Unang lumabas sa pinagtataguan sina Fan at Blade at sila muna ang haharap sa Mysteriang kikidnapin nila. Ang nakatagong lima ang siyang gagawa ng biglaang pag-atake kung sakaling mahihirapan ang dalawang kasamahan.
Nararamdaman nila na malakas ang aura ng kasama nitong lalaking Mysterian at halata sa kilos nito na mula ito sa hindi pangkaraniwang pamilya. Kaya naman nag-iingat sila baka sakaling mahihirapan silang kunin ang babaeng ito sa mga kamay ng kasama.
Ngunit hindi nila inaakalang handang sumama ni Steffy na wala man lang tanong kung bakit, kung sino sila o anong pakay nila? At higit sa lahat nag-request pa ang mukhang hindi ordinaryong Mysterian na ito na isama na rin? Bakit wala man lang nangyari sa mga inaasahan nilang posibleng mangyayari? Nasaan ang inaasam-asam nilang labanan? Nasaan ang inaakala nilang shidang nakakatakot?
"Parang may mali yata." Sambit ni Blade.
Ang nakalap kasi nilang impormasyon ay hindi daw pangkaraniwan ang Shidang ito at hindi daw ito basta-bastang nadudukot. Hindi naman kasi siya nadudukot dahil kusa naman palang sumasama sa mga mandurukot.
"Bawal kang sumama. Di ka kasali sa misyon namin. Kaya alis na." Taboy ni Fan at tumalikod na.
Hinawakan naman ni Blade ang wrist ni Steffy at naglakad na sila paalis. Nilingon pa nila si Steve at nang makitang hindi ito sumunod napa-tsk na lamang sila.
"Akala ko pa naman, mahirap ang misyon na to. Tayo pa ang inatasan ang dali-dali lang pala." Sambit ng papalapit na si Spear at pinagmasdan ang gusgusin na si Steffy.
"Huy, wag na wag kang tumakas. Hindi karin naman makakatakas sa amin e." Mayabang na sambit ng kalalapit lang na si Arrow. Nilapit pa ang mukha kay Steffy.
"Bakit ka kusang sumama ha? Ano ang motibo mo?" Nagdududang tanong niya.
Kaso binahingan lang ni Steffy ayan tuloy napahilamos ng laway. Inamba ang kamao kay Steffy na agad namang nakapagtago sa likuran ni Blade.
Hihilahin sana ang dalagita nang magsalita si Blade.
"Tama na nga yan Arrow. Aalis na tayo."
"Pero Blade, binahingan niya ang mukha ko." Angal ni Arrow.
"Binahingan lang naman, di naman dinuraan." Sagot ni Blade.
"E may laway." Angal ni Arrow na lalong umasim ang mukha makitang nilabasan siya ng dila.
"Ibigay mo sa akin ang lapastangan na yan at nang maturuan ko ng leksyon." Galit na sabi ni Arrow.
Napatingin naman si Blade kay Steffy, nag-anyo namang iiyak si Steffy at napanguso pa. Dahil mukhang inosente at dahil ayaw makitang umiyak ang shidang ito sinamaan ni Blade ng tingin si Arrow.
Si Yunic naman na nanood gustong sumigaw ng "huy! Wag kayong palilinlang sa mukhang inosenteng iyan. Halimaw yan. Halimaw" gusto niya iyang isigaw pero hindi ginawa sa takot na gagawin siyang uod o ba kaya ano pang hayop na hindi niya gusto.
Hindi pa nga sila nakakalayo tinatamad ng maglakad si Steffy. Nasanay siyang lumipad, o mag-teleport kaya tatamarin talaga siyang maglakad lalo pa't halos bumaon na sa makapal na alikabok ang kanyang mga paa. Umupo siya sa malakutson ng alikabok at ayaw ng gumalaw.
"Tumayo ka diyan." Sabay hila kay Steffy.
"Nagugutom ako." Sagot ni Steffy at nakangusong tumingala kay Blade. Naalala kasi niyang hindi pa pala siya nakakakain. Pero kung gutom nga ba siya syempre gusto lang niyang kumain. Hindi naman kasi siya nagugutom, gusto lang talaga niyang kumain.
"Mamaya na." Sagot ni Blade pero nang makitang iiyak na naman si Steffy kinuha na lamang ang baon niyang tinapay.
"Hmmm... Mabait pala si kuya ha? Pasalamat ka at mabait ka." Sambit ni Steffy sa isip na nagsimula ng kumain. Tiniis ang may katigasan ng tinapay dahil taos pusong binigay sa kanya ni Blade.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...