"Di ba sabi ng headmistress at headmaster na babalik din si Steffy bakit di niyo nalang siya hintayin?" Naguguluhang tanong ni Shaira. Sinundan niya sina Asana dahil ayaw niyang magpaiwang mag-isa sa Naicron.
Kahit natitiyak niya ang kanyang kaligtasan sa lugar na ito, mas gusto ng kanyang puso na sumama sa mga kabataang ito kahit saan mang sulok ng mundo sila mapapadpad.
"Iyon? Babalik? Buti pa pusa nakakabalik kahit naliligaw kaysa sa isang iyon na kahit di naligaw di parin alam bumalik." Sagot ni Asana.
"Ang sama niya. Di man lang inisip na iniwan niya ako dito? Di man lang ako binalikan?" Maktol pa niya.
Naguguluhang lalo si Shaira. Bakit nasabi ni Asana na hindi babalik si Steffy? Di ba dito ang tirahan niya?
"Tara na. Baka mahuli pa tayo." Sabi naman ni Aya.
"Aalis kayo na di man lang kami inaya?" Tanong ng bagong dating na hindi maipinta ang mukha.
"Sioji! Anong ginagawa niyo dito?" Gulat na tanong ni Aya.
"Susundan si Steffy. Nag-alala kasi ako." Sagot naman ni Sioji pagkalapit sa kanila.
"Nag-alala ka din pala don?" Nagdududang tanong ni Rujin.
"Nag-alala ako na baka mamamatay ako sa sobrang pagkainip. Siya papasyal-pasyal, samantalang ako nakakulong dito? Saan ang hustisya? Sabihin niyo?" Sagot ni Sioji.
Lahat tuloy sila natahimik. Akala pa naman nila nag-alala si Sioji na baka napano na ang pinsan. Hindi naman pala nag-alala, mukhang nainggit lang.
"Bakit niyo ba gustong lumabas ng Naicron at pumunta sa kinaroroonan niya? Hindi ba't sinabi na sa inyo na masyadong mapanganib sa labas ng Naicron Mountain?" Tanong ni Shaira.
"Kapag ikaw ba ang papipiliin, pipiliin mo bang mananatili sa Naicron at magpalakas o maglakbay kasama ang sinuman sa amin?" Tanong bigla ni Asana.
Parang kailan lang, halos hindi na nagsasalita si Shaira at iyak lang ito ng iyak. Ngunit nang sabihin nitong gusto niyang maging mas malakas para maprotektahan ang sarili at mga mahal sa buhay, tumayo ito, at napuno ng determinasyon ang mga mata na binalak magpalakas. Ngunit nang marinig na hahanapin nila si Steffy agad itong sumunod.
Napaisip naman si Shaira. Sa ilang sandali nilang pagsasama lalo noong iligtas siya nina Steffy, mukhang nasanay na siyang kasama sila. At mukhang nasanay na rin siyang kasama silang lahat na nandoon ang pinakamahilig kumain, at pinakamakulit na si Steffy. Kapag wala si Steffy, nagiging tahimik ang lahat at mukhang nagiging seryoso ang grupo lalo na sina Arken at Sioji na halos hindi na nagsasalita at ang lamig kung makatingin.
Si Asana naman na halos bukambibig si Steffy at si Hyper na palaging sinasabing namimiss na niyang makipag-agawan ng pagkain kay Steffy kahit hindi pa gaanong katagal itong nahiwalay sa kanila.
"Nakakatampo na si Steffy. Di man lang ako binalikan?" Sambit naman ng iritableng si Aya. Ang bilis uminit ng ulo nito kumpara kapag kasama nila si Steffy.
"Di naman niya sinadyang mapunta don." Sagot naman ni Izumi.
"Tama! Kasalanan talaga ito ng kamahalan nilang iyon. Ipahiwalay ba naman sa atin si Steffy? Paano tayo makakapasok sa ibang mga teritoryo ngayong wala siya?" Sagot din ni Hyper.
"Pero sinadya niyang hindi ako balikan dito. Sino na lamang kasama kong tatakas palage? Sino na lamang makapagdadala sa akin sa iba't-ibang parte ng mundong ito?" Reklamo naman ni Sioji.
"Pinsan ba talaga ni Steffy to? Bakit pakiramdam ko ginagamit lang niya si Steffy bilang transportation artifact niya?" Sambit nila sa isip.
Kapag kasi kasama nila si Steffy kahit saan-saang lugar sila makarating. Lalo pa't walang silbi ang mga magic barrier kay Steffy kaya malaya silang pumunta sa ibang teritoryo at kontinente.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...