Steffy 187: May tinulungan

834 74 11
                                    

Bumalik si Steffy sa Myrtle's Inn ni walang ni isa man lang ang nakakaalam sa pag-alis niya kanina maliban sa kanyang tatlong mga bantay at si Yunic na hindi parin nakikita at nararamdaman ng iba.

Pansin niyang balot na balot ng yelo ang buong Inn. At natatakpan na rin ng mga yelo ang mga daan at mga eskinita. Pumasok na siyang muli sa loob ng Inn at bumaba patungong 9th floor. Kinausap niya sina Asana at ang iba pa na i-absorb na lamang ang Mysterian ki na nanggagaling sa yelo,  para hindi na sila makakaramdam ng lamig. Iyon kasi ang natuklasan niya. Kapag nagsisimulang malipat sa kanyang katawan ang pure Mysterian ki na nanggagaling sa yelo na ito, hindi na siya naaapektuhan ng matinding lamig sa paligid.

Kinabukasan, halos lahat ng mga bisita ng Inn ay mga eyebags at namumutla pa ang mga labi. Gamit ang mga nakakalat na voice transmission stone sa buong syudad, inanunsyo na natapos na ang unang pagsubok sa nasabing entrance exam na ikinagulat ng lahat.

"Nagsimula na pala ang exam ni di natin alam?" Gulat na sambit ni Elessa.

"Ang mga sumusunod ay ang mga nakakuha ng puntos sa nasabing pagsubok." Ang narinig nilang boses sa buong paligid.

Napapigil hininga ang iba habang hinihintay ang pag-aanunsyo ng mga pangalan ng mga nakakuha ng puntos.

"Jessa, sampung puntos, Mia, labing isang puntos, Caleb, anim na puntos, Karl..."

Ang mga pangalan na nabanggit napapatalon sa tuwa dahil kahit di nila alam kung ano ang pagsubok na ibinigay sa kanila, nabanggit naman ang kanilang mga pangalan. Ibig sabihin, nakasali sila sa lihim na pagsubok na ito.

"Yuzin, labing anim na puntos, Yuna labin limang puntos..."

Sina Yuzin at Yuna na papababa pa lamang ng bundok ay nagtataka. Paano sila nakakakuha ng puntos na ito? Wala naman silang naalalang sinubukan na sila di ba?

"Wala akong naintindihan sa mga pagsubok nilang ito." Sabi ni Aya.

"Kailangan ng mga examinee na makakakuha ng 85 plus na total score kung gusto nilang makapasok sa Wynx Academy. Walang nakakaalam kung paano nagbibigay ng score  ang mga scorer at kung kailan sila nagbibigay ng mga pagsubok. Malalaman mo na lang kapag natapos na ito." Paliwanag ni Izumi na minsan ng nakapag-aral sa Wynx Academy.

"Di niyo ba napansin? Yung mga nanghihina dahil sa tindi ng lamig kagabi ang may maliliit na score." Sabi ni Asana.

Nalaman nila na mga pangalan ng mga ito ang nababanggit dahil sa mga reaksyon ng mga examinee.

"Kung ganon, kapag 19 or 20 ang isang yan, ibig sabihin lang non na ang pag-ulan nga ng yelo na iyon ang una nating pagsubok." Sabi ni Rujin at tiningnang mabuti ang reaksyon ng isang lalaki sa 8th floor na mukhang hindi naaapektuhan sa tindi ng lamig kagabi.

"Zion, 20..." Nakita nilang napaangat ng tingin ang lalaki nang banggitin ang pangalan na yon.

"Sabi ko na nga e." Sambit ni Asana.

"Elessa 15." Napatalon naman sa tuwa si Elessa.

"Luna 14, Laira 16, Fina 15, Lenera 18." Sumama na naman ang mukha ni Elessa dahil lamang na naman si Lenera sa kanila.

"Arken 22." Nagulat ang lahat dahil may hihigit pa pala sa 20 na score.

"Rujin 22. Sioji 24. Hyper, 21. Geonei, 23. Shaira 22, Aya 24, Asana 23. Izumi 21. Karim 25. Steffy 25. Karl 25. Ang perfect score sa unang pagsubok ay 25. At ang nakakaalam sa halaga ng mga umulan na yelo ay ang nakakakuha ng 25 na puntos. Pumunta kayo sa Wynx Academy gate para sa susunod na pagsubok. Kailangang hindi bababa sa 85 na puntos ang total score niyo para makapasok sa Wynx Academy."

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon