Hindi inaasahan ng gurong ito na sasabog ang bote. Dahil sa malakas na hanging likha ng pagsabog, tinangay ng malakas na hangin ang guro. Tumilapon siya palayo.
Nagkaroon siya ng mga sugat dahil sa mga wind blade na nalikha ng pagsabog at iilan pa sa mga buto niya ang na-dislocate. Agad siyang dinala ng kanyang mga estudyante sa healer's building para mapasuri sa mga healer.
***
Masiglang isinandal ni Steffy ang likuran sa pader ng kanilang silid aralan. Kahapon lang iilang mayayabang na gurong Superian siyang napagtripan. Kaya naman, papagpahingahin na muna niya ang mga ito sa ngayon.
Nandito ngayon ang bagong guro nila. Hindi na si teacher Silven dahil mukhang may phobia na ito sa kanila. Ang bilis kasing makatakbo palayo kapag nakikita sila.
"Nandito ako ngayon upang ipaalam sa inyong lahat na magsisimula na ang pagsubok para sa magiging tagapangalaga ng dalawang makapangyarihang espada." Sabi ng gurong may brown na buhok.
"Sinabi ng Emperador na maaring sumali ang lahat ngunit hindi ito maaari. Marami ang namatay noong nakaraang mga nagdaang mga taon dahil lang sa mga pagsubok na ito. Kaya naman, para matiyak na kukunti na lamang ang posibleng mamamatay, kailangang piliin naming mabuti ang sinumang karapat-dapat na sumubok."
Biglang naglaho ang pananabik ng mga estudyante kanina at agad nanlumo marinig na posibleng hindi sila makakasama.
"Ang pagsubok ngayon ay mas mahirap kaysa sa una. At ang pagsubok na ito ay naisipang isali sa pagsubok ng mga piniling tagapangala." Dagdag pa ng guro.
"Ano po ba ang pagsubok na iyan Arshi?" Tanong ng isa sa mga estudyante.
"Kailangang mahanap ang Empire's Seal na iniwan ng pinakaunang Emperador sa buong Mysteria. Matatagpuan ang Empire's Seal sa Ruined palace." Sagot ng guro at ipinaliwanag ang lahat ng mga nalalaman, sa mga estudyante.
Ang Ruined palace ay matatagpuan sa central area ng Mysteria. Ang lugar kung saan matatagpuan ang hangganan ng apat na kontinente ng Mysteria kaya tinawag itong Central area.
Dito matatagpuan ang lahat ng uri ng mga nilalang na di makikita sa ibang bahagi ng mundong ito. Itinuturing itong isa sa mga independent state, at isa sa mga pinakamapanganib na lugar na kahit ang mga Dethrin, nag-aatubiling pasukin ang lugar na ito. Higit sa lahat, isang beses lamang sa isandaang taon bumubukas ang portal papasok sa lugar na ito.
Balak gamitin ng Wynx Empire ang lahat ng mga kabataang may mga kakayahan, upang makuha ang Empire Seal ng sinaunang Emperador. Kaya isa ang pagkuha ng Empire Seal na ito sa mga pagsubok ng mga kabataan kung gusto nilang magiging tagapangalaga sa alin man sa dalawang espada na hawak ngayon ng Wynx Academy.
Ito na siguro ang pinakamapanganib na pagsubok ng mga kabataang kasali sa mga kandidatong maging tagapangalaga.
Iyon ay dahil hindi lang mga Mysterian beast o mga halimaw ang makakalaban nila kundi pati na rin ang mga Dethrin at iba pang mga Mysterian na naghahangad makuha rin ang Empire Seal.
Ang sino man kasing makakahawak sa Empire Seal ay ang siyang maituturing ng Regent ng buong Mysteria. O Emperador sa lahat ng mga Emperador. Kaya naman pinag-aagawan ang Empire Seal na ito ng mga Mysterian. Hindi nga lang sila basta-basta nakakapasok sa lugar na ito dahil nakasara ang portal nito at nagbubukas lamang pagdating ng isandaang taon. At magsasara na naman pagkatapos ng ilang mga araw.
"Yung mga pinakamagaling at mga top sa klase lamang ang maaaring sumali." Sabi pa ng guro.
"Teacher! Sama ako." Sabi agad ni Steffy at nagtaas pa ng kamay. Kaya lang tinaasan lamang siya ng kilay.
"Bakit? Top ka ba?" Nagtawanan naman ang iba sa narinig pero nang maalala kung paano pinahirapan nina Steffy kahapon si Teacher Silven, agad silang tumahimik.
"Tanging ang mga nangunguna sa entrance exam at sa nangunguna sa tatlong paaralan ang maaaring sumama. Maging ang sinumang mga estudyanteng may special ability." Paliwanag ng guro. Baka kasi hindi naintindihan ni Steffy ang ibig niyang sabihin.
"Meron kaya ako." Sagot ni Steffy at napanguso. May mga kakayahan din kaya siya. Bakit di siya isasama?
Saka nakaka-thrill pumunta sa central area na yun. Gusto niyang ma-explore ang lugar. Kailangan nilang kumuha ng identity bago makapasok sa portal at gagamitin nila ang identity nila bilang isang Wynx student at hindi dahil isa silang Naicronian, Arizonian ba o Chamnian. Mabisang desguise ang pagiging Wynx Student nila para walang makakaalam na mga Chamnian sila.
"Ano naman yun?" Naintrigang tanong ng guro.
"Magaling po akong sumayaw." Masiglang sagot ni Steffy.
"Special ability ba yan?" Pabagsak ng sagot ng guro dahil malapit na siyang maubusan ng pasensya sa batang ito. Mabuti nalang at sa lahat ng mga gurong Superian siya ang may pinakamataas ang pasensya at pinakamabait. Kaya naman walang balak ang bratty gang na pagtripan siya. Nakakapikon lang talaga minsan itong si Steffy kahit di sinasadya.
"E yung mabilis kumain, pwede ba yun?" Tanong muli ni Steffy. Ano ba kasing special ability ang gusto ng gurong ito at kahit ang pagsayaw hindi kasali. Palage kaya siyang nanalo dati kapag sumasali siya sa paligsahan ng pagsayaw sa mundo ng mga tao. Bakit dito, di man lang nagagamit? Nakakalungkot. Ito ang nasa isip ni Steffy habang nakatitig sa guro.
"Mahal na shida! Gusto mo bang ipatapon kita sa kabilang mundo?" Huminga muna ng malalim ang guro bago sabihin yun. Di niya alam kung matatawa ba siya o mapipikon. Kundi lang talaga mukha namang inosente ang batang to kanina pa talaga niya ipinatapon sa mundo ng mga tao.
"Di niyo nga ako kayang buhatin ipatapon pa ba?" Nakangusong sagot ni Steffy.
"Nang-iinis ka ba o nangpipikon?" Pinandilatan na ng mata si Steffy.
"Nagtatanong po." Seryosong sagot ni Steffy.
Guro: "..." Gusto ko ng manapok ng estudyante ngayon.
Inaakala nina Asana na magagalit na ang guro ngunit puno ng pasensya niyang ipinaliwanag kina Steffy ang lahat at kung bakit hindi maaaring sumama ang mga estudyanteng may mga mahihinang kapangyarihan. Dahil dito binigyan siya ng grupo ng thumbs up.
Nilagay din siya sa listahan nina Steffy sa mga gurong dapat protektahan.
Hanggang sa dumating na ang araw ng patitipon ng lahat upang magsisimula ng lisanin ng iilang mga estudyante ang Wynx Academy para maglakbay patungo sa Central area. Nalalapit na kasi ang araw ng pagbubukas sa portal ng Central area.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...