Sampong giant hawk ang ipinadala ni Elder Vioren para maghatid kina Steffy sa Wynx Main Academy.
Alaga ng paaralan ang mga giant hawk na ito at nakakaintindi rin ng salita ng mga Mysterian. Sinadya niyang ang mga ito ang ipinadala at inutusan ang mga giant hawk na tanggayin sina Steffy at hindi pasakayin sa likuran ng mga ito na sinunod naman ng mga giant hawk.
Nakahawak sa braso ng bawat isa ang mga giant hawk na nagdadala kinq Steffy para takutin sila sa himpapawid.
Sa Wynx Academy naman, naging hot topic ang mga branch students na nakagawa ng kasalanan sa Academy. Hindi nila alam kung ano ba ang kasalanan ng mga branch students na ito at apat na taon pa silang magiging alipin ng Academy. Ibig sabihin lang non, ga-graduate na lamang ang mga ka-batch nila pero sila mananatili parin sa Academy na ito na hindi alam kung kailan makakapagtapos.
"Alam niyo bang may bagong alipin na naman sa Academy natin?"
"Mukhang galit na galit na nga si Elder Vioren. Kasi mga giant hawk ang ipinadala niya para magdadala sa mga branch students na iyon."
Ang huling estudyante na dinala ng giant hawk noon, hinimatay sa tindi ng takot habang tangay ng giant hawk. Ang mga ibang tinangay noon ng mga giant hawk, panay sigaw at may napapaihi pa sa takot. Kaya iniisip ng lahat na ganon din ang mangyayari sa mga branch students na ito.
Si Kurt naman kausap ngayon ang kapatid. "Hindi ba't sinabihan na kita. Hangga't hindi mo nakukuha ang legendary treasure na kampilan sa Haru Kingdom, wag na wag ka ng bumalik dito?"
Napasimangot naman si Karl. Naalala niya ang araw na binigyan sila ng misyon para mahanap at makuha ang legendary treasure na kampilan. Ang dami ng mga hirap na dinaanan nila para makuha ang kampilan na iyon, tapos sa huli, maagaw lamang ito ng kung sinong hindi nila kilala.
Siya ang naatasang magbantay sa kampilan na iyon habang naghahanap naman ng makakain nila ang iba niyang mga kasama. Kaso sumulpot ang isang napakagandang dalagita. Hindi niya maiwasang makaramdam ng holy aura sa presensya nito. Pakiramdam niya, lumalakas siya kapag napapalapit siya rito.
Hiningi ng magandang Mysterian na iyon sa kanya ang kampilan na kusa naman niyang binigay. Ni di siya pumalag kahit kunti dahil nakatunganga parin siya sa ganda nito.
Saka lang niya na-realized ang ginawa niya pag-alis na ng babae. Nang malaman ng kanilang ama ang katangahang ginawa niya, pinadala siya sa Haru Kingdom para mabawing muli ang kampilan. Ang Haru Kingdom ay nasa gitna ng malawak na isla. Ang islang ito ay nasa pagitan ng dating lost continent na tinatawag nilang kontinente ng Chamni at sa Hariatres.
Hindi nasasakop sa anumang kontinente ang islang ito at maituturing na Independent Island. May sariling mga batas ang mga naninirahan dito. Binubuo ang isla ng limang kaharian.
Ngunit sa limang kahariang iyon, ang Haru kingdom lamang ang nakilala ng marami at napupuntahan ng mga tagalabas ng isla. Iyon ay dahil masyadong misteryoso ang apat na kaharian. Wala pang ni isa sa mga napupunta sa apat na kahariang iyon ang nakakauwi ng buhay. Kaya walang nakakaalam kung ano ang meron sa mga kahariang iyon.
"Hindi naman tayo sigurado kung nandon pa ba ang kumuha sa kampilan na iyon. Paano kung hindi siya galing sa islang yon? Paano kung nandito na siya ngayon sa Wynx Empire?" Tanong naman ni Karl.
Dalawang taon na siyang nanatili sa lugar na iyon pero hindi na niya nakita pang muli ang ten years old na magandang shida na iyon na dapat nasa dose anyos na ito ngayon. Wala pa siyang nakikitang nilalang dito sa Mysteria na may ganoong uri ng ganda.
Naikot na lamang ni Kurt ang mga mata sa kapatid niyang ito. May talent sana kaso walang utak. At palaging nabibigo kaya palaging napapatapon sa kung saan.
"Sa susunod kasi wag puro babae ang laman niyang utak mo. Iyan ang nagiging sagabal sa tagumpay mo e." Sermon pa ni Kurt.
Habang nag-uusap ang dalawa may ibinalita naman ang bagong dating na si Shinnon. Mabilis namang napatayo si Kurt at tumakbo agad palabas.
"Aji! Di ka pa nakapagsuot ng tsinelas." Tawag ni Karl sa nakatatandang kapatid.
"Sesermon-sermunan pa ako pero siya ayun, mabilis na kumaripas ng takbo marinig lang ang pangalan ng kung sino?" Bubulong-bulong niya. Napatigil siya sa pagsalita dahil bumalik si Kurt at nanalamin muna bago muling tumakbo palabas.
"Sino ba itong dakilang shida na nagawang akitin ang estrikto kong nakatatandang kapatid ha?" Lalabas na sana siya maalalang hindi pa siya naliligo.
Tapos bigla na lamang napangiti na halatang may kung anong kababalaghang naisip.
"Dapat mas gwapo ako kay Aji paglabas ko. Tapos mamangha ang crush niya sa akin kapag nakikita ako. Ano kayang magiging reaksyon ni Aji? Sabik na sabik na akong malaman." Mabilis siyang bumalik sa kanyang silid at mabilis na naghanap ng mga sabon at pampabango.
Kailangan daw niyang maging lamang kay Kurt ng isangdaang paligo. Kaya maliligo siyang mabuti. Pagkatapos maligo magpagwapo siyang mabuti.
Ang inaasahan ng lahat na mahihimatay sa takot ang mga kabataang dala ng mga giant hawk ay hindi nangyari. Kundi nakita nilang may mga hawak na device ang mga ito at kumukuha ng mga larawan habang tangay sila sa mga kuko ng mga giant hawks na ito.
"Video niyo rin ako." Sigaw pa ni Steffy sa mga kasama makitang hindi siya isinali sa video.
Sa halip na ibaba sila sa kinaroroonan ni Elder Vioren na kanina pa, nagpatuloy naman sa paglipad ang mga giant hawk na wari di nakita si Elder Vioren.
Nilibot nina Steffy ang buong paligid ng Wynx Main Academy habang nasa himpapawid. Kitang-kita kasi nila ang kabuuan ng Wynx Academy mula sa itaas. Hanggang sa matanaw niya ang isang matayog na tore.
"Dalhin mo ako don." Utos niya sa giant hawk na nagdadala sa kanya.
Nang mapansin ang pamilyar na pigura sa labas ng tore. Bumaba si Steffy malapit sa tore na ito. Tinaboy ang giant hawk saka nilapitan si Kurt na inaayos ang sintas ng sapatos nito. Bumalik na naman kasi siya sa loob ng tore para kumuha ng sapatos at dito na niya sa labas inayos ang sintas.
"Makakaganti na rin ako sayo." Nakangiting sambit ni Steffy.
Mabilis na tumakbo si Steffy sa kinaroroonan ni Kurt. Napatingala naman ang lalake makita ang pigurang papalapit sa kanya. Napangiti pa siya makitang patakbo siyang sinalubong. Ibig sabihin namimiss din siya sa makulit na shidang ito. Nakayuko parin siya at akma na sanang tatayo at sasalubungin sana ng yakap ang babae. Ilang sandali pa'y naramdaman na lamang niyang may tumama sa puwetan niya at tumilapon siya ng sobrang layo. Ang pinakamasaklap, bumagsak siya sa isang basurahan na may mga toilet paper pa.
Sabik na sabik sana siyang makita si Steffy at saksi ang langit sa kanyang tuwa nang malamang buhay nga ito, at inaakala pa naman niyang ganon din ang nararamdaman ni Steffy sa kanya. Pero anong ginawa? Sinipa siya. At ang mas malala napasubsob pa sa basurahan ang mukha niya. Ang neat freak na crowned prince ng Wynx Empire nakahilamos ng basura.
Si Steffy naman napatakip ng bibig. "Lagot na." Balak lang naman sana niyang mapasubsob si Kurt sa ground at hindi sa basurahan. Bilang ganti sa pagtapon ni Kurt sa kanya sa Exiled land noon na naging dahilan kung bakit nakakain siya ng buhangin. Kaya lang napasobra yata itong ganti niya.
Nakita niyang tumayo si Kurt na may nakadikit pang toilet paper sa noo nito.
"STEFFY!!!!" Dumagundong pa ang buong paligid sa sigaw nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Steffy makitang nag-aapoy ang katawan ni Kurt sa galit. Literal na nag-apoy.
"Steffy, takbo na." Sabi niya sa sarili at kumaripas ng takbo.
"Bumalik ka dito. Magtutuos pa tayo." Rinig niyang sigaw ni Kurt.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...