Steffy 209: Huwad

794 63 1
                                    

"Maaari na kayong umalis. May kakausapin lang ako." Sabi ng Emperador sa mga bisita.

Kaya naman nagsilabasan ang mga bisita maliban sa Emperador at sa kanyang Emperatris.

"Hinayaan kita sa lahat ng gusto mo pero hindi ko sinabing abusuhin mo ito." Mariing sabi ng Emperador sa kanyang Emperatris.

"Mas pinapaboran mo ang pamilyang iyon? Tandaan mo, Emperador ka. Bakit palage ka lamang nagpapakumbaba sa kanila?" Halos mapasigaw na ang Emperatris sa inis at sa kinikimkim na galit.

"Tandaan mo rin, impostor ka. Kaya wag mong gamitin ang peke mong titulo para magpabagsak ng kahit sino." Tumaas na rin ang boses ng Emperador.

Hindi naman makapaniwala ang Emperatris sa narinig.

"Alam mo ba kung bakit napilitan akong pilitin si Master Hisren na sumanib sa atin hindi dahil sa kailangan nila ang Wynx Empire kundi ang Wynx Empire ang nangangailangan ng tulong sa Servynx City. Kung wala ang pamilyang Hanja, wala na ako sa trono at wala ka rin."

"Binalak mo pang patayin ang maaaring pag-asa ng emperyo natin. Nga naman pala, nakalimutan kong hindi ka nga pala si Krishna."

Naikuyom naman ni Kendra ang kamao. Sa tagal ng panahon niyang pagpapanggap na siyang Emperatris, nakalimutan niyang substitute nga lang pala siya.

Hindi siya ang tunay na Emperatris ng Wynx Empire kundi ang kakambal niyang si Krishna. Si Krishna ang tunay na ina nina Kurt at Karl kaya lang bigla itong naglaho kasabay ng paglaho ng kontinente ng Chamni.

Para hindi malungkot ang mga batang naiwan ng ina, si Kendra ang nagpapanggap na ina. Noong una ay ginawa niya iyon para sa mga bata ngunit di nagtagal gusto na rin niyang maging parte sa buhay ng Emperador. Walang balak maghanap ng ibang asawa ang Emperador ngunit ayaw niyang lumaking walang ina ang mga anak. Kaya napagkasunduan nilang magiging pansamantalang Krishna si Kendra at kung gusto nitong umupo sa dating trono ni Krishna kaya itong ipahiram ng Emperador, ngunit hindi niya kayang ibigay.

Gawin na ni Kendra ang ano mang gusto niya basta ba hindi ito nakakasama sa kaharian at sa dalawang prinsipe. Ngunit hindi ibig sabihin noon na maaari na niyang gamitin ang pagiging Emperatris para gumawa ng masama. Pinalagpas ng Emperador ang mga kasalanan ng Emperatris ngayong mga nagdaang mga taon, kaya lang hindi niya inaasahang mas magiging malala ang mangyayari.

At sa lahat ng gusto nitong ipahamak, ang anak pa talaga ng Mysterian na siyang sinasandalan nila. Alam niyang isang salita lamang ni Hisren maaring susunod agad ang lahat ng mga sundalo, mga kawal at mga Arkian na nagtapos sa Wynx Military Academy.

Pumayag si Hisren noon na magiging Dean sa Wynx Military Academy kapalit non, kailangang hindi guguluhin ng Wynx Empire ang Servynx City. Pumayag maging Heneral si Histon dahil nangako ang Wynx Empire na tutulungan siya ng mga itong hanapin ang nawawala niyang kapatid.

Kung ano ang ginawa ni Steffy ngayon para hindi pumasa sa pagsusulit, mas malala pa sa mga bagay na ginawa ni Histon noon. Ngunit nang maisip na kailangan niyang hanapin ang kapatid at protektahan kapag nakita na ito, nagsikap na siyang mag-aral at magpalakas, hanggang sa naging isang heneral. Tapos ang kapatid na dahilan kung bakit sinusunod niya ang utos ng Wynx Empire, ginawa pa lang alipin at balak pang patayin ng Emperatris?

Kung ito ang nagparusa sa mga nakagawa ng kasalanan sa kapatid, baka kanina pa dumanak ang dugo sa bulwagang ito. Kaya kailangan ng Emperador na mag-isip ng mabuti kaysa naman iba ang maglilinis sa kanyang bakuran.

Lalo na maisip ang sinabi ni Steffy. Halatang hindi ito takot sa kanya maging sa mga Superian na nasa paligid. Alam ng Emperador na nagpakawala ng mental pressure ang tatlong Superian Elder kay Steffy nang malamang anak siya ni Hisren. Hindi nga lang alam ng Emperador na inaatake pala ng palihim ng tatlong Superian Elder si Hisren kaya hindi stable ang enerhiya nito kanina.

Wala ding ibang nakakaalam na sumuka ngayon ng dugo ang tatlong Superian Elder na di alam ang dahilan.

Si Master Hisren naman hindi maintindihan kung bakit biglang naging maayos ang Mysterian ki niya nang mapalapit si Steffy sa kanya.

Inaakala ng lahat na palalampasin ng Emperador ang anumang mga kasalanan nina Elder Vioren at iba pa para sa Emperatris nito.

Ngunit di pa man sumapit ang dilim, narinig nilang pinatanggal sa pagiging isang prinsesa si prinsesa Denaira at kundi lang ito kabilang sa mga chosen ones, papaalisin na sana ito sa Wynx Academy. Tinanggal naman sa trono ng pagiging hari ang ama nito at ang ama ni Haria Yumi. Natanggal naman sa pagiging Elder si Elder Vioren at pinaalis na sa Wynx Academy.

Ang dating goddess Mika naman naging usap-usapan ng iba. Natanggal siya sa pagiging top student at magsisimula siyang muli bilang isang ordinaryong estudyanteng walang gaanong mga pribilehiyong natatanggap mula sa paaralan. Ang mga kasangkot naman sa pagpapahirap sa mga baguhang mga estudyante lalo na kina Steffy ay naparusahan din ayun sa kasalanang nagawa nila.

Nang makita naman ni Hisren ang tulugang inilaan para kina Steffy gusto na namang lusubin si Elder Vioren sa tindi ng kanyang galit.

"Tulugan pa ba ito? Tapunan lamang ito ng mga basura e. Tingin nila sa anak ko pulubi?" Sigaw niya.

Kundi lang biglang nahimatay si Histon at kailangan nilang puntahan, lulusubin talaga niya si Elder Vioren sa tinitirhan nito.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon