Naghahanda na ngayon ang mga estudyante ng WA or Wynx Academy sa kanilang biyahe. Hindi nila inaakala na may malaking pagsubok pa pala ang naghihintay sa kanila. Kailangang may maipakita silang natatanging kakayahan bago makasama sa nasabing misyon.
"Inaakala niyo sigurong madali lang ang magpunta sa Central area. Kundi lang nasugatan ang ilan sa amin, hindi kayo kailan man makakasama." Mayabang na sabi ng isang estudyante ng WMA or Wynx Military Academy.
Isa-isang nagpakitang gilas ang mga estudyante ng Wynx Academy, pagkatapos ay kailangan nilang sumali sa isang grupo. Para makasali sa grupo may hahawakan silang magic staff at ituturo ng liwanag ng staff kung saang team sila mabibilang.
Sa bawat grupo ay may limampung miyembro. Bubunot ng flag ang lider ng bawat grupo na nasa loob ng kahon. Kung ano ang kulay at nakasulat sa flag na makukuha ng lider ay siyang magiging flag ng team at magiging pangalan ng team. At ang mga team na iyon ang magiging bagong young warriors team ng Wynx Empire.
Pagkatapos magkaroon ng team, papipiliin sila ng mga sandatang maaaring magagamit sa labanan.
"Nakakainis naman. Bakit dito pa ako nabibilang sa team ng mga mahihina?" Naiinis na sabi ni Fidel na mula sa WMA.
Mas lalong umasim ang mukha niya dahil sa team niya napupunta ang halos baguhang mga estudyante ng Wynx Academy.
"Nakapagtataka. Bakit wala sina Steffy?" Tanong ni Yuna habang hinahanap kung nasaan na ang grupo nina Steffy. Makitang sa grupo din niya napunta ang grupo nina Lenera, natutuwa siya dahil mga kakilala ang mga ito ni Steffy ngunit ikinabagsak naman ng balikat ng labinlimang estudyanteng galing sa Wynx Military Academy.
"Ito na yata ang pinakamasaklap na grupong napuntahan ko." Hindi na maipinta ang mukha ni Deon maging ang mga kasamahan niya.
"Pwede pa namang umatras bakit di pa kayo umatras?" Natatawang sabi ng military student din na si Niko sa grupo nina Deon.
Si Kurt naman kasama niya ang pinag-isang team na nakasama na niya sa misyon noon sa Norzian. Nandito ang mga warriors team, blue team, red team, wolesian team, Perzetonian team, Ifratus team, at ang hunters team.
"Bakit wala ang kids team? Hindi ba dapat nagti-training din sila kasama namin kamahalan?" Nagtatakang tanong ni Luwie.
"Hindi sila kasing hina mo para mag-training pa sa lugar na ito." Sagot ni Diego.
"Gusto kong makilala yung mga bratty gang. Biruin niyo, pinakawalan nila ang kinatatakutang mga halimaw sa detention room? Wala pa kayang nakakagawa non kahit ang Emperador pa." Sabi naman ni Rio ang captain ng red team noon.
"Narinig ko ring isa sa kanila ang anak ng Dean. Nandito ba sila?" Tanong naman ni Yun. Wala na ang peklat sa mukha niya at mas angat na rin ang gwapo niyang mukha na di na natatakpan ng peklat tulad ng dati.
"Katulad din kaya sila sa mga kids team na yun na nakakatakot?" Tanong naman Muwei.
"Kayo lang naman ang natatakot sa kanila dahil ang hilig niyong magmaliit." Cold na sagot ni Orion.
Aangal na sana si Muwei ngunit piniling manahimik dahil mas nakakatakot si Orion kumpara sa mga batang pinag-uusapan nila. Si Orion hindi takot pumatay, pero yung mga bata hindi pumapatay pwera nalang siguro kapag kinakailangan.
"Nandito na ang hinahanap niyo o. Mga bagong estudyante na ng Wynx Academy." Sabi naman ni Qinch at tinuro ang grupo nina Steffy na hinaharang ngayon ng mga nagbabantay sa entrance ng field.
"At ang kilalang bratty gang ng Wynx Academy." Dagdag pa ni Zync na ikinanganga nila.
Nalaman nilang si Steffy ang anak ng Dean at kapatid ni Histon. Si Histon na kilala sa pagiging monster kapag nagsasanay ng mga sundalo. Ngayon may kaunting ideya na sila kung bakit nakakatakot din si Steffy. Mana sa kuya niya.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...