Steffy 180: Paghaharap nina Steffy at ng hari ng Raimon Kingdom

743 56 4
                                    

Tumikhim ng ilang ulit si Lord Heran para maagaw ang atensyon ng mga kabataang nasa itaas ng kanilang bubong.

"Hello po." Bati agad ni Steffy makita sina Heran at Spyn. Ikinaway pa ang isang kamay.

"Bakit hindi pa kayo tumakas? Alam niyo bang kamatayan ang posibleng mangyayari sa inyo?" Tanong niya. Nagpadala na siya ng sugo di ba para maagang makatakas ang mga kabataang ito pero nandito ito ngayon sa bubong ng tahanan niya na wari nagsasaya pa. Ang dami pang mga meryenda at mga pagkaing nakahanda.

"Wala po kaming balak tumakas. Saka wag po kayong mag-alala, wala pong mangyayaring masama sa amin." Sagot ni Steffy at nginitian si Lord Heran.

Walang magawa si Heran kundi hayaan na lamang sina Steffy na manatili sa lugar na ito. Di naman niya mapipilit umalis ang mga kabataang ito kung ayaw nila.

Si Luimero naman, tinanong si Lord Hisren kung bakit hinayaan lamang ni Lord Hisren na manatili sina Steffy sa lugar na ito kahit na may nagtatangka sa buhay ng mga bata.

"Ang Raimon Kingdom ay isa sa mga kahariang sumali sa paglusob sa Hanaru Kingdom dati. Sila din ang nagsunog sa mga kabahayan ng mga naninirahan sa Hanaru Kingdom kung saan Exiled land na ngayon. At hanggang ngayon, marami parin silang mga inaliping mga Mysterian na may mixed blood." Paliwanag ni Lord Hisren.

Hanggang ngayon marami pa ring mga mixed blooded Mysterian na pinapahirapan at inalipin ng mga Raimonian.

"Mukhang mapapalitan na ang pinuno ng Raimon kung ganon." Sambit ni Luimero.

Alam niya kung hanggang saan ang kakayahan at kapangyarihan ni Steffy. Ang tanging inaalala lamang nila ay kung magwawala ang kapangyarihan nito. Hangga't nakokontrol ni Steffy ang kanyang kapangyarihan, siguradong walang problema. Higit sa lahat, nandon naman si Sioji na kundi lang tamad mag-ensayo ay wala na rin sanang kasing lakas.

Malaya namang nakarating sa tahanan ng City Lord ang hari ng Raimon kasama ang kanyang mga mandirigma at ang anim na ekspertong mga kawal galing sa Wynx palace. At ang anim ding mga magagaling na estudyante ng Wynx Military Academy.

"Ama. Sila iyan." Halos pasigaw ng sabi ni Haria Dana at tinuro ang grupo ng mga kabataang nakaupo sa tuktok ng bubong ng City Lord. Naagaw ang atensyon ng mga kasamahan nila ang kanyang sigaw kaya napatingin din sila sa itaas ng bubong.

Nakita nila ang grupo ng mga kabataang nakaupo sa rooftop na wari may mga hinihintay.

"Sigurado ka bang sila ang nang-agaw sa mga kapangyarihan niyo?" Tanong ni Haring Daigo na halatang hindi naniniwala.

"Sila po yon ama. Mag-iingat po kayo dahil napakabilis nilang kumilos." Sagot ni Haria Dana.

"Sa wakas, dumating din sila. Naiinip na ako sa kakahintay." Sambit ni Sioji at nag-unat muna.

Si Steffy naman namamangha pa sa dami ng mga bisita. Naukupa na ng mga bisita ang buong kalsada na hindi nila makita kung saan ang dulo ng nakaparadang mga mandirigma ng Raimon.

"Ang dami pa nating nagpunta rito tapos sila lang pala ang makakalaban natin?" Sabi ni Lowie na isa sa mga kawal galing sa Wynx Empire.

"Mga bata lang isinama pa ako?" Sabi naman ni Elder Zui na isa sa mga makapangyarihang Mysterian ng Wynx Palace.

"Sila lang pala. Ako na ang bahala sa kanila." Mayabang na sabi ni Lowie na isa sa magaling na estudyante ng Wynx Military Academy.

Si Lord Heran naman, gusto sanang lumabas para mapakiusapan ang mga bisita pero kahit anong bukas niya sa gate ng tahanan niya, hindi parin ito natitinag.

"Bumaba kayo diyan at sumuko na lamang ng maayos kung ayaw ninyong masaktan." Utos ni Lowie sa mga kabataang nasa bubong.

"Ang ingay naman ng langaw na 'to. Lucid, patahimikin mo nga." Utos ni Steffy kay Lucid.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon