(p/s: naburang bigla ang chapter 161. Ibinalik ko lang ulit.)
***
Ginagamot na ngayon ang asawa ng City Lord at ang anak nito sa isang silid.
Kaya lang, halos lahat ng mga healer na nakuha nila, napapailing at sumuko na, dahil masyadong malubha ang sugat na natamo ng young master.
Walang nakakagamit ng Mysterian ki sa lugar na ito maliban sa City Lord at ang may-ari ng lugar na ito. Kaya paano magagamot ng mga healer ang young master kung hindi nila nagagamit ang kanilang mga kapangyarihan sa panggagamot? Mga halamang gamot lang ang maaari nilang gamitin pero hindi pa iyon sapat para magamot ang young master.
"Iisa lang ang solution upang mapagaling siya. Iyon ay ang dalhin siya sa labas ng Servynx City." Sabi ng isang healer. Pero aabutin pa ng ilang araw ang biyahe para makalabas sa lugar na ito. Higit sa lahat, wala silang flying beast na maaaring magamit. Kaya may posibilidad na mamamatay na ang young master bago pa man makalabas sa lugar na ito.
Napahawak naman sa ulo si Heran. Naisip niyang tawagan ang anak na nasa Hanje ngayon kaso hindi rin siya sigurado kung ligtas din ba ito. Inaalala na nga niya ang anak na nasa misyon, ngayon naman mas inaalala na naman niya ang anak na naiwan.
Ang Kids team naman napatingin kay Asana. Siya kasi ang pinaka-eksperto sa larangan ng panggagamot at may kakayahan pang gumawa ng potion. Hindi tulad ng ibang mga kasamahan na nagsasanay pa lamang.
"Bakit sa akin kayo nakatingin? Ako lang ba ang healer dito?" Lahat naman sila healer e. Wala namang hindi healer sa kanilang grupo.
"Ikaw ang magaling manggamot na di umaasa sa kapangyarihan." Sagot ni Izumi. Si Izumi ang eksperto kung mga halaman ang pag-uusapan. Kaya man niyang manggamot gamit ang mga halamang gamot, pero wala silang mapagkukunan ng mga pinakamabisang halamang gamot sa lugar na ito.
"Maaari po bang makita ang anak niyo?" Tanong ni Asana kay Heran. Agad namang tumango si Heran na umaasang may paraan sina Asana.
"Bata, wag ka ng magmamagaling. Hindi nga namin kayang gamutin ang demi, ikaw pa ba na bagong silang lang sa mundong ito?" Sabi ng may katandaan ng healer matapos marinig ang usapan nina Heran at Asana.
Pakiramdam kasi niya, nakakainsulto na isang bata ang manggagamot sa young master pagkatapos ng ilang failed attempt ng mga ekspertong manggagamot na katulad nila. Magamot man ni Asana ang young master o hindi, nakakainsulto parin para sa kanya.
"Hindi po ako nagmamagaling. Ang hangad ko lang po ay makatulong. Bigo man o hindi ang mahalaga sinubukan ko." Magalang at mahinahong sagot ni Asana. Nakita kasi niya na akmang susugod ang mainiting ulo na si Sioji.
Nilagpasan ni Asana ang healer na ito kaso isa na naman sa mga healer ang kumontra.
"Paano kung may masamang mangyayari sa young master? Pananagutan mo ba?" Tanong pa nito.
"May mangyayari talaga kapag di pa kayo tumigil. Pumayag na nga ang ama niya kayo naman itong ang lakas makaangal. E di niyo naman kayang gamutin ang young master. Gusto lang tumulong ng kaibigan namin nagsisiangalan na kayo. Kung may nangyayaring masama sa young master kahit ginamot niyo na siya, pananagutan niyo din ba?" Sagot agad ng mainitin ang ulong si Sioji.
"Oo nga. Hayaan niyo nalang sumubok ang kaibigan namin. Magamot man niya ang young master o hindi, wala namang magbabago kung di man siya magtagumpay dahil kung di niya susubukan kamatayan parin ang hahantungan. Pero kung susubukan niya may posibilidad pang gumaling ang young master." Gatong naman ni Rujin.
"Wag na kayong magtatalo diyan. Ako ang humingi ng tulong sa mga kabataang ito kaya ako ang mananagot kung may di magandang mangyayari sa anak ko dahil dito." Paliwanag ni Heran.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasíaRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...