Steffy 235: Tagakatay Bandits

748 66 2
                                    

"Nakakapagtataka talaga. Pansin niyo ba? Parang ang lalakas ng mga presensya ng mga estranghero na papunta rin sa Hanaru Empire." Sabi ni Rujin.

"Ano kaya kung mag-eespiya tayo sa Emperyo nila?" Suhestiyon ni Shaira.

Napatingin sila kay Steffy na kung sino-sino na lamang ang kinausap sa mga estrangherong di nila kilala. Parang malapit lang sa mga estranghero kasi masyadong feeling close hindi naman pala kilala ang mga kausap.

Nakarating na sila sa isang gate sa isa sa mga syudad sa Celeptris. Ang syudad na ito ay pinaghaharian ng isang bagong tatag na grupo ng mga bandido. Ito na lamang ang syudad sa Celeptris na hindi nasasakop ng mga Hanaru.

Sa di kalayuan ay ang naglalaban na mga Mysterian.

"Anong meron?" Tanong ni Steffy sa bagong kakilalang si Akemi.

"Noong isang araw pa ang paglalaban nilang iyan. Teritoryo na kasi ng mga Tagakatay ang lugar na ito. Hindi sila pumapayag na may papasok sa teritoryo nila. May mga nagpupumilit dumaan dito kasi disyerto ang kabilang daanan kaya pinili nilang makipaglaban sa mga Tagakatay na ito."

Si Steffy naman nagtataka. Sa pagkakaalam niya, isang grupo lamang ang naghahari-harian sa lugar na ito. Iyon ay ang Acrow bandit. Inisip niyang dahil sa wala na si Heneral Asmagorn kaya napalitan na ang bagong pinuno at pati pangalan ng mga bandido.

"Wag niyong sabihing hindi rin kayo nakadaan dahil sa kanila?" Tanong ni Steffy kay Akemi.

"Hinihintay namin ang iba. Masyado kasing malakas ang mga Tagakatay at marami rin silang mga Mysterian na may mga forbidden ability. Lalo na ang tatlong heneral nila. Namamatay ang lahat ng mga madadaanan sa aura nito kaya naman nahihirapan ang sinumang dumaan sa lugar na ito. " Paliwanag ni Akemi.

"Wala ba silang ibinigay na kondisyon?" Tanong muli ni Steffy.

"Mag-iwan muna ng malaking halaga ang sinumang dadaan sa lugar na ito. Kaya lang mga mamahaling mga treasures ang hinihingi nila at hindi pera."

Napatigil ang pag-uusap nina Steffy at Akemi makita ang mga usok mula sa mga buhangin at alikabok sa disyerto. Papalapit na ang mga usok na ito sa gawi nila at maririnig na rin ang mga yabag ng mga kabayo.

"Iyan na ba ang hinihintay mo?" Tanong ni Steffy makita ang isang libong mga mandirigma na paparating. Dalawang dagger na napormang sungay ang nakaburda sa kanilang mga watawat.

Nagtataka sila dahil nagsitabihan ang mga Mysterian na nasa paligid pagdating ng mga nakakabayong mga nilalang na ito.

Dumating din ang dalawang Mysterian na hinihintay ni Akemi.

"Nandito ka lang pala Akemi. Ano na ang mga kaganapan dito?" Tanong ng lalaking may dilaw na buhok. Nakasuot din ng magarang damit na pinapalamutian ng ginto. Kapansin-pansin din ang maliit na korona nito sa ulo.

"Bukod sa atin, may iba pang naghahangad na makuha ang Empire Seal." Mahinang sagot ni Akemi.

"Kung ganon, pati ba ang mga paparating na yan?" Tanong ni Amiro, ang lalaking may dilaw na buhok habang nakatingin sa paparating pang mga grupo.

"Narinig kong hindi lang mga Superian ang nandito, pati na rin ang mga Akrinian." Sagot ng lalaking may ash gray na buhok. Mamahalin rin ang suot na damit. Nababalot ito ng mga Mysterian ore at mga Mysterian crystals. Kahit ang kapa nito na kulay ash gray, may mga palamuti rin.

Ang mas gusto ni Steffy na pagmasdan ay ang dekorasyon sa mga balikat nito na parang mga pakpak. Ngunit naiisip din niya na siguro ang bigat ng damit na ito kapag sinusuot niya. Iniisip din niya kung ilang kilo kaya ito.

Nagniningning pa ang mga mata ni Steffy nang makakita ng mga pagkain sa loob ng storage belt ng lalake. May belt itong kulay ash gray din na nakapaikot sa baywang nito. Isa ito sa mga storage items na tanging mga piling Mysterian lamang ang nakakapagmamay-ari. Maraming mga mahahalagang bagay ang nasa loob ng storage item ngunit ang tanging nakaagaw sa pansin ni Steffy ay ang mga pagkain sa loob.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon