Steffy 114: Kailangan kapalan ang manipis na mukha

920 70 1
                                    

"Buti nalang nasanay na ako kay Rujin palang. Kung hindi pa, baka ibabaon ko na ang sarili ko sa hiya." Sambit ni Geonei. Tinapik-tapik naman ni Izumi ang kanyang likuran.

"Kapag kasama mo ang grupong ito, kailangang mas kapalan mo na ang manipis mong mukha." Sabi pa ni Izumi.

Kung kanina tumaas na sana ang respeto ng mga opisyal kina Sioji at Steffy bigla na namang bumagsak ngayon.

"Apo ba talaga sila ng Headmaster o mga patay gutom?" Sambit ng isang ministro sa kanyang isip ngunit hindi isinatinig sa takot na maparusahan.

Patuloy namang nakikipag-unahan sa pagkain si Steffy na walang pakialam sa sasabihin ng mga nakapaligid sa kanya ang mahalaga mabubusog na muna siya bago magsalita. Ngayon alam na nang mga nakasaksi na hindi nga talaga basta-basta ang grupo ng mga kabataang ito.

Napilitan tuloy magsagawa ng salu-salo ang hari para sa lahat ng mga bisita. Nagpatawag din siya ng mga manunugtog at mga mananayaw.

Nagpasalamat kina Steffy ang hari at bilang gantimpala, tinanong niya ang grupo kung ano ang kanilang gustong makuha. Hangga't may kaya nitong ibigay, ibibigay ito ng hari ang anumang hihilingin nila.

"Masasakyan. Sasakyang pang himpapawid." Mabilis na sagot ni Aya. Ayaw na niyang sumakay sa walang upuang sasakyan ni Rujin. "Dapat marami. Bilang kabayaran ng potion na naubos sa mga nasasakupan mo." Dagdag pa niya.

Kung kanina wala siyang balak magpabayad, ngunit dahil sa sinabi ni Steffy nagbago ang kanyang isip.

"Mga spirit herbs at iilang mga halamang na pwedeng gawing sangkap para sa pagawa ng potion." Sabi naman ni Asana.

Isa-isa namang nagbigay ng mga kahilingan ang iba pa.

"Pwedeng ako ang mamimili?" Tanong naman ni Steffy.

Pagkatapos kumain, inutusan ng hari si Ruffin na samahan si Steffy sa royal treasury. Isang lugar kung saan nakalagay ang mga kayamanan ng hari ng Norzian.

Natuwa naman si Ruffin at mabilis na sinamahan si Steffy.

"Salamat nga pala sa tulong mo noon. Kung hindi dahil sayo, malamang wala na ako." Pagsisimula ni Ruffin sa usapan.

Tiningnan naman siya ni Steffy. Pamilyar sa kanya ang mukha ngunit nakalimutan na niya kung saan sila unang nagkita.

"Ako ang iniligtas mo noon sa Naicron Mountain." Sabi ni Ruffin.

"Ah, ikaw pala yon. Masarap yung nilitson kong Egleo." Sagot ni Steffy at dinilaan pa ang ibabang bahagi ng labi maalala ang lasa ng Egleo.

"Kinain mo pala talaga?" Nanlaki ang mga matang tanong ni Ruffin halatang hindi makapaniwala. Kaya naman pala puro buto nalang ang natira noong bumalik sila sa lugar.

"Syempre naman. Sayang kaya kung hindi kakainin. Ang tataba pa naman." Sagot ni Steffy.

"Ang ipinagtataka ko lang ha, paano mo ako nakilala?" Tanong ni Steffy.

Tinuro ni Ruffin ang silver pendant na nakabitin na sa zipper ng bag ni Steffy. Isinabit kasi ni Steffy ang pendant na ito sa zipper ng kanyang back pack. Hanggang sa makalimutan na niya kung saan niya ito galing.

"Mararamdaman ko kung malapit lang ang pendant na iyan at naramdaman kong nasa iyo. Hindi ko nga lang nakita agad. Sa pamamagitan din niyan nakilala kita higit sa lahat, tandang-tanda ko pa ang iyong boses." Sagot ni Ruffin.

Noong una inaakala niyang kaboses lang ni Steffy ang nagligtas sa kanya ngunit nang mapalapit si Steffy sa kinaroroonan niya, natitiyak niya agad na si Steffy at ang nagligtas sa kanya ay iisa.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon