Steffy 145: Steffy's potion

862 73 9
                                    

Unti-unti namang bumalik ang kanilang lakas na halos yakapin na nila si Steffy sa sobrang tuwa.

"Ang bilis naman yatang bumalik ng lakas ko." Sambit ni Arrow.

"Anong klaseng potion ba iyong ipinainom niyo sa amin?" Tanong naman ni Blade.

"Steffy's potion." Sagot ni Steffy

"Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang uri ng potion. Kapangalan pa talaga ng isinumpang batang Chamnian." Sabi ni Sharp nang mapansin ang mapait na ekspresyon ni Steffy.

"Tama. Kilala nga palang isinumpang Mysterian o isinumpang Chamnian ang pangalang iyan. Ngunit magiging heroic Mysterian o dyosang Mysterian na ang pangalang iyan magmula ngayon dahil ako na ang magdadala." Sagot ni Steffy.

Napatitig naman ang pito sa kanya.

"Mata mo lang ang maganda. Mukha ka pa ring momo." Kontra naman ni Arrow.
Napahimas naman si Steffy sa mukha at mas nadagdagan pa ang alikabok rito dahil sa maalikabok niyang kamay.

Agad silang nagtungo sa City entrance ng Hanje City kaya lang nakasara ito.

"Ganito ba dito sa Mysteria? Lahat ng syudad may gate pa? Saka ginawan ng bakod ang lahat ng hangganan?" Tanong ni Steffy makita ang matayog na gate.

Sa palagay niya mahina na City lang ang Hanje dahil pader lamang ang ginagamit na bakod nito at hindi magic barrier.

"Paano tayo makakapasok niyan?" Pagkatapos itanong ni Fan ang mga bagay na ito, nakita niyang tumilapon na ang pintuan sa malaking gate.

"Tayo na." Kumaway pa si Steffy sa mga nakatulalang fearsome bandit na ito. Napapalunok laway na rin.

Sandaang Mysterian ang nagtulong-tulong para maisara ang gate na ito dahil sa kapal at bigat ng batong ginamit nila para sa pagsasara sa gate tapos isang sipa lang, tumilapon na agad?

Saan ba gawa ang paa ng babaeng ito? Bakit di man lang napano noong sipain niya ang pintuang bato?

Pumasok sila sa gate at ang tanging makikita nila ay ang mga sira-sirang mga kabahayan at mga buto at kalansay sa paligid.

Ang confident kaninang dalagita ngayon nama'y nakayakap na kay Blade at isinubsob pa ang mukha sa likuran nito.

"Para mga bangkay lang matatakot ka na? Mas nakakatakot ang mga buhay dahil maaari ka nilang patayin." Sabi naman ni Arrow.

"Di ako takot sa mga bangkay."

"E ba't ka nagtatago?"

"Takot ako sa panget nilang mukha." Sabay turo sa mga nakabitin na bangkay na nakadilat ang mata at nakalabas pa ang dila. Hindi kasi mahitsura ang mga nalalagas nilang mukha.

"Takot ka sa panget nilang mukha e sa mukha mo hindi?" Bara naman ni Spear.

"Mukha ko ito. Hindi ko naman to nakikita e." Katwiran naman ni Steffy.
Naikot na lamang ni Spear ang mga mata.

"Pansin niyo? Walang amoy ang mga katawang ito. Mukhang may naglagay ng unscented grass sa buong paligid." Sabi ni Spear.

"Ano yung unscented grass?" Tanong naman ni Steffy.

"Isang uri ng halaman na nilalagay sa mga mababahong bagay para di mangangamoy. Maaari din nitong itago ang amoy ng sinuman at kadalasang ginagamit ito ng mga assassin para hindi sila maaamoy ng mga target nila." Sagot ni Blade.

Nagpatuloy sila sa paglalakbay. Ilang sandali pa'y naramdaman nila ang pagyanig ng lupa. Napatigil sila sa paglalakad at nakita ang isang higanteng halimaw na may katawang tao mula baywang hanggang ulo habang may katawang gagamba naman ang kalahati papuntang paa.

15 foot ang haba ng walong mga paa nito mula sa lupa. At 10 meters naman ang laki ng katawan.

"Bakit walo ang mga paa niya? Balak yata tayong isa-isahin." Sambit ni Steffy habang nakatingala sa papalapit na halimaw.

Agad namang inihanda ng pitong bandido ang mga sarili para sa pakikipaglaban.

Nagpakawala ng laway ang halimaw patungo sa gawi nila. Agad namang naglaho si Steffy sa kinaroroonan. Ang pitong bandido namay nagsiiwasan para di tamaan ng kulay puting laway ng halimaw na nagiging matulis na sinulid na tatagos sa katawan ng sinumang matatamaan.

Nagsiliparan naman ang mga sandata ng pitong bandido. Si Dagger kinokontrol ang direksyon ng kanyang dagger gamit ang kanyang kamay. Sinusunod ng kanyang dagger ang kilos ng kanyang kamay. Si Sword naman, kinokontrol ang espada gamit ang kanyang mga mata at pinuputol ang bawat matulis na sinulid na papunta sa gawi nila.

Naglalabas naman ng mga wind blades ang pamaypay ni Fan at patungo iyon sa direksyon ng higanteng halimaw. Kaya lang walang epekto sa katawan ng halimaw ang mga wind blades niya.

Hindi naman nauubusan ng palaso si Arrow kahit kanina pa niya pinapaulanan ng mga palaso ang halaimaw na ito. Ang problema'y nababaluktot lamang ang mga palaso niya.

Si Spear naman ang pang malapitan kung umatake at paa ng halimaw ang pinunterya niya. Pilit naman siyang inaapakan nito na naiiwasan naman niya.

Kusa namang gumalaw ang S-blade ni Blade na parang may sariling buhay at konektado ang Blade sa kanyang amo dahil tila may sarili itong isip na ginagawa ang anumang gustong mangyari ng kanyang amo. Patuloy na inaatake nito ang mata ng halimaw.

Habang umaatake ang S-Blade ni Blade, si Blade naman lumayo sa fighting range at di siya maabot ng atake ng halimaw na ito. Maituturing na si Blade ang may pinaka-safe na paraan sa pakikipaglaban sa mga mas malakas sa kanila.

Habang si Steffy naman nakaupo sa may bato na may kinakain pang prutas habang nanonood sa laban. Nire-rekord pa gamit ang isang miliphone ang mga eksena.

"Action na naman." Natutuwa niyang sambit.

"Yung ulo ang patamaan niyo. Diyan nagmumula ang kanyang lakas." Sabi niya kasi naman tumagos na naman ang kanyang tingin at nakita niya ang isang bilog na bagay sa utak ng halimaw. At napansing doon nanggagaling ang enerhiyang ginagamit ng halimaw na ito.

Pansin niya ring hindi galing sa Monsterdom ang halimaw na ito. Pero may energy itong katulad sa mga halimaw ng Monsterdom.

May mga sariling isip ang mga halimaw sa Monsterdom na di niya makita sa halimaw na ito. Tila ba nilikha ang halimaw para lang pumatay.

Dahil sa sinabi ni Steffy agad na pinatama ni Blade ang kanyang sandata sa tuktok ng ulo ng halimaw.

"Di natamaan yung energy core niya o crystal core ba tawag diyan." Sabi ni Steffy na nakalimutan kung ano ang tawag sa batong kristal sa utak ng halimaw na nagsilbing source of energy ng mga halimaw at magic beast ng Mysteria.

Ilang sandali pa'y tumusok sa ulo ng halimaw ang espada ni Sword kasunod non ang pagkatumba ng halimaw.

"Natamaan ang energy core niya kaya lang bakit naglaho?" Tanong ni Steffy nang makitang naglaho ang energy core ng halimaw matapos matusok sa espada ni Sword.

Agad namang nakalayo si Spear bago pa man madaganan ng halimaw na ito.

Ilang sandali pa'y unti-unting nagbago ang anyo ng halimaw. Lumiliit ang katawan nito hanggang sa tuluyan ng naging katawan ng isang batang Mysterian.

Lalapit sana si Fan para suriin ng katawan pero pinigilan siya ni Blade.

Si Steffy naman bumaba sa kinaroroonan at ilang sandali pa'y nasa tapat na siya ng nakaratay na katawan.

Walang dugo ang katawang ito at wala na ring utak. Hinanap niya ang tattoo ng mga Dethrin sa katawan nito pero wala siyang makita maliban sa red dot sa noo nito.

"Likha yata ito ng mga Dethrin " sabi pa ni Sharp.

"Black wings ang isa sa simbolo ng mga Dethrin at hindi red dot." Sagot naman ni Steffy.

"May mga nag-eeksperimento pa bang iba maliban sa mga Hanaru gamit ang katawan ng mga Mysterian?" Tanong pa ni Steffy sa sarili.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon