Steffy 215: Bratty gang vs. Elder Cire

874 74 13
                                    

"Isa siya ba siyang beast tamer?" Gulat na sambit ng isang estudyante.

Beast tamer ay isa sa mga pinakamahirap na trabaho sa lugar na ito. Bihira lang din ang mga beast tamer na makikita sa Mysteria.

Ang mga nakatagpo nina Steffy sa red forest, hindi na nagulat. Alam nilang napapasunod nina Steffy kahit pa ang mga contract beast ng iba. Kung maaari nga sana ay di na kailangan pa nina Steffy ang mag-aral sa Wynx Academy. Kailangan lamang nila ang gabay kung paano mas makokontrol ang kanilang mga kakayahan at kapangyarihan.

Kung maaari nga'y sa Wynx Military Academy na sila dapat pumasok, kaya lang dahil sa batas ng Wynx Empire kailangan munang pumasok sa Wynx Academy ang sinumang mag-aaral, lalo na kung nasa below 18 pa ang edad bago sila maaaring ilipat sa WMA. Sa edad sila kadalasang nakabase at hindi sa kakayahan.

Hindi naman maiwasang mainggit ng iba, mapansing ang daming nakakakilala sa mga bratty gang na ito at halos lahat na yata ng mga kilala at hinahangaan nilang mga estudyante ng Wynx Military Academy ay kilala sina Steffy.

Ang mga Mysterian na sa kwento lang nila naririnig heto at nagbibigay pugay pa kina Steffy at binabati pa sila na parang matagal ng kakilala? At makikitaan pa ng pang-iidolo ang kanilang mga mata na dapat sina Steffy ang may nang-iidolong mga tingin at hindi sina Sparr at ang mga bagong dating na ito?

Kahit si Elder Zui ay binati rin sina Steffy gayong ito ang pinaka-cold and aloof na Elder sa Wynx Empire.

"E ano naman kung marami siyang kakilala? Wala parin naman siyang kakayahan." Sagot ni Jaino sa babaeng naiinggit sa grupo nina Steffy na nakakausap ang mga kilalang mga Mysterian ng Wynx Empire.

"Di dahil kilala niya lahat ng mga kilalang Mysterian dito, exempted na agad sila sa pagsubok." Sagot din ni Arna.

Gusto ni Jaino na makasama sina Steffy sa misyon para madali na lamang para sa kanila ang maghanap ng pagkakataon upang makaganti sa bratty gang na ito.

"Hindi dahil anak siya ng Dean siya ng magaling." Sabi naman ni Aiza.

"Sana lang hindi natin sila magiging kagrupo." Sabi naman ng iba na naniwala sa mga pinagsasabi ng grupo nina Aiza.

Makitang walang balak isama sa misyon ni Elder Cire sina Steffy, nagsalita na si Teacher Fernan.

"Para maging fair, magpakitang gilas na lamang kayo. Kung maaari wag niyo ng gawin ang mga paraang ginawa niyo dati." Sabi agad ni Teacher Fernan. Mahirap na at baka mahuhubaran din sila sa harap ng nakararami.

Alam niyang walang magandang patutunguhan kapag sinubukan ng sinuman ang mga kabataang ito. Sila lang ding mga guro ang mapapahiya. Mahilig pa naman manghubad sina Steffy, baka hubaran pa nila ang mga gurong Superian na ito na mas lalo lamang magpalala sa sitwasyon.

Pinaakyat sina Steffy sa stage upang subukan at para malaman kung anong level na ang kanilang kakayahan sa pakikipaglaban. Isang Arkian ang naatasang sumubok sa kanila.

Ang Arkian na ito ay may taglay na fire and wind element. Isa sa mga pinakamagaling na Arkian sa Wynx Academy.

"Siya po ang gusto kong sumubok sa amin." Sabay turo ni Steffy kay Elder Cire na ikinakunot ng ilong ng matandang Elder na ito.

"Masyado siyang malakas kumpara sa inyo, baka mapahamak pa kayo." Sabi ni Teacher Jiya na ayaw may masamang mangyayari sa mga kabataang ito. Alam niya kung gaano kalakas ang kapangyarihan ng ama na kahit si Master Hisren ay mahihirapang gapihin ang kanyang ama. At alam din niyang masama ang loob ni Elder Cire ngayon kaya di ito dapat ginugulo.

Tumayo naman si Elder Cire at lumipad patungo sa stage. "Hmmp. Wag lang kayong magmamakaawa at iiyak mamaya sa harapan ko." Mayabang na sabi ni Elder Cire.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon