Sugatan ngayon ang mga Superian at Wynxian dahil sa nangyaring pag-aagawan nila sa Empire Seal. Ngunit sa huli, naagaw ito ng mga Dethrin hanggang sa mapunta ito sa mga Hanaru.
Hawak naman ngayon nina Denaira ang kahon na pinaglagyan ng susi sa Empire Seal. Tinago nila itong mabuti sa pag-alalang maagaw na naman ito sa kanila.
Agad silang bumalik sa aircraft. Nang maging kumpleto ang mga estudyante sa aircraft saka pa sila bumalik sa Hariatres.
Habang lumilipad sa himpapawid ang aircraft, bigla na lamang itong tumigil dahil may mga aircraft na nakaharang sa kanilang daraanan.
Inatake ng mga aircraft na ito ang limang aircraft na sinasakyan nila.
"Hindi raw tayo makakadaan hangga't hindi natin ibibigay ang Empire Seal." Sabi ni Sparr kay Luem na sakay ngayon sa ikalawang aircraft.
"Nakuha ng mga Hanaru ang Empire Seal ngunit bakit inaatake parin tayo ng mga misteryosong kalaban na ito?" Sagot ni Luem.
Panay iwas ng sasakyan nila sa mga bolang apoy na nagliliparan papunta sa gawi nila.
Sa kinaroroonan naman ng bratty gang...
"Woah... Tingnan niyo, parang nasa star wars tayo." Manghang sambit ni Steffy at pinapa-pose ang mga kasama para kuhanan niya ng mga larawan na ang background ay ang mga ibat-ibang mga liwanag na nagliliparan sa himpapawid.
Nagsiakyatan ang mga kasama nilang mga Arkian na bitbit ang mga kampilan at mga sandata nila. Nakahanda na rin ang mga warrior beast ng mga ito upang makisali sa laban.
Isang sugo mula sa kabilang panig ang sakay sa isang dragon na gawa sa yelo ang lumipad patungo sa aircraft na sinasakyan nina Steffy.
"Ibigay niyo ang Empire Seal upang hindi kayo mamamatay lahat." Mariing utos niya. Mayroon siyang silver na buhok, silver na kasuotan kahit ang kapa na suot ay silver din. May pulang mga mata at may hugis bilog na birthmark sa noo.
Nagyeyelo ang paligid malapit sa silver haired man at kung hindi lang dahil sa harang na nakapalibot sa SMZ aircraft baka kanina pa nagiging yelo ang buong sasakyan.
Ramdam din nila ang malakas na aura ng misteryosong nilalang na ito. Hindi expert level kundi Invincible level na ito na siguradong hindi kailanman matatalo ng mga Arkian na nandirito at ng mga Wynxian lalo pa't iilan lamang ang nasa Expert level sa kanila. Maliban sa bratty gang, kadalasan, nasa grandmaster level lamang ang mga sakay ng SMZ aircraft na ito.
"Nakuha na ng mga Hanaru ang Empire Seal. Bakit kami parin ang inaatake niyo?" Sagot ni Hairu.
"Kung nakuha pa, bakit inaatake nila ngayon ang sasakyan ng mga Superian?" Sagot ng silver haired man.
"E di ang mga Superian ang may hawak ng Empire Seal. Inagaw kaya nila mula sa mga Wynxian." Sabi naman ni Aya.
"Saka kahit kami pa ang may hawak hindi namin yun ipapamigay. Dapat bayad muna." Sagot din ni Steffy.
Napatingin tuloy ang mga Arkian sa kanya.
"Kung ganoon kapag pala binayaran ka, ibibigay mo talaga?" Hindi makapaniwalang sambit ni Hyper.
"Syempre naman. Lahat ng bagay dapat pinapakinabangan." Sagot naman ni Steffy.
"Buti nalang talaga at hindi mo hawak." Sambit naman ng isang Arkian.
"Kung hindi niyo ibibigay ang Empire's seal at ang susi nito, mamamatay kayong lahat." Malamig na sabi ng silver haired man.
Ilang sandali pa'y naglahong bigla si Steffy mula sa kinatatayuan at sumulpot mula sa likuran ng silver haired man. Hinawakan ang lalake at muli na namang naglaho.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...