Steffy 154: Hanjenian vs. Steffy

793 62 2
                                    

Ang mga Mysterian na siyang nagku-control sa mga halimaw, kanina pa sinisigawan ang kanilang mga aliping Deijo Monsters.

Kaya lang, kahit na anong sigaw nila sa isip ng mga halimaw na ito, hindi parin kumikilos ang mga inuutusan.

Kayang magbigay ng anumang uri ng sakit ang mga Mysterian na siyang Master ng mga Deijo Monster na ito kapag hindi sila sinusunod ng kanilang aliping Deijo Monster.

Ngunit mas pinili ng mga Deijo monster ang sakit na ipinaparamdam ng mga master nila sa kanila, kaysa atakehin si Steffy.

Nakakaramdam din sila ng kakaibang lakas sa tuwing napapalapit sila kay Steffy, na tila ba kay Steffy nanggagaling ang anumang lakas na pinagmamay-ari nila.

Nasasaktan din sila sa tuwing nasasaktan si Steffy, kaya bakit nila sasaktan ang nilalang na kapag sinaktan nila, sila lang din ang mahihirapan?

Ang mga Mysterian na mga kasama ng Hanje City Lord na si Floro, kanina pa rin naguguluhan. Inaasahan kasi nilang katapusan na ng mga sundalo pero mga halimaw pa nila ang muntik ng maubos.

Saka bakit di man lang natakot ang gusgusing shidang ito na naglakad na naman palapit sa kanila?

Si Steffy naman nagsuot na ng itim na kapa para matakpan ang punit na bahagi sa kanyang likuran. 

Isa sa mga Hanjenian ang naglakas ng loob na lapitan si Steffy. Hinarang and daraanan niya.

"Bata. Di mo ba alam na daan papuntang kamatayan itong tinatahak mo?" Mayabang na bungad nito kay Steffy.

Pasan-pasan nito ang kanyang mahabang itak. May malaki at malalim na peklat ang kanyang pisngi na nagpabangis sa kanyang tingnan.

Hinintay na matakot si Steffy o ba kaya mandiri sa kanyang peklat sa mukha, katulad sa mga reaksyong nakikita niya sa bawat Mysteriang nakakasalubong o nakakasalamuha.

Sa halip na matakot o mandiri inabutan lamang siya ng isang maliit na puting bote.

"Para sa peklat mo kuya. Para di ka na pandirihan o laitin ng iba." Nilagay ang maliit na bote sa kamay ni Rud.

Si Rud naman nagtatakang nakatingin kay Steffy.

"Di ka natakot sa akin o nag-iingat man lang na baka mas malala pa ako kaysa sa mga halimaw?"

"Talaga po? E di pareho pala tayo kung ganon. Mas kinatatakutan din ako kaysa sa mga halimaw." Masiglang sambit ni Steffy maisip na hindi lang pala siya ang kinatatakutan kundi may kasama rin pala siya. Kapag kasi ngingiti na siya, kahit ang kanyang mga kaibigan, matatakot din sa kanya, ang ibang mga nilalang pa ba?

Kumunot ang noo ni Rud makitang napalitan ng lungkot ang sigla sa mga mata ni Steffy.

Naalala kasing bigla ni Steffy ang ilang mga eksena kung saan iniiwasan siya at kinatatakutan ng kapwa mga bata. Hindi lang niya mawari kung saan ang mga eksena na ito at kung kailan.

Sina Feru naman napapailing. Bakit kasi ang hilig mamigay ng prinsesa nila? Kalaban man o kakampi binibigyan parin ng gamot. Gusto nilang magiging proud dahil sa pagkamapagbigay ng kanilang prinsesa sa iba ngunit nanghihinayang din at nag-alala. Nag-alalang baka maubos lahat ng yaman sa Arizon City at sa Naicron sa pamimigay ni Steffy.

Bigla na lamang naglaho si Steffy sa harapan ni Rud. Ilang minuto rin ang lumipas nang bigla itong sumulpot sa tapat ni Floro na ikinagulat ng Hanje City Lord.

Napangiti pa si Steffy sa bagong nakopyang ability. Hinawakan kasi niya ang City Lord na ito nang maglaho siya sa paningin ng lahat at nakopya ang ability ng City Lord.

Agad na itinutok ni Floro ang espada sa leeg ni Steffy. Hindi naman kumilos si Steffy at namamangha sa bagong kuhang ability.

Nalalaman agad niya ang mga ability ng sinumang matitingnan niya. At nalaman niyang may kakayahang mag-clone si Floro. Kaya din nitong kontrolin ang anumang mga bagay na makikita sa paligid. At may kakayahan din si Floro na patigilin sa pagalaw ang sinumang matingnan sa mga mata sa loob ng limang minuto. Kaya naman pala palaging natatalo ang sinumang makakalaban niya.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon