Napahilot na lamang ng sentido si haring Yuji nang malamang tumakas ang apo kasama ang mga kaibigan nito para sundan si Steffy.
"Paano kung mahuli sila ng mga Hanaru? At gagamitin ang mga katawan para eksperimentuhan?" Kanina pa siya paroo't-parito.
"Hindi ko alam kung tama ba itong tinatago natin sila sa mga Mysterian para protektahan. At di ko din alam kung tama ba ang pasya nating manonood lamang habang winawasak ng mga masasamang Mysterian ang ibang mga kaharian." Sabi ni Reyna Stella.
May sama ng loob ang mga Chamnian sa mga Mysterian kaya naman wala silang balak tumulong nang makitang nilulusob ng mga Dethrin ang bawat tahanan at kaharian nila.
Ang mga Mysterian ang pumatay kay reyna Kara at ang mga Mysterian din ang rason kung bakit naghihiganti ang mga Hanaru. Sila ang rason kung bakit pinaghiwalay ang Chamni sa ibang kontinente. Ililigtas ba nila ang mga nilalang na siya ring papatay sa kanila sa huli?
Kaya lang, paano naman sina Steffy na palaging nasasangkot sa gulo ng mga Mysterian? Paano naman ang mga kasamahan niya na biktima sa kasamaan ng dalawang panig? Biktima ng mga Mysterian at mga Dethrin?
"Feyu, Feyn at Feru! Palihim niyong protektahan si Steffy." Utos ni reyna Stella sa tatlong bantay ni Steffy.
"Masusunod po mahal na reyna." Panabay na sagot ng tatlo at yumuko bago muling tumuwid ng tayo.
"Wag kayong magpapakita sa sinuman. Bantayan niyo lamang siya at ibalita agad sa amin kung sakaling may nangyaring kakaiba sa kanya lalo na kapag nagliliwanag ang birthmark sa wrist niya." Sabi ni Stella.
"Kapag nakikita niyong nagagalit siya, gawa kayo ng paraan para kumalma siya. Pero kung hindi niyo siya mapapakalma, lumayo na lamang kayo." Bilin pa nito sa kanila.
Nag-isip naman ang tatlo kung ano ang dapat nilang dalhin bilang pampalubag loob.
"Maraming pera. Para kapag may gusto siyang bilhin o kainin maibibigay natin." Sabi ni Feru.
Nagtataka siya mapansing walang sumagot sa kanya at nakitang naghahanap na pala ang mga kasama ng mga prutas at mga pagkain para dalhin.
Matapos halos ubusin ang mga prutas sa Naicron mountain maging sa mga karatig kaharian saka pa bumalik sa Naicron Academy ang tatlo para mangolekta ng mga magic artifacts upang dalhin nila.
Nagdala din sila ng mga magic crystals, isa sa mga artifact na kayang magrekord ng mga eksena. Dahil alam nilang mahilig mag-video ang mga kabataang iyon lalo na si Steffy. Nagdala din sila ng device na maaaring kumuha ng mga larawan para sakaling maisipang mag-selfie ng isang yon, may maibibigay sila.
"Siguro naman, ayos na ito bilang pampalubag ng loob." Sabi ni Feyn. Napatingin sa miliphone. Iniisip kung magdadala din ba siya nito.
"Iisa lang ang solusyon para di na magagalit si Steffy at para wala ng gumalit pa sa kanya. Para wala na tayong problema." Sabi naman ni Feru.
"Ano yon?" Tanong ni Feyu.
"Di patayin ang sinumang may gustong gumalit sa kanya." Sagot ni Feru na muntik ng batukan ng dalawang kasama.
"Umalis na tayo. Baka kung ano na ang ginawa non." Sabi ni Feyn.
Ilang minuto pa'y nagiging liwanag ang mga katawan nila at naglaho na.
Hating gabi na nang ibukang muli ni Steffy ang mga mata.
"Ang daming halimaw sa lugar na yon. Yung iba minsan ko ng nakita sa monsterdom pero yung iba parang artificial na mga halimaw?" Nakalagay pa sa bibig ang isang hintuturo habang iniisip kung paano nakalabas ng monsterdom ang mga halimaw na iyon.
Mga Chamnian lamang ang may kakayahang makapunta sa Monsterdom at tanging mga malalakas na Chamnian lamang ang may kakayahang mang-utos sa mga halimaw ng Monsterdom. Kaya paanong nagpagala-gala sila sa Hanje City? Ibig bang sabihin nito may napakalakas na Chamnian ang nasa likod ng mga Hanaru?
Lumabas siya ng tent at nakita si Blade na nakaupo habang nakapikit ang mga mata.
"Alam kong naririnig mo ako. Bukas pa ba kayo aalis? Kung gano'n mauuna na ako sa inyo." Sabi ni Steffy at nilagpasan si Blade.
Nagising naman si Fan na nakaupo sa isang bato. Si Blade na tutulug-tulugan napilitang idilat ang mga mata.
"Pinapatakas na nga magpapaalam ba naman? Nagising na tuloy sila." Sambit ni Blade sa isip.
Hindi naman kasi niya maamin-amin sa mga kasamahan na takot siya sa babaing ito kaya gusto na niyang pakawalan. Kaya magkunwari na lamang siyang natakasan para may rason siya kung bakit nakawala si Steffy.
Kaso nagsalita ba naman at nagpaalam pa? Ayan tuloy nagising ang mga kasamahan niya.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong ni Fan.
"Aalis na. Bagal niyo kasing maglakbay. Kailangan ko ng makarating sa Hanje City bukas, kaya kung ayaw niyo pang bumiyahe diyan maiiwan ko na kayo." Sabi ni Steffy at nagpatuloy na sa paglakad.
"Alam mo bang mapanganib ang Hanje city?" Tanong naman ni Arrow.
"Saka hating gabi pa. Mas mapanganib maglakbay ng gabi. Saka madilim kaya." Sabi naman ni Spear.
"Tinatawag niyong mga bandido ang mga sarili niyo tapos di niyo kayang maglakad sa dilim?" Tanong pa ni Steffy.
"Sinong maysabing di namin kayang maglakad sa dilim? Baka Ikaw diyan." Inis na sagot ni Spear at mabilis na tumayo.
"Wag ka lang iiyak kapag natatakot ka sa dilim. Di naman namin sinabing maglakbay tayo sa dilim kaso mapilit ka. Wag na wag kang iiyak sa harap ko kapag may mga halimaw ang lalapit sayo." Sabi pa nito.
Nagsimula na namang bumiyahe ang kanilang grupo.
Ilang oras na ang lumipas pinagpapawisan na sila pero ang inaasahan nilang madaling mapagod di man lang nilabasan ng kahit isang butil ng pawis.
"Hindi man lang siya natakot? Sobrang dilim kaya. Puro itim nga lang ang nakikita ko o." Di mapigilang sambit ni Spear.
Sinadya nilang hindi gumamit ng pang-ilaw para takutin si Steffy kaso hindi.
"Kung makapaglakad siya parang naglalakad lamang sa ordinaryong daanan." Sabi naman ni Arrow na ilang ulit ng matisod dahil nababangga sa mga nakausling lupa o bato.
Kinuha na lamang ni Blade ang isang puting kristal na kayang magliwanag ng limang metro. Dito nakita nila na hindi nakaapak ang mga paa ni Steffy sa lupa kundi naglalakad sa hangin.
Napalapit tuloy si Blade para makitang mabuti kung nakalapat ba sa lupa ang mga paa ni Steffy o nakalutang.
Si Arrow naman nakusot ang mga mata. Napakurap-kurap naman ang mga kasama niya saka sila nagkatinginan.
Si Steffy naman napatigil sa paglalakad sa hangin at nilingon sila.
Sila naman na nakatuon sa mga paa ni Steffy nagtataka kung bakit tumigil ang mga paang ito kaya inangat nila ang mga tingin at sumalubong sa kanila ang maduming mukha na ikinaatras pa nila sa gulat.
"Anong nangyari sa inyo?" Kunot-noong tanong niya.
"I-ikaw. Ba-bakit nakalutang ka sa hangin?" Nauutal na tanong ni Spear at napapalunok laway pa.
"Dahil Dyosa ako." Sabay flipped hair.
Nag-anyo naman silang nasusuka.
"Kung ganyan kapanget ang magiging dyosa sa mundo papakamatay na lamang ako." Sagot naman ni Fan.
"Mukha ka kayang multo kaysa sa dyosa." Sagot naman ni Sharp.
Muli na lamang naglakad si Steffy at agad naman silang sumunod.
Kaya naman pala hindi natitisod, sa hangin naman pala naglalakad.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...