Steffy 117: Perzeton

807 52 0
                                    

Sa isang palasyo naman, nagkagulo ang mga kawal at mga residente sa palasyo ng Perzeton dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga anak na lalake ng hari. Sa isang silid maririnig ang sigaw ng isang babae na puno ng galit.

"Ikaw! Ikaw ang nagdadala ng sumpa sa kahariang ito. Ikaw ang pumatay sa mga kapatid mo. Papatayin kita!" Kung hindi lang sa mga kawal ng hari kanina pa sana kinalbo ng babae ang isang dalagang nakayakap sa lalakeng may korona.

"Wag mong isisi kay Shaira ang nangyayari sa mga prinsipe. Wala siyang kasalanan." Galit na sigaw ng hari. Si Shaira ang kaisa-isang anak niyang babae na isinilang sa pinakamamahal niyang yumaong asawa.

Dahil walang nakakaalam kung ano ang family background sa ina ni Shaira, kumalat ang isyu na anak siya ng isang cursed Mysterian. At sa tuwing may mangyayaring hindi maganda sa kaharian si prinsesa Shaira ang sinisisi. Kung hindi lang dahil sa proteksyon ng ama, siguradong magiging miserable ang kanyang buhay.

Ngunit nang magising ang kapangyarihan ni Shaira, isa sa kanyang half-brother na prinsipe ang aksidente niyang napatay.

Isa sa kapangyarihan niyang nagising ay ang sinumang tititig sa kanyang mga mata, mapupunta sa isang ilusyon. Isang ilusyon na kung ano man ang pinakakinatatakutan ng biktima iyon ang makakalaban niya sa loob ng ilusyon. At kung hindi nito matatalo ang kalaban sa ilusyon mamamatay ang biktima ng ilusyon na ito.

Pangalawa, mababasag ang sinumang makakarinig sa kanyang malakas na sigaw. May mga Dethrin ang nakapasok sa palasyo at balak siyang dukutin ngunit dumating ang kanyang half-brother na balak siyang iligtas. Ngunit sa gitna ng labanan isang halimaw ang bigla nalang lumitaw at inatake siya na ikinasigaw niya sa sobrang takot at bigla. Hindi niya inaasahan na sa pagsigaw lamang iyon, matatapos ang lahat ng buhay ng mga nasa paligid at isa na roon ang pinakamamahal niyang half-brother.

Kaya kahit na ilang beses siyang pahirapan ng bagong reyna, hindi siya umangal dahil sinisisi rin niya ang sarili sa pagkamatay ng kapatid niya. Pero ang ikinapagtataka nila ay ang sunod-sunod na pagkamatay ng dalawa pang prinsipe na hindi nila alam ang dahilan. Natutulog lamang ang mga ito ngunit bigla nalang hindi na nagising at hanggang sa mawalan na ng mga hininga.

Dahil sa nangyari sa unang anak, iniisip ng reyna na si prinsesa Shaira na naman ang rason kung bakit namatay ang pangalawa at ang bunsong anak. At sa tindi ng galit gusto niyang patayin si Shaira ngunit pinigilan siya ng hari.

Mahal ng hari ang mga anak pero naniniwala siyang walang kasalanan si Shaira sa nangyari sa dalawa pa. At yung una naman, nangyari lang yon dahil alam niyang hindi pa kontrolado ni Shaira ang kapangyarihan niyang kakagising lang.

Ngunit ang ipinagtataka ng hari ay ang bigla nalang nag-iba ang ugali ng reyna maging sa kanyang mga kawal. Lahat sila parang mga robot na bigla nalang itinutok ang espada sa kanya.

"Ibigay mo ang mahal na prinsesa at maliligtas ang inyong kaharian." Iyon ang sabay-sabay na sabi ng mga kawal na wari iisang nilalang lamang ang nagsalita.

"May nagkokontrol sa kanila. Sila ang kumuha sa mga kapatid mo Shaira." Biglang sabi ng hari.

Pinadala niya sa Naicron Mountain ang anak noon ngunit hindi niya inaasahan na babalik ito kahit batid nitong nanganganib ang kanyang buhay kapag bumalik sa palasyo.

Pagkatapos malamang isa ang anak sa mga piniling tagapangalaga ng kapangyarihan, hindi na niya ito hinayaang makisalamuha sa ibang mga Mysterian. Ngunit, alam niyang hindi na mapipigilan ng seal sa katawan ni Shaira at darating talaga ang araw na magigising ang kapangyarihan nito kahit anong sikap niyang itago ang anak sa mga Mysterian. Kaya niya inutusan ang panganay na prinsipe para bantayan ang kapatid dahil alam niyang kahit ano mang oras maglalaho ang seal at matutuklasan na ng iba na isa sa mga pinili si Shaira.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon