"Kuya Feyu, video mo kami." Utos ni Steffy sa mga naka-invisible na mga bantay.
Nagkatanginan naman ang tatlo. "Narinig niyo rin ang sinabi niya?" Tanong pa ni Feyu sa dalawang kasama.
"Oo. Kaya din pala niyang kausapin ng sabay-sabay ang mga Mysterian. Sa palagay niyo? Ability pa ba ito ng isang Zaihan? Di kaya siya ampon?" Nakatanggap naman ng tig-iisang sapok si Feru.
"Kapag narinig ka ng mahal na hari, mamaalam ka na talaga sa iyong ulo lapastangan ka." Sagot ni Feyn at tinulak pa ang noo ni Feru.
"Kasi naman e, di na ability yon ng mga Mysterian, Chamnian o Zaihan." Angal ni Feru.
"Pinili siya. Kaya maaaring ito ang dahilan ng pagiging iba niya." Sagot din ni Feyn.
Habang nag-uusap ang tatlong tagapagbantay ni Steffy, nanggigil namang sinugod ni Haria Dana ang dalagita. Kaya lang, kahit anong suntok at sipa niya, hinding-hindi siya makakatama at nahahampas pa siya sa puwetan.
Napasubsob ang Haria sa lupa nang hampasin ni Steffy ang pwetan niya. Nanlilisik ang mga matang binalingan niya ng tingin si Steffy. Nilabasan naman siya ng dila ni Steffy at iginiling pa ang baywang na lalong ikinagalit ng Haria.
"Ano pang ginagawa niyo? Patayin niyo siya." Sigaw niya sa mga kawal niyang nahihirapan ng tumayo.
Pinilit namang makatayo ng mga kawal pero hindi talaga nila kaya. Alam nilang hindi nakakagamit ng Mysterian ki ang mga Mysterian sa lugar na ito, pero bakit ang lakas parin ng binatilyong ito?
Nginisihan lamang sila ni Geonei. Gusto tuloy nilang burahin ang ngise ng binatilyong bumugbog sa kanila ngunit wala silang magawa.
"Ang unang makakatayo ang siyang unang titilapon." Sabi ni Geonei na pinagmamasdan ang mga kawal. Saka binalingan ng tingin si Steffy na iniiwasan ang bawat atake ni Haria Dana.
"Steffy, matagal pa ba yan? May gagawin pa kaya tayo." Paalala ni Geonei.
Saka naalala ni Steffy na may gagawin pa pala sila. Kaya naman tinapos na niya ang larong ito. Napaluhod si Haria Dana makaramdam ng panghihina.
"Anong ginawa mo sa akin?"
Ngumiti naman si Steffy.
"Dahil kinasusuklaman mo at inaapi ang mga ordinaryong Mysterian, gusto kong malaman mo ang pakiramdam ng pagiging mahina at ordinaryo lamang." Sagot ni Steffy at tinalikuran na ang mataray na Haria.
Gustong tumayong muli ni Haria Dana kaso nanghihina parin siya. Hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Steffy sa kanya ngunit malalaman din niya ito pagkalipas ng ilang araw na siyang magiging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay at kapalaran.
Si Steffy naman, nilapitan ang mag-ina. Tinanong kung ayos lang ba ang mga ito at tinawag si Lucid na nakabahag lang ng dahon.
Ayaw mang makita ng iba na ganito ang ayos niya ngunit wala siyang magawa. Nakabahag na nga, dahon pa talaga?
Naluluhang naglakad palapit si Lucid kay Steffy.
Makita ang ayos ng lalaki, saka naalala ni Steffy na nakabahag nga pala si Lucid kaya naman inutusan niya sina Feru na bigyan ng maisusuot si Lucid.
Nagulat si Lucid sa damit na bigla na lamang sumulpot sa tapat niya.
"Sinong nandiyan? Lumabas kayo?" Sigaw niya na hinahanap kung sino ang naglagay ng mga nakatuping kasuotan sa tapat niya.
Sa halip na sagot, nakatanggap siya ng sapok na ikinaungol niya.
"Bilisan mong magpalit kung ayaw mong makita ka ng iba na nakabahag ng dahon." Boses ni Feyn mula sa kanyang likuran kaya hinarap niya ito ngunit wala siyang makita.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...