Steffy 234: Papunta sa Celeptris

802 72 9
                                    

Pagkatapos ng ilang araw, may isang sugo ang ipinadala ng mga Hanaru na nagsasabi na kung hindi ibibigay ng Wynx Empire ang gamot sa lason na nasa katawan ng mga mamamayan ng mga Hanaru, papatayin ng mga Hanaru ang lahat ng mga nabihag nilang mga Mysterian.

Hindi lang galing sa Hariatres ang mga bihag nila kundi galing din ito sa iba't-ibang parte ng Mysteria.

Ang Emperador naman ay napahawak sa ulo. Wala naman sa kanya ang gamot sa mga lason. Ang mga bratty gang lang naman ang nakakaalam sa lahat. Kaya pinatawag niya ang bratty gang at kinausap kung ano ang mga plano nila.

"Pupunta po kami sa Celeptris. Kami na pong bahala sa iba pa." Sabi ni Steffy.

"Masyadong mapanganib ang Celeptris. Hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng mga Hanaru. Mga kontroler pa naman sila." Sabi ni Emperor Kevin.

"Wag po kayong mag-alala. Alam po namin kung kailan aatras at lalaban. Pero pagkatapos po nito, kukunin ko na po si kuya Histon at papa Hisren. Kaya ako tumutulong sa inyo ngayon, iyon ay dahil aalisin ko na sila sa inyong Emperyo." Ilang minuto ring natahimik si Emperor Kevin.

Sina Master Hisren at Heneral Histon ang nagsilbing lakas niya kaya napipigilan niya ang kapangyarihan ng mga Superian.

"Hindi pa sapat ang lakas ni Kuya. kailangan niyang maging mas malakas. At hindi mag-iimprove ang lakas niya sa lugar na ito." Sabi ni Steffy.

Napabuntong-hininga naman si Emperor Kevin. Wala siyang magagawa kung pipiliin na ni Histon ang umalis. Sa lugar na ito, kung sino ang pinakamalakas ay ang siyang tinitingala. Kung sinong mas mahina ang siyang madalas kinakawawa.

"Kung iyon ang ninanais mo at ng kuya mo, wala akong magagawa. Ngunit tuparin mo lang ang pangako mo."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon pinatawag ni Emperor Kevin ang grupo ni Kurt.

"Samahan mo ang grupo nila na maglakbay papunta sa Celeptris. At kung ano man ang sasabihin nila, gawin niyo agad." Utos ng Emperador kay Kurt.

"Mamili ka ng isangdaang maasahan mong mga mandirigma at iilan sa mga Wynxian na nag-aaral dito para makasama mo sa misyon."

"Masusunod po ama." Sagot ni Kurt at yumuko ng bahagya bago umalis kasama ang limampung mga misyonaryo at sampung core students.

"Talaga bang pupunta tayo sa Celeptris? Baka sa hangganan palang mamamatay na tayo." Sabi ni Zync.

"Ang hindi sasama maaari namang magpaiwan." Sabi ni Kurt.

"Maaari ba talagang wag na kaming sumama?" Tanong ni Kent. Para kasi sa kanila, ang pagpunta sa Celeptris ay para na ring pagpapakamatay. Ayos lang sa kanila ang mamamatay kaya lang ayaw nilang magiging puppet, zombie o ba kaya mga halimaw.

Tutol man sila sa desisyon ng Emperador ngunit dahil inutos nito, gagawin na lamang nila kahit alam nilang posible silang mamamatay o mabibihag.

"Kasama natin ang kids team." Sabi ni Kurt.

"Sama ako." Mabilis na sabi ni Yun.

"Ako din." Sagot din ni Rio.

Tila nabuhayan bigla ng loob ang missionary team nang marinig na sasama ang kids team.

"At sila ang hahawak sa misyon na ito. Samakatuwid, sila ang lider natin. Sila ang captain at dapat nasusunod sa misyon." Paliwanag ni Kurt.

"Teka. Kanina ayaw na ayaw nilang sumama. Bakit bigla na lamang nagbago ang mga isip nila?" Nagtatakang tanong ni Gryn.

"Gusto ko rin sanang sumama." Sabi ni Sparr.

"Sasama din ako kung maaari." Sabi din ni Spyd.

"Ako din." Sabi naman ni Histon.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon