"MABUHAY ANG MGA HERO!"
"MABUHAY ANG DAKILANG TAGAPAGLIGTAS NG KAHARIAN!"
"MABUHAY ANG TAGAPAGLIGTAS NG MGA NORZINIAN."
"MABUHAY ANG MGA NAICRONIAN."
"MABUHAY ANG MGA TAGAPAGLIGTAS."
"MABUHAY."
Napatakip ng mga mukha sina Izumi at Aya. Si Steffy naman, nag-flying kiss pa sa mga Emperialta na nag-tsi-cheer sa kanila. Sabay kaway ng isang palad.
"Ano bang meron? Bakit nila sinisigaw na mabuhay ang mga tagapagligtas?" Tanong ni Steffy habang kinakawayan pa rin ang mga nadadaanan nila.
Si Hyper naman taas noong naglakad. Gwapong-gwapo lang sa sarili. "Kulang nalang magiging kabiyak ko, sabay sigaw nila ng mabuhay ang bagong kasal." Sabay paikot sa kanyang braso sa braso ni Geonei ngunit tinulak siya palayo ng kasama.
"Wag mo akong dinadamay sa kalokohan mo." Sambit ni Geonei sabay buga ng hangin.
"Para tayong mga dakilang mandirigma na nanggaling sa giyera. E limang halimaw lang naman ang nakalaban natin. Ikaanim ang summoner nila." Sabi naman ni Sioji.
Para sa kanya, simpleng bagay lamang ang ginawa nila dahil hindi naman sila napagod o nahirapan, ngunit, para sa mga Emperialta, walang katumbas ang kadakilaang ginawa nila at walang makakagawa sa mga bagay na nagawa nila. Alam ng lahat na may kakayahang bumuhay ng yumao ang ilan sa mga Chamnian ngunit hindi lahat. Ang pagapi pa lamang sa mga halimaw ay isa ng malaking tulong sa kanila, ang pagbibigay buhay pa ba sa mga yumao na sana?
Ang sigaw kasi ng mga mamamayan ng bayan na ito ang bumungad sa kina Sioji paglabas nila sa tahanan nina Mar. Kulang nalang sambahin sila ng mga Norzinian na ito.
"Noong dinukot ka ng mistizong halimaw na iyon, ginamot namin ang mga sugatan at syempre sinubukan din naming pagdugtungin ang katawan ng mga yumao. At alam mo ba, kahit hindi namin nagagamit ang aming mga Mysterian Ki, gumaling pa rin sila?" Sabi ni Asana na halatang excited pa rin sa natuklasan.
"E nagbayad ba sila?" Tanong agad ni Steffy.
Walang ni isa man lang ang sumagot. Makita ang mga bangkay at ang mga luha ng mga pamilyang naiwan ng mga ito, parang piniga ang puso nina Asana kaya naman sinubukan nilang gawin ang anumang alam nilang kaya nilang gawin na hindi naisip ang anumang magiging kapalit. Ngunit naalalang wala na nga palang natira sa kanila, nakaramdam sila ng panghihinayang.
"Oo nga no. Paano kung may mapapahamak na mga mahal natin sa buhay? Hindi pa naman madaling hanapin ang mga sangkap sa pagawa ng mga healing potion natin." Sambit ni Aya. Ngunit maalala niya ang mga panahon kung saan nagmamakaawa siya sa iba para lamang bigyan ng pagkain o mumurahing healing potion para gamutin ang mga sugat niya noon at kung paano siya nagmakaawa at paulit-ulit na ring nagradasal sa Poong Maykapal na sana mailigtas ang kaibigan niyang namatay ng dahil sa kanya, hindi niya maiwasang makisimpatya sa mga naulila at mga sugatan dahil alam niya ang pakiramdam.
May mga nagnanais pumatay kay Aya ngunit mayroon din namang mga Mysteriang tumulong sa kanya ngunit napahamak sila dahil sa pagtulong sa kanya.
"Dapat siningil niyo naman. Pera din iyon. Di naman ako mabubusog sa sigaw nilang iyan at sa mga thank you di ba." Nakangusong sagot ni Steffy.
Itinikom niya ang bibig makitang tiningnan siya ng mga kasama na parang hindi siya kilala. Ngunit ilang sandali pa'y napakamot din ng noo si Arken maalalang wala nga silang nakuha maliban sa pasasalamat at pag-chi-cheer ng mga Mysterian sa kanila.
"Alam niyo kasi kapag bigay lang kayo ng bigay, ite-take for granted lang nila ang kabutihan natin na kala mo mga responsibilidad natin sila at parang kasalanan pa natin kapag hindi natin sila matutulungan sa oras na mangangailangan silang muli ng tulong. Kahit ilang kabutihan pa ang magagawa natin o maitutulong natin, magkamali lang tayo ng isa o tatanggi lang tayo ng isang beses kapag manghingi sila ng tulong, magiging masama pa rin tayo sa kanilang paningin. Kaya naman, ayaw kong maging hero sa lahat. Magiging hero lang ako sa mga gusto kong tulungan at sa mga mahal ko sa buhay. Ayaw kong matulad sa mga Chamnian at ayaw kong matulad kay Tita Kara." Sambit ni Steffy at napayuko. Kahit pinipilit niyang huwag manaig ang nakatago niyang galit, may mga pagkakataong mararamdaman pa rin niya ito. Nagpapasalamat nalang din siya dahil tila may kung anong pwersa ang nagpupumilit pigilan ang galit niya.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...