Sa isang mabuhangin at maalikabok na disyerto, bumagsak ang katawan ni Steffy na nauuna ang mukha. Inangat niya ang kanyang mukha na nababalot ng mga alikabok at buhangin. Binuga ang nakaing nagkahalong buhangin at alikabok saka hinipan ang iilang buhanging nakadikit sa ilong at mukha.
Napaubo siya ng ilang ulit nang malanghap muli ang mga alikabok. Tinakpan agad ang bibig at ilong.
Naningkit ang mga matang tumingala si Steffy.
"Kurt o Zaifer o kamahalan. Gagantihan talaga kita." Inis niyang sigaw. Itapon ba naman siya sa maalikabok at mabuhanging lugar? Ang pinakahindi niya matanggap ay mukha niya ang nauna at nangudngod sa alikabukan. Pasalamat lang talaga siya at matibay ang kanyang katawan dahil kundi pa e di sana'y napango na ang kanyang ilong.
Mabuti sana kung nakatayo siya nang bumagsak kaso nasubsob ang mukha niya. Mabuti nalang at di napano ang kanyang ilong at mukha.
"Kapag talaga magkita tayo ulit, sisipain ko talaga ang pwet mo." Sabi pa niya na pinagpagan ang dumi sa mukha at katawan.
Pagkatapos, inilibot niya ang tingin sa paligid.
Nasa gitna siya ng disyerto. Wala siyang ibang makita kundi ang kulay ash gray na mga kabundukan ni wala man lang kahit isang halaman o hayop ang makikita sa paligid.
"Anong lugar to? Di ko naman feel na nasa Celeptris akoa."
"May ibang disyerto pa ba bukod sa Celeptris?" Sambit niya na nakakunot ang noo.
Nagsimula siyang maglakad at napansing lumulubog sa buhangin at makapal na mga alikabok ang kanyang mga paa.
"Grabe naman to, ang kapal ng mga alikabok."
Napahawak siyang bigla sa biglang pagsikip ng dibdib.
"Anong nangyayari?" Sambit niya habang nakahawak sa dibdib.
Ilang sandali pa'y naglaho na ang paninikip ng dibdib.
Tinawag niya si Yunic at agad namang lumitaw ang kulay itim na unicorn.
"Samahan mo akong maglakbay sa lugar na ito."
"Bakit di ka nalang bumalik sa Naicron Academy?" Maaari naman kasi siyang bumalik bakit niyayaya pang maglakbay ang isang sacred beast na katulad niya?
"Parang may kakaiba sa lugar na ito. Hindi basta-bastang sumisikip ang aking dibdib maliban sa kung may masamang nangyari sa mga taong mahahalaga sa akin."
"Malay mo, yung mga kaibigan mo ang napano?" Sagot ni Yunic.
"Basta hindi sila. Matitigas ang mga buto ng mga yon kaya imposibleng masaktan sila nong mga failed experiment lang."
Sumakay siya sa likuran ni Yunic at lumipad na ito.
***
Sa isang nag-iisang disyerto na nasasakop ng kontinente ng Hariatres, may isang lugar na pinaninirahan ng mga inabandonang mga mamamayan ng Hariatres.
Sa lugar na ito, makikita ang isang nasirang aircraft na nakabaon sa buhangin. Kaunti na lamang sa bubong nito ang makikita sa ibabaw. Kapansin-pansin naman ang mga tahanang nasusunog at maririnig ang sigaw ng mga Mysterian.
Sa isang bahagi ng lugar malapit sa nasunog na mga kabahayan, makikita ang isang sugatang lalaki na pilit na ipinagtatanggol ang mga mamayan sa lugar na ito laban sa mga nilalang na may mapuputlang balat at kulay dugong mga mata.
"Wag ka ng manlaban pa. Hayaan mo na lamang kami dahil mamamatay ka lang naman." Nakangiting sabi ng isang lalaking may mabalahibong kapa sa likuran. Gawa din sa balat ng magic beast ang kanyang white boots at may mahabang espadang hawak.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...