Labis na natuwa si Jaino matuklasang hindi kabilang sa mga pumasa ang grupo nina Steffy at halos magtatalon pa siya sa tuwa matuklasang magiging alipin ang grupong iyon ng Wynx Academy sa loob ng apat na taon. Marami pa siyang oras para magantihan ang grupo nina Steffy.
Nalaman niyang dadalhin ang grupo nina Steffy na may bansag na ngayong mga bratty students ng Wynx Academy, ng mga giant hawk. Naiisip pa lamang ni Jaino na panay sigaw ng mga ito sa takot at hingi ng tulong habang tangay ng mga giant hawk, halos umabot na sa ulap ang kanyang tuwa. Kaya naman, maaga siyang naghintay sa entrance ng Academy. Hanggang sa matanaw na nila ang paparating na mga giant hawks.
Saan yung hinihintay niyang sigaw? Yung tindi ng takot at paghingi ng mga tulong? Bakit mukhang tuwang-tuwa pa ang mga bratty students na ito?
"Hanapin ang mga estudyanteng iyon, ngayon din." Utos ni Elder Vioren sa mga kasamang mga Senior students.
Hindi kasi bumaba ang mga giant hawks sa napagkasunduan nilang lugar at hindi nila alam kung saang parte ng main academy bumaba ang mga kabataang iyon.
Agad namang nagsialisan ang mga senior students para mahanap ang mga bratty students na iyon. Kabilang sa mga senior students si Mika. Tutulong siya sa paghahanap para pahirapan ang sinumang una niyang makikita.
Nagkahiwa-hiwalay naman ang sampo. Masyadong malawak ang sakop ng Wynx Main Academy kaya hindi agad nagkakakita-kita ang sina Steffy. Lalo pa't sa iba't-ibang parte ng Academy sila napadpad.
Napapanganga si Izumi sa ganda ng paligid at mga bulaklak na nakapaligid. Napadpad siya sa lugar na kinabibilangan ng mga estudyanteng nauugnay ang kakayahan sa mga pananim at kalikasan. Balot ng iba't-ibang uri ng mga bulaklak ang buong paligid.
"Ang ganda." Mangha niyang sambit. Kaso may kung sinong bumangga sa kanyang likuran na ikinaupo niya sa lupa.
Ni di man lang niya napansin ang presensya nito. Kaya naman, pagkatapos nito, naisipan niyang mag-training ulit. Para kasing humihina na ang kanyang mga senses.
"Paharang-harang kasi." Sabi ng lalaking nakabangga sa kanya na ikinatalim ng kanyang tingin.
Napalingon siya sa mayabang na lalaking ito at nakilala na isa ito sa Hunter's team noong nasa misyon silang protektahan ang kamahalan ng Wynx Empire.
Ito yung "Zync?" Biglang nasambit ni Izumi. Sobrang napapangitan kasi siya sa pangalang ito kaya naman, sa lahat ng hunter's team, itong pangalan ni Zync ang tumatak sa kanyang isipan.
"Teka? Paano mo nalaman ang pangalan ko..." Napatigil siya sa pagtatanong makita si Izumi. Bago pa man makapagtanong ulit, umasim bigla ang mukha marinig ang sagot ng babaeng nakabangga.
"Nag-isip kasi ako ng pinakapanget na pangalan sa buong mundo. Malay ko bang sayo pala yon." Sagot naman ni Izumi.
"Ipapakain ko na talaga ang babaing to sa mga dambuhalang mga bulaklak. Ipapakain ko na talaga." Sambit ni Zync sa isip.
"Huy! Wag mong malait-lait ang aking pangalan." Sagot niya na ang sama ng mga tingin.
Nagkibit-balikat naman si Izumi halatang wala siyang pakialam sa sinabi ni Zync. Aalis na sana siya kaso hinarang siya ni Zync.
"Paano ka nakarating dito? At nandito ka pa sa hardin ko. Sinusundan mo ako ano?" Nakataas-baba pa ang kilay niya habang tinatanong ang mga bagay na ito.
Gusto niyang tumawa makitang namula sa galit si Izumi sa sinabi niya. Ang cute nga raw kasi nitong tingnan.
"Aminin mo na. Nagpunta ka ba dito dahil nami-miss mo ako?" Tukso niya pa. Nag-anyo namang nasusuka si Izumi.
Dumaan ulit siya sa kabilang gilid, kaso humarang na naman si Zync.
Ilang sandali pa'y umalingaw-ngaw sa buong paligid ang hiyaw ni Zync na nakahiga na ngayon sa damuhan. Hawak ang bagay sa pagitan ng mga paa na sinipa ni Izumi.
"Smile!" Nakangiting sabi ni Izumi at kinuhanan ng larawan ang lalaking namimilipit sa sakit.
"Pagbabayaran mo to!" Sigaw ni Zync na nakahawak parin sa yaman.
"Wag kang mag-alala. Kapag natuklasan kong di ka na magkakaanak, ako nalang ang magpapakasal sayo. Baka kasi mahihirapan ka ng maghanap ng asawa niyan. Pagkatapos, papaanak na lamang ako sa iba para sayo." Nakangiting sagot ni Izumi bago masiglang iniwan ang namimilipit sa sakit na lalaki.
Si Steffy naman hinarang ng dalawang kawal na nagbabantay sa likod ng Wynx tower. Dito kasi siya dinala ng kanyang mga paa.
"Sino ka? At bakit ka napadpad sa lugar na ito?" Tanong ni Esan at itinutok ang espada kay Steffy.
Maliban sa mga core students at ang Wynx Royal family, wala ng iba pang nga estudyante ang maaaring pumunta sa lugar na ito. At ang lahat na magti-trespass dito ay mapaparusahan.
"Dahil pumunta ka sa lugar na ito ng walang paalam, kailangan mong maparusahan." Sabi ni Evan at may mga air spike ang lumabas sa kanyang mga kamay.
"Agad-agad? Di ba pwedeng—ahhh!" Napasigaw si Steffy dahil agad siyang binato ng air spike na walang pasabi.
Ipinagkrus niya ang kanyang mga braso. Kaya lang, bakit um-echo yata ang boses niya? Napasigaw din kasi sina Esan at Evan. Kaya naman napaangat ulit si Steffy ng paningin.
"Eh? Anong nangyari sa inyo?" Nababalot na kasi ng mga spiky vines ang dalawa. Bumaon ang mga tinik ng vines sa mga balat nila.
"T*nga! Aray! Ikaw ang may gawa nito tapos magkunwari kang di mo alam?" Sagot ni Esan.
Pagkrus kasi ni Steffy ng mga braso bigla na lamang may mga vines ang sumulpot na di nila alam kung saan galing na mabilis na pumulupot sa katawan ng dalawang kawal mula paa paakyat sa kanilang leeg. Tanging ulo lamang nila ang nakalabas.
"Nakapikit kaya ako, paano ko malalaman?" Napapikit kasi siya kanina kaya di niya nakita ang pagsulpot ng mga vines na ito. Saka alam niyang hindi naman vines ang kapangyarihan niya kasi Mysterian ki o Chamnian Tzi ang nailalabas niya at hindi bahagi ng mga elemento.
"Bigla na lamang may lumabas na mga vines pagka-cross mo sa iyong mga braso. Aray naman. Sakeeet!" Sagot ni Evan na napapangiwi sa sakit. Parang pinagtutusok ng mga kutsilyo ang kanilang mga katawan. Gusto nilang ilabas ang kanilang mga kapangyarihan kaso hindi nila magawa dahil sa hindi nila maibuka ang kanilang mga palad kung saan lumalabas ang kanilang mga Mysterian ki.
"Talaga?" Manghang sambit ni Steffy. Saka naalala na minsan na ring nangyari ang ganitong bagay. Noong pinagkrus niya ang kanyang mga braso nang patamaan sana siya ni Kurt ng fireball dati. Napabitin si Kurt noon habang ang mga kawal namang ito nababalot lang ng mga vines pero hindi nakabitin.
Napatingin si Steffy sa vines na ito. May mga kulay green na dahon pero ang stem at mga tinik nito ay kulay purple. Kapag hindi titingnang mabuti ang vines na ito, aakalain ng makakakita na green vines siya dahil sa mga kulay green nitong dahon na tumatakip sa kanyang stem.
"Masubukan nga." Excited niyang sambit. Sa halip na mag-cross arms ulit, itinutok niya ang kanyang hintuturo paitaas at ginamit ang Mysterian ki na nakuha sa paligid para makabuo ng isang vines na katulad sa mga nakapulupot sa mga kawal.
Isang purple energy ang lumabas mula sa mga daliri niya na naging isang purple vines at diretso iyon sa isang bintana ng Wynx tower.
Si Karl naman, tapos ng maligo at panay ayos ng buhok habang nakaharap sa salamin. Nakatuwalya lamang siya ng kulay puti. Ang dami ding nakakalat nga mga kasuotan sa sahig dahil sa paghahanap niya ng magandang damit na maisusuot kanina para malamangan raw ang kagwapuhan ng kanyang nakatatandang kapatid.
Kaya lang, wala siyang mapili at naisip na lamang na ayusin na muna ang buhok at tiyaking kaaya-aya ang kanyang mukha.
"Mas poge na ako kay Aji Kurt." Nakangiti niyang sambit nang bigla na lamang may pumulupot sa baywang niya at hinila siya palabas ng kanyang bintana na ikinahiyaw niya sa gulat.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...