Steffy 179: Paglusob ng Raimon sa Servynx City

812 72 10
                                    

Nasiuwian ang top 5 ng Servynx Academy para makapagpaalam sa mga mahal nila sa buhay. Samantalang sina Steffy naman binago ang entrance gate ng Servynx Academy.

Isa na itong invisible barrier. Hindi narin basta-basta na lamang matatagpuan ng ibang Mysterian ang Servynx hangga't walang mga Mysterian na nanggaling sa loob ang gagabay sa kanila papunta sa entrance nito. At tanging ang mga may kakayahang dumaan sa nasabing harang ang siyang malayang maglabas-pasok sa Servynx Academy, isa man siyang estudyante ng Servynx o hindi.

Hindi naman nakikita mula sa labas ang compound ng Servynx Academy. Ni kahit entrance gate nito ay hindi makikita ng sinumang nasa labas maliban na lamang sa mga nagtatrabaho at nag-aaral dito. Kaya mahirap na itong malusob ng mga Mysteriang gustong sirain ang paaralang ito.

"Magmula ngayon, ang sinumang makakapasok sa harang na likha ko ang siyang may kakayahang makapag-aral sa Akademiyang ito." Paliwanag ni Steffy sa Dean ng Servynx Academy.

"Pero paano kung bigla na lamang naglaho ang harang na ito?" Tanong ng Dean. Minsan ng naglaho ang harang ng Academy kaya posibleng mangyayari ulit ito.

"Ibig sabihin wala na ako." Sagot ni Steffy.

"Paano na lamang kung may mangyayaring masama sa inyo? Ibig ba nitong sabihin katapusan na rin namin?" Iyon ang nasa isip ng Dean pero hindi niya isinatinig.

Natuklasan kasi niyang si Steffy ang founder ng Servynx Academy kaya naman malaya siya sa anumang gusto niyang gawin sa paaralang ito. Ipagdarasal na lamang nila na sana walang mangyayaring masama kay Steffy kung gusto nilang magiging ligtas din laban sa mga may masasamang loob ang Servynx Academy.

"Wala ka bang balak tanggalin ang restriction sa lugar na ito? Mas maganda kasi kung tatanggalin na yung pampigil sa pagamit ng Mysterian energy sa lugar na ito." Sabi ni Asana.

"Mas ligtas ang lugar na ito kapag walang nakakagamit ng mga Mysterian energy ang mga makapangyarihang Mysteriang magtatangka ng masama dito. Sa ganitong paraan, ang lahat ng mapapadpad sa lugar na ito ay magiging pantay-pantay na lamang. Kung wala silang mga special ability, maituturing na rin silang mahihina katulad sa mga ordinaryong mga Mysterian." Sagot naman ni Steffy.

Tatlong araw ang lumipas nang may isang sugo galing sa tahanan ng City Lord ang dumating sa Servynx Academy. Pinapatakas nito sina Steffy para hindi mahuhuli ng mga kawal ng Wynx Empire at sa mga mandirigma ng Raimon Kingdom.

"Ama, paano yan? Mapaparusahan ba talaga ng kamatayan sina Asana?" Nag-alalang tanong ni Spyn.

Paroo't-parito naman si Heran.

"Wag kang mag-alala, nasa Servynx Academy din si Hisren, baka may maitutulong siya sa mga kabataang ito." Sagot niya.

Ilang sandali pa'y dumating ang isang kawal ng kanilang tahanan.

"Lord Heran, nakapasok na po sa City gate ang hukbo ng Raimon Kingdom. Higit sa lahat, may kasama silang mga ekspertong galing sa palasyo ng Wynx Empire." Pagbabalita nito.

Walang ibang inisip si Heran na sana nakalayo na ang grupo ng mga kabataang bisita nila. Kaya lang, kung kailan hiniling niyang makalayo na sila natatanaw niya sa tuktok ng bubong sa isa sa mga courtyard ng kanilang tahanan sina Steffy kasama ang iba pa.

"Spyn, tumatanda na yata ako. Kasi naman namamalikmata na ako." Sabi ni Heran na kinusot pa ang mga mata para matiyak kung totoo bang nakikita niya ang grupo ng mga kabataang bisita nila?

Napatingin naman si Spyn maging ang tatlong mga kawal na kasama nila sa bubong kung saan prenteng nakaupo sina Steffy.

"Namamalikmata din yata ako ama." Sagot din ni Spyn.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon