Steffy 190: Pinalinis ng palikuran

751 72 11
                                    

Balak sanang ipunta ni Gurong Limen sina Steffy sa Main Academy. Pero nang malaman ng mga Elder ng Wynx Academy na below sixty ang total score nila, tumutol ang mga ito na ilagay na agad sa regular students sina Steffy. Lalo na nang malaman na mahihina masyado ang mga Mysterian ki nila. Napag-usapan nila na mananatili na muna sa branch Academy ang sampung mga kabataang ito at obserbahan. Kapag may improvement sila sa loob ng isang buwan ililipat sila sa Wynx Main Academy.

Ito ang katwiran nila pero ang totoo, napag-utusan lamang sila ng punong Elder sa Elite Branch na wag munang ipapasok sa Wynx Main Academy ang mga kabataang ito dahil may ginawa itong pagkakamali sa isa sa kanilang core students. Masyadong over protective si Elder Vioren sa kanyang mga disipulo at kung sinumang mananakit sa mga ito, siguradong magbabayad sa kanya. Lalo na sa kanyang pinakamamahal na pamangkin na si Mika.

Nanghihinayang naman si Elder Winfrey pero makita ang mababang score nina Steffy, wala siyang magawa. Kinausap na din niya ang mga kabataang ito na magiging disipulo niya kaya lang tumanggi sila dahil may mga Master na daw sila. Kaya naman bagsak balikat siyang bumalik sa Wynx Main Academy.

Magsisimula na ngayon ang unang araw ng pasukan. Sa pagkakataong ito, hiwa-hiwalay ang mga silid aralan ng bawat isa.

At dahil tamad ngang mag-aral, unang araw palang nasita na agad si Steffy ng kanyang guro.

"STEFFY!" Sigaw ng guro makitang natutulog sa klase niya ang estudyanteng may pinakamaliit na score noong entrance exam. Kulilat na nga tutulog-tulog pa sa klase niya?

Masama ang loob niya kay Steffy lalo pa't Steffy ang ginamit niyang pangalan na maituturing na cursed name sa lugar na ito. Para sa kanila, walang magandang kahihinatnan sa sinumang gagamit sa pangalang ito.

Napabalikwas naman si Steffy dahil sa lakas ng sigaw ni Gurong Anna.

"Alam mo bang bawal matulog sa oras ng klase ko? Wala kang galang!" Sigaw niya na may matalim na tingin.

"Alam niyo din po bang bawal sumigaw pag may natutulog? Di ba walang galang ang mangdidisturbo ng tulog?" Sagot din ni Steffy. Lalo namang namula sa galit ang guro niya.

"Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo ng magandang asal? Ganyan ba ang tinuro sayo ng mga magulang mo?" Tinuro pa si Steffy.

"Hindi po. Wala na po akong mga magulang." May tunay siyang mga magulang pero hindi naman niya kasama. Hindi rin naman siya lumaki sa tunay niyang mga magulang at di rin naman nila naturo sa kanya na bawal matulog sa klase.

Bahagya namang natigilan ang guro pero muli na namang sumama ang tingin. "Kung walang nagtuturo sayo ng magandang asal, ngayon meron na. Ako ang magtuturo sayo para umayos ka na. Sa susunod na matutulog kang muli sa klase ko idi-detention na kita." Sabi ng guro.

"I-detention niyo na po ako. Para maaari na akong matutulog sa klase sa susunod na araw." Kung kanina'y kumalma na sana ang guro ngayon naman, umasim na naman ang mukha.

"Ano bang pinunta mo rito kung di ka naman makikinig sa klase ko?"

"Gumala po."

"Aba naman. Di mo ba dala iyang utak mo?"

"Dala po."

"E bakit wala kang common sense?"

"Common sense lang di ko dala."

"Talaga namang tataas ang dugo ko sa batang to." Sambit ni Gurong Anna at napahilot ng sentido. "Labas!"

"Talaga po?" Tuwang-tuwa na tanong ni Steffy na lalong ikinamula ni Gurong Anna sa tindi ng galit.

Ang mga kaklase niya naman kanina nakayuko habang yumuyugyog ang mga balikat. Walang nagtangkang mag-angat ng mga tingin sa takot na siyang mapagbubuntunan ng galit ng kanilang guro.

"Wag na wag ka ng pumasok pa sa klase ko." Nanginginig ang boses na sigaw ni Gurong Anna.

"Yes!" Sagot ni Steffy at sumuntok pa sa hangin sabay sayaw niya sa tuwa. Napahawak naman si Gurong Anna sa puso sa tindi ng galit.

May iilan naman sa mga estudyante niya ang kumawala ang pinipigilang mga tawa. Kaya lalong tumalim ang tingin niya.

Di ba dapat manghihingi ito ng tawad para papasukin at di matatanggal sa klase? Hindi na nga papapasukin tuwang-tuwa pa. Ano bang pinunta nito sa Academy kung ayaw namang matuto at di naman makikinig sa klase? Maraming mga kabataan na nasa labas ng Wynx Academy na hinangad na makapasok sa paaralang ito at makakakuha ng kaalaman mula sa mga guro rito pero ang isang to, sumayaw pa sa tuwa dahil sinabihan niyang wag na wag ng pumasok sa klase niya? Kaya tuturuan niya ng leksyon si Steffy.

"Linisin mo ang mga palikuran ng paaralang ito. At kung hindi mo iyon gagawin mag-impake ka na sa paaralang ito." Sabi niya.

Natuwa naman ang mga kaklase niya sa narinig. Alam nilang mahigit isandaan ang mga palikuran sa lugar na ito.

"Okay po." Di na naman nakaimik si Gurong Anna sa sagot ni Steffy. Paparusahan na nga pero ni di man lang nabahala? Napakainosente parin ng mga mata nito na nakatingin sa kanya. Wala ba talagang utak ang batang ito?

May inutusan siyang magbabantay kay Steffy para tiyakin na gagawin nito ang parusa sa kanya.

Pagkatapos ng klase nagsimula ng maglinis ng mga palikuran si Steffy.

"Tingnan natin kung hindi ka ba magtitino bata ka." Sambit pa ni Gurong Anna.

Papunta na siya sa office niya nang patakbong lumapit sa kanya ang dalawang estudyanteng inutusang magbantay kay Steffy. Hinihingal ang mga itong lumapit sa kanya.

"Arshi Anna. Arshi Anna." Tawag pa nila na ikinakunot ng kanyang noo.

"Ano bang nangyayari? Ano na namang ginawang kalokohan ng batang yon?"

Agad nilang ikinuwento kay Gurong Anna ang nangyari. Mabilis namang tumakbo si Gurong Anna sa isa sa palikuran na pinakamalapit sa kinaroroonan nila.

Sinalubong siya ng napakalinis na sahig. Wala na ang pintuan ng palikuran. Wala na mga inuduro, ang mga maliliit na cubicle, maging ang mga sink. Ang makikita ay isang espasyo na may mga butas kung saan nakalagay ang mga inuduro. Sinuri nila ang iba pang mga palikuran. At napansing ganon din ang nangyari. May mga estudyante pang napaihi na sa mga pantalon sa kakapigil ng kanilang mga ihi dahil bigla ngang naglaho ang mga kagamitan sa palikuran. Higit sa lahat, wala ng pintuan kaya kung iihi man sila sa loob may makakakita sa kanila.

Gusto na tuloy mahimatay ni Gurong Anna sa natuklasan.

Ang resulta, pinatawag si Steffy sa Head ng Branch ng Wynx Academy.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon