Hindi makapaniwala si Dero na ligtas parin siya at iniisip na imposibleng nagbago ang isip ng halimaw at di na siya sinaktan. At mas lalong imposible kapag si Steffy ang nagligtas sa kanya.
Hinanap agad ang halimaw na umatake sa kanya at nakitang nanginginig ito sa takot na nakaluhod, kasama ang iba pang mga halimaw na nakapaikot sa kanya kanina.
Nailipat ang kanyang paningin kina Jim at Lance. Wala na rin ang mga sugat ng dalawa. Natuyo na ang mga dugo sa kanilang mga katawan, pero walang makikitang kahit iisang sugat o gasgas man lang sa kanilang mga katawan.
"I-ikaw." Di matapos-tapos ni Dero ang sasabihin dahil hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin kay Steffy.
Bumalik sina Lance, Jim at Dero sa kinaroroonan ng mga kasamahang mga sundalo na nakatulala.
Iniisip nilang mamamatay na sila kanina pero bigla nalang nagsitabihan at nagsilayuan ang mga halimaw na halatang natatakot sa gusgusing dalagita?
Maliban sa magulong buhok at maruming mukha, wala naman silang napapansing nakakatakot kay Steffy.
At ito pa. Gamit ang mga nagliliparang mga sandata ng pitong bandidong binihag nila, naubos lahat ang mga halimaw na nagpupumilit pumasok sa formation.
Anong klaseng mga nilalang ba itong mga binihag nila? Hindi man lang nila nalaman na may mga mababangis na tigre na pala silang ginawang bihag na kahit ano mang oras ay pwede silang silahin.
Ang pitong mga bandido naman nagtataka.
"Hindi man lang ako nakaramdam ng kahit kaunting pagod kahit na gumamit ako ng Mysterian energy?" Nagtatakang tanong ni Blade.
Gumagamit kasi sila ng mga Mysterian ki sa tuwing kinokontrol nila ang kanilang mga sandata.
At nanghihina sila palage pagkatapos gumamit ng Mysterian ki, lalong-lalo na kapag napaparami ang nagagamit nila.
Kahit si Sharp puno ng pagtataka ang mga mata habang nakatingin sa isang piraso ng dahon na hawak niya. Dati, nasusugatan lamang ang natatamaan ng kanyang dahon at hindi kailan man tumatagos ang sandata niyang ito sa mga matitigas na bagay katulad mga bato at bakal. Pero bakit ngayon kaya na nitong tumagos sa anumang bagay na matatamaan kahit bakal pa ito?
Pero ang mga sundalo kanina pa nagtatanong ang mga isipan kung bakit ngayon lang sumali sa laban ang pitong bandido. Kung sana'y kanina pa sila sumali sa laban e di wala na sanang masusugatan pa at di na sana sila mahihirapan sa mga atake ng mga halimaw.
Nakalimutan yata nilang mga bihag nila ang pitong mga bandidong ito at hindi kapwa sundalo at hindi rin kakampi.
Ang inaakala ng lahat ay magtatapos na ang kanilang mga gulat. Pero sino bang mag-aakalang lalapit si Steffy sa mga kalabang naghihintay para i-ambush ang mga sundalo?
Ang mga kalabang palaging nagpapadala ng mga halimaw para atakehin ang mga sundalong ito?
"Anong binabalak niyang gawin?" Tanong ni Spyd.
Bakit kasi di man lang natatakot si Steffy na lapitan ang kinaroroonan ng mga kalaban?
"Hindi dahil takot sa kanya ang mga mahihinang mga halimaw, matatakot narin ang mga malalakas na mga halimaw. Iba sila sa mga mahihinang mga halimaw." Sabi ni Rave.
"Magpapakamatay ba siya? Nandiyan kaya ang Hanje City Lord." Sabi naman ng isa pang sundalo.
Alam ng halos buong Hariatres na napakalakas ng kapangyarihan ng pinuno ng Hanje City. At alam din nila na napakasama nitong Mysterian.
Ang Hanje City ang isa sa mga kinatatakutang lugar sa Hariatres hindi lang dahil sa mga nasasamang mga Mysterian ang mga naninirahan dito kundi dahil sa nakakatakot din ang kanilang lider o siyang namamahala sa lugar na ito.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...