Steffy 131: Karapat-dapat tulungan

748 53 0
                                    

"Mukhang malalakas ang mga kalaban." Sambit ni Dremin maramdaman ang malakas na aura sa kanilang paligid.

"Mas nakakabuting tumakas na muna kayo nang sa ganoon makakalaban kami ng maayos." Sabi ni Arken. Hindi naman kasi nila magagamit ng maayos ang kanilang tunay na lakas kapag may ibang mga nilalang sa paligid baka mapahamak pa ang mga ito at hindi kakayanin ang mga Chamnian Tzi na mailalabas nila.

Kumunot ang noo ni Kurt sa narinig.

"Mas nakakabuti ngang umalis na kayo kamahalan. Kami na ang bahala dito." Sabi naman ni Orion.

"Tatakas kami na hindi man lang lalaban? Ganoon ba kami kahina sa paningin ninyo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kurt.

"Halata naman e." Sagot naman ni Sioji na ikinatalim ng tingin ni Kurt.

"Isang prinsipe iyang kinakausap mo kaya gumalang ka." Sigaw ni Haria Yumi.

"Pfft!" Natatawa namang nagkatinginan ang mga Kids team.

"Bakit kayo natatawa? Prinsipe pa rin ng Wynx ang kaharap ninyo. Kaya kung maaari sana ay gumalang kayo kahit kaunti man lang." Sabi ni Captain Rio makitang tila nagpipigil ng tawa sina Asana, Arken at iba pa.

Nagkatinginan naman ang Kids team. Si Steffy naman Iiling-iling. Base sa mga Chamnian seal sa mga katawan nina Izumi, Aya, Shaira at iba pa, may posibilidad na mula sila sa angkan ng mga Chamnian Royalty. Kumpara sa mga Chamnian at Royal clan ng Mysteria, mas mataas ang estado ng mga Chamnian mga Royalty man sila o hindi. Paano pa ba kung mula sila sa angkan ng mga hari?

Napatingala sila sa langit makitang natatakpan ng makakapal na ulap ang sinag ng araw. Isang portal ang lumitaw mula sa himpapawid at niluwa nito ang isang nilalang na may dalawang mga paa at dalawang pakpak. Kulay pula ang mga mata at may matipunong katawan.

"Anong klaseng halimaw iyan?" Tanong ni Carl.

Sa noo ng halimaw may tattoo na dalawang itim na pakpak.

"Deijo Monster?" Patanong na sambit ni Spiral. Minsan na silang nakasagupa ng mga Deijo monster at kadalasan sa mga ito may tattoo na itim na pakpak.

Bumulusok pababa ang Deijo monster patungo sa gawi nila. Agad namang inihanda ng mga misyonaryo ang mga sandata. Ngunit may iba pa palang magsisulputan at nagsitalunan pababa.

Inilabas ng Hunters team ang mga pakpak at sinalubong ang ilang mga Deijo monster sa himpapawid.

Pinaligiran naman ng ilan sina Kurt ang Haria.

Nagpakawala ng yelo ang isang Deijo monster na sinangga naman agad nina Dremin.

"Protektahan ang kamahalan." Sigaw ni Dremin nang makarinig ng pagkagat. Napalingon sila sa pinagmulan ng tunog at nakita si Steffy na umupo sa nagyeyelong bato habang kinakagat ang isang mansanas.

"Bakit ganyan na naman kayo makatingin? Kinakabahan ako kaya ako kumain." Sambit nito na itinutuon sa himpapawid ang hawak na miliphone para makakuha ng magandang eksena. Kumikislap ang mga mata, ibang-iba sa sinasabi nitong kinakabahan siya.

"Kapag in-upload ko ito, may kikitain ba ako kapag marami akong makukuhang views?" Tanong niya pa at muling kumagat sa hawak na prutas.

"Kailangan mo munang makaipon ng maraming tagasubaybay o tagasunod. Kapag nakuha muna ang required na bilang ng tagasunod at mga manonood, kikita ka na ng ilang gintong Yang." Sagot ni Asana.

"Bakit hindi mo sinabi agad? E di sana'y inuulan na tayo ng pera?" Nanghihinayang niyang sambit.

Naikot naman ni Sioji ang mga mata. "Kapos ka pa rin ba sa pera?" Halos maubos na nga nila ang treasure room ng Arizon City at ng Norzian, mukhang hindi yata nakuntento ang pinsan.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon