni Rujin.
"Hindi ah. Napuwing ako kaya nawala sa kontrol ko ang apoy sa espada." Tanggi ni Aya. Pero sa totoo lang nadismaya siya dahil napipigilan ni Kurt ang kinontrol niyang espada gamit ang apoy sa pag-atake niya dito ng blue flame.
"Kung di lang sa suot kong to magagamit ko sana ang full magic ko." Sambit pa niya.
Hindi kasi niya napapalabas ang kapangyarihan pero natuklasan niyang nakakakontrol parin siya ng apoy ng iba. Higit sa lahat, nakakakontrol din siya ng bagay gamit ang pagkontrol sa apoy.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...