"Naglalakad ka lang ba talaga? Bakit ang bilis mo?" Di napigilang tanong ni Fan mapansing lumalayo na ang distansya nila kay Steffy.
"Sabihin nyo nalang kasi na ang babagal niyo." Sagot naman nito na ikinaasim ng kanilang mga mukha kaya binilisan nila ang paglakad para maabutan siya.
"Mysterian ka pa ba bakit ang bilis mo? Bakit di ka yata napapagod?" Tanong naman ni Sword.
"Dyosa nga ako."
"Sabihin mo nalang kasing may special treasure kang dala na siyang dahilan kung bakit ang bilis mong maglakad at di agad napapagod." Sabi naman ni Dagger.
"Hindi nga siya naglalakad. Hindi mo ba nakikita na nakalutang siya sa hangin?" Sagot naman ni Arrow.
Ano pa bang ibang dahilan kung bakit hindi agad napapagod ang isang to? Maliban nalang kung galing siya sa limang invincible clan? Pero matagal ng naglaho ang clan na yon. Wala na ngang nakakaalam kung nasaan na ang kontinente nila.
"Dyosa nga ako." Giit ulit ni Steffy.
Magdadaling araw na nang matanaw nila ang hangganan ng Exiled land at Hanje City na dapat tatlong araw pa nilang lalakbayin.
Ngunit ang epekto non sa kanilang katawan ay halos malagutan na sila ng hininga sa sobrang pagod. Ginamit kasi nila ang kanilang Mysterian energy or Ki para mapabilis ang kanilang paglakad at di nila napansin na paubos na ang enerhiya nila sa kakapokus sa paghahabol kay Steffy.
"Pahinga na muna tayo. Di ko na kaya." Sabi ni Arrow na napaupo na sa lupa.
Kailangan nila ng pahinga para muling makasagap ng Mysterian Ki sa paligid. At kung gusto nilang maibalik ang dati nilang lakas kailangan pa nila ng ilang araw para maibalik ang lahat ng enerhiyang nawala sa kanila.
Hindi yon alam ni Steffy dahil iba naman kasi siya at ang mga kaibigan niya sa mga Mysteriang ito. Ang inaakala niya na agad maibabalik ang lahat ng lakas kapag nakaka-absorb na ulit sila ng Mysterian energy.
Kaya naman pumayag na lamang siyang magpahinga na muna sila.
"Akala ko pa naman mahina lang kayo. Sobrang hina niyo pala. Para maglakad lang ng ilang oras para na kayong mamamatay sa sobrang pagod?" Iiling-iling pa niyang sambit.
"Tatlong araw pa lakbayin ang lugar na iyon. Himala nga at nagawa natin ng limang oras lang? Sino bang di mauubusan ng enerhiya niyan? Buti sana kung Chamnian kami at awtomatikong nababalik ang lakas namin makapagpahinga lang ng ilang minuto. Hindi rin naman kami kasing lakas ng mga Arizonian na hindi yata nauubusan ng lakas hangga't di nasobrahan sa pagamit ng kanilang mga Mysterian Ki. O ba kaya taga Norzian na maaring gamitin ang enerhiya para makalutang sa hangin o makalipad." Sabi ni Spear na binigkas lahat ang mga salitang yon bago humiga na sa lupa sa sobrang pagod.
"Para magsalita lang magco-collapse na agad? Ang hina mo talaga." Sabi ni Steffy sabay bato ng isang bote kay Spear.
"Ano to?" Tanong ni Spear at dinampot ang bote.
"Lason." Sagot ni Steffy.
Binuksan ni Spear ang bote at inamoy kaso wala itong amoy.
Pansin niyang parang nakakita ng multo ang mga kasamahan na ipinagtataka niya.
Hinang-hina na sila kanina pero ngayon nanlalaki ang mga mata at nakaawang pa ang mga bibig sa sobrang gulat.
"Napano kayo?" Takang tanong ni Spear sa mga kasamahan.
"Sinabi mong hindi ka Chamnian na awtomatikong nababalik ang lakas." Sabi ni Blade.
"Oo tapos? May mali ba don?" Nagtatakang tanong ulit ni Spear.
"At sinabi mo rin na hindi ka Arizonian na hindi yata nauubusan ng lakas." Tanong ulit ni Blade. Tumango ulit si Spear.
"At hindi taga- Norzian na nakakalutang sa hangin at nakakalipad." Dagdag pa ni Blade. Nanlaki naman ang mga mata ni Spear nang may maisip.
"Ngayon napagtanto mo na kung ano ang naisip namin?" Tanong naman ni Sharp.
Nabitiwan ni Spear ang maliit na bote. Agad naman itong nasalo ni Sharp.
"Ikaw!" Sabay turo nito kay Steffy. "Isa kang... Isa kang..." Di niya alam kung ano ang idudugtong sa sinasabi.
Kaya ba tinatanong nito kung wala ba silang mga flying beast dahil marami sa Norzian at doon siya galing? Kaya ba tinatanong niya kung wala ba silang mga flying artifact dahil marami sa kanila? Kaya ba tinatanong niya kung bakit tatlong oras ang teleportation item nila dahil kadalasan sa mga meron siya ay mga teleportation item na hindi aabot ng ilang oras kapag nati-teleport?
Kaya lang bakit kuha niya ang katangian ng tatlong mga nilalang? Alin ba siya sa tatlong ito? Iisang lugar lang ang posibleng mayroon sa tatlong bagay na ito. At iyon ay ang tinitingala nilang lugar at pinapantasyang paaralan ng sinumang mga Mysterian. At iyon ay ang Naicron Academy.
Paaralang pinatayo ng mga Arizonian at ang tanging makakapasok rito ay ang mga may dugong Chamnian lamang. At ang Naicron Academy ay matatagpuan sa Emperialta, sa kaharian ng Norzian.
"Naicronian?" Halos panabay pa nilang sambit.
Kung sa ibang pagkakataon pa kanina pa sana sila nagtatalon sa tuwa dahil may nakilala silang isang Naicronian.
Naicronian na sa kwento lang nila naririnig. At sa mga klase na itinuturo sa mga estudyante. Ang mga libro na galing sa Naicron Academy ay ang siyang itinuring na pinakamahalagang libro ng Mysteria dahil sa mga kaalamang nakapaloob dito.
Ang mga bagay na galing sa Naicron ay maituturing ng rare treasure ng Mysteria. At ang mga nakapunta na sa Naicron ay hahangaan na. Ang mga nagtapos sa paaralang ito ay tinitingala na tulad na lamang sa Emperador ng Wynx at sa Emperador ng mga Hanaru maging ang Dean ng Wynx Academy. Sila lamang ang mga Mysteriang nakapasok at nakapagtapos sa Naicron Academy.
Ang makakita ng isang estudyante sa Naicron Academy ay isa lamang ilusyon o panaginip sa mga Mysterian na nasa labas ng Emperialta. Lalo na sa mga naninirahan sa Hariatres continent na sobrang humahanga sa paaralang ito.
Kaya lang, sa dami ng dapat nilang dukutin, isa pang Naicronian ang nadukot nila? Kaya lang maituturing pa bang dukot ang tawag dito gayong siya naman ang kusang sumama?
"Patawad. Hindi namin sinasadya." Mabilis na lumuhod si Spear sa harap ni Steffy.
"Inumin niyo na ang potion na yan. Kaya niyang ibalik ang nawawala niyong lakas." Sabi ni Steffy pero nakatulala parin ang pito.
"Bilisan niyo dahil mapapalaban pa kayo mamaya." Sabi pa nito.
Agad silang napatingin sa kanilang mga kamay. May mga maliliit na mga bote na ang bawat isa sa kanila.
Sa halip na inumin ito hinimas pa nila na parang napaka-espesyal na bagay.
"Kayo din kapag nahuli kayo bahala kayo." Hindi nila alam kung ano ang tinutukoy ni Steffy pero kailangan din naman nila na maibalik ang nawawala nilang lakas para hindi sila maaagrabiyado kapag may darating na panganib.
Agad naman nilang ininom ang potion na binigay sa kanila ni Steffy. Isang matamis na ngiti naman ang sumilay sa labi ng gusgusing babae.
Napatingin sila kay Steffy at bahagyang naku-cute tan sa marumi nitong mukha. "Hindi ito charm potion di ba?" Tanong ni Spear at niyakap pa ang sarili.
Napawi ang ngiti sa labi ni Steffy dahil doon. Gusto tuloy niyang batukan ang bandidong ito.
"Makatingin ka kasi at makangiti parang may mali sa potion na ito." Sabi ni Blade. Ilang sandali pa'y naramdaman niya ang panunumbalik ng kanyang lakas.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasiRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...