Steffy 210

1K 78 19
                                    

"Alam mo ba nang makita ko ang ngiti mo kanina, kala ko talaga ipapahabol mo rin sila sa kung sinong halimaw. O ba kaya papaglahuin mo ang suot ng Emperatris nila." Sabi ni Aya.

"Bakit mo sila hinayaan? Alam mo bang gigil na gigil ako kanina?" Sabi naman ni Shaira.

"Kung manggigil ka hindi halata sa mukha mo." Sagot naman ni Hyper.

"Ginawa ni Steffy yun bilang pagbibigay galang sa Emperador. Ano na lamang ang iisipin ng lahat kung sa harapan mismo ng Emperador mismo papahirapan ni Steffy ang Emperatris at ang mga kalahi nito? Isang malaking insulto yun sa Emperador." Paliwanag ni Arken.

"Bakit mo ba pinilit pumasok kanina Steffy?" Tanong naman ni Asana.

Napatingin naman si Steffy kay Master Hisren na nagmamadali sa paglalakad. Ilang sandali pa'y naikuyom ni Steffy ang kamao.

"Mga Superian! Makikita niyo." Sambit niya sa isip. Saka hinabol na ang adopted father.

Sa gawi naman ng tatlong mga Elder ng Superian, patuloy ang mga ito sa pagsuka ng dugo. Kung hindi ito mapipigilan, tiyak na bibigay na ang kanilang mga katawan.

"Ginawa ko na ang lahat ng makakaya ko ngunit wala talaga akong makitang mali sa loob ng katawan niyo." Paliwanag ni Elder Tsa. Ang pinakamagaling na manggagamot sa Superian clan.

"Pagpasok ng batang yun, bigla na lamang bumalik sa akin ang Mysterian ki na pinaatake ko kay Master Hisren. Hindi ko alam kung may kinalaman ba ang batang yun sa nangyari sa akin." Sabi ni Elder Adunae.

"Bigla ring may narinig akong tunog sa utak ko. Parang biniyak ang aking ulo. Gusto kong mahimatay sa sakit ngunit kahit anong gawin ko, wala akong ibang kayang gawin kundi ang yumuko lamang ni di ko magawang galawin ang aking mga kamay." Sabi naman ni Elder Fisuwei.

"Hindi ko din maintindihan na tila ba may mga kamay na pinagpipira-piraso ang aking puso. Gusto kong sumigaw at magwala dahil sa sakit ngunit hindi ko man lang magawang ikilos ang aking katawan." Sabi din ni Elder Darman.

Napaisip naman si Elder Tsa. Kilala na niya si Master Hisren at alam na niya ang kakayahan nito. Imposibleng kagagagawan niya ang nangyari sa tatlong Elder na ito. Kaya lang, mas imposible namang ang anak ni Master Hisren ang may gawa non. Sa edad ni Steffy kahit gaano man ito kalakas at ka-makapangyarihan, imposibleng magagawa niya ang ganitong bagay. Posible iyon kapag ilang taon pa ang lumipas at kapag may tamang kontrol na ito sa kapangyarihan. Kahit mga expert level nga ay di magawa siya pa ba na bata pa lamang?

Hindi nila alam na hindi ordinaryong bata ang tinutukoy nila.

"Steffy." Tawag ni Rave makita si Steffy. Hindi man lang napansin si Hisren na mas nauna pa kay Steffy sa pagdating.

Inutusan silang hanapin sina Steffy ngunit hindi nila natagpuan. Kaya magtungo na lamang sila sa Wynx Academy Grand hall. Ngunit sandali lang sila sa lugar na iyon dahil tinawag silang muli ni Histon para tumulong sa mga nasugatan.

Tila nabuhayan sila ng pag-asa makita ang grupo nina Steffy.

Ginamot agad ni Master Hisren ang kanyang nanghihinang anak na lalake. Pinasahan niya ito ng Mysterian ki para mapunan ang natuyong Mysterian ki ni Histon.

Nang magising si Histon, lumapit naman si Rave at ipinaalam sa kanila na marami parin ang mga nangangailangan ng tulong.

"Kailangan natin ng tulong ni Doctor Lhoyd." Sabi ni Spyd.

"Ayos lang na gamutin niya ang iba maliban sa mga sundalong nasa ilalim ng pamumuno ni Kuya." Agad na sabi ni Steffy na ipinagtataka nila.

"Marami ang nasugatan sa mga sundalo ko bakit naman hindi pwede Steffy?" Nagtatakang tanong ni Histon.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon