Steffy 233: Kaguluhan sa Hanaru

756 68 3
                                    

Sa kaharian naman ng mga Hanaru, hindi na magkamayaw sa pagtakbo ang mga mamamayan nila dahil sa mga insektong nagdagsaan sa kanilang lugar.

Ang iba'y hinahabol ng mga bubuyog, may mga kinagat ng mga langgam, may nilusob ng mga ipis at mga langaw.

Samahan pa ng masangsang na amoy ng black bugs and red bugs at iba pang mga insekto na di nila mawari kung saan nanggaling. Tila may mga isip din ang mga insektong ito dahil pinipili nila ang mga inaatake. Hindi sila umaatake ng mga sanggol at mga maliliit na mga bata. Hindi rin nila inaatake ang mga may sakit at mahihina na ipinagtataka ng mga naninirahan sa Hanaru Empire.

Tapos may mga maliliit na portal pa ang bigla na lamang lilitaw sa bawat parte ng Hanaru Empire at maglalabas iyon ng mga apoy na di mapatay-patay gamit ang tubig. Tila ba may sariling buhay ang mga apoy na hangga't hindi nasusunog ang anumang balak sunugin ay di mamamatay. At ang sinusunog ng mga apoy na ito ay ang mga kasuotan ng mga mamamayan na may kakayahang lumaban. Isa na dito ay ang mga trained assassin at trained soldiers ng mga Hanaru.

Kung nagkagulo ang mga mamamayan mas nagkagulo sa malaking palasyo ng Hanaru.

Iyon ay dahil sa mga palaso na bigla na lamang sumusulpot mula sa kung saang lugar at hahabulin nito ang mga kawal. Hangga't hindi sila magpapatama, hindi ito titigil sa kakahabol. Ang malala sa dami ng dapat tamaan yung pang-upo pa nila.

Ang mga kababaihan naman pinapalo sa mga binti ng mga putol na patay na sanga ng mga kahoy. Hindi naman sila namamatay o nasusugatan ngunit nanangangati naman ang kanilang mga katawan.

Galit na galit naman si Emperor Kerin nang bigla na lamang bumagsak ang katawan niya sa sahig dahil sa biglaang paglaho ng inuupuan niyang trono. Ang pinakamalala, nagiging spaghetti strap ang kanyang pang-itaas. Nagiging short naman ang kanyang pantalon. Nagiging pancake naman ang kanyang korona.

Gusto na niyang sumabog sa galit dahil halatang pinaglalaruan lamang sila ng sino mang kalaban nila. Na tila ba sinasabi na kaya nitong gawin ang anumang gusto ng mga itong gawin sa kanya o sa mga nasasakupan niya.

Napatingin siya sa kanyang mga ministro na wala ng mga buhok kasi tinupok ng kakaibang apoy na di nila alam kung anong uri ng apoy ito. Kulay dilaw na apoy, na maituturing na ordinaryong apoy ngunit tila parang may sariling buhay.

Wala na ring maaaring maligo sapagkat ang malinis nilang mga katawang tubig, mga ilog, sapa, batis, talon o ano pa man, napupuno na ng mga insekto.

May mga cards din ang nakabaon sa mga sundalong nakahandusay sa sahig. May lason ang mga cards na ito at mananatiling comatose ang natatamaan ng lason hangga't hindi sila nakakainom ng antidote nito. Wala naman sa panganib ang mga buhay ngunit imposible din namang magagamit sila sa labanan.

Pagbalik ng mga Dethrin at mga mandirigmang mga Hanaru, natigilan sila sa nakita at napatanong kung gaano ba karaming mga malalakas na mandirigma ang lumusob sa kanilang Emperyo? Hindi nila alam na mga menor de edad lang pala ang may gawa nito.

"Hindi gawa ng mga may edad na ang mga bagay na ito." Sabay turo ng isang mandirigmang Hanaru sa isang ginang na pinapalo ng isang sanga ng kahoy sa binti nito.

Lalo na makitang kinalbuhan lamang gamit ang apoy ang mga opisyal ng Hanaru. Halatang hindi kayang pumatay ng sinumang may gawa nito ngunit may mapaglarong pag-iisip o may pagka-isip bata.

"May kalaban ba kasing papanain puwet pa. Tapos kinakalbo pa ang mga kalaban niya? Bakit di nalang nila patayin di ba?" Sagot ng isa pang Hanaru.

Nagpasalamat tuloy sila, dahil sila ang ipinadala sa labanan. Atleast di sila tulad ng iba na hinahabol ng mga bubuyog, kinalbuhan ng apoy, pinana sa puwetan o kung ano pa diyan tapos di man lang nakalaban ni di alam kung saan banda nagtatago ang kalaban.

Si Karim naman agad na tinanggal ang pancake sa tuktok ng ulo ng ama.

"Kung sino man ang nagpasayaw sa akin kakarnihin ko talaga." Inis na sabi ni Dasen. Isa siya sa kaibigan ni Karim at kasamang lumaki.

"Karim mabuti at nagbalik ka na. May alam ka bang kontroler na kayang magkontrol ng katawan gamit ang sayaw?" Mabilis na tanong ni Dasen.

Bigla namang naalala ni Karim si Steffy. Magaling itong sumayaw ngunit hindi lang siya ang nakakagawa ng pagkontrol sa katawan ng iba gamit ang pagsayaw. Kasi ayun sa napansin niya, kung ano ang nagagawa ni Steffy o ng iba nagagawa din ng buong grupo. Ngunit sigurado siyang grupo nina Steffy ang may pakana sa lahat ng mga kaguluhan sa Hanaru.

"Bigla ka bang gumaling sa pagsayaw?" Tanong niya kay Dasen.

"Hindi. Sumayaw ako na parang naninigas ang katawan tapos binangga-bangga pa ang katawan ko sa pader o sa sinumang makikita ko. Ang pinakamasaklap pinatayo pa ako." Naiiyak na sambit ni Dasen.

"Ano namang mali don?"

"Pinatayo ako gamit ang ilong." Maluha-luha pa nitong sambit. Kundi dahil sa may healing ability siya baka kanina pa siya napango.

"Pasalamat ka nga di ka nakalbo e. Nagrereklamo ka pa." Sagot naman ni Luke na binalot na ngayon ng tela ang nakalbong buhok.

"Lulusubin natin ang Wynx Academy. Gusto kong maghiganti." Nanggigigil namang sabi ni Jihan. Hindi na mahitsura ang mukha niya dahil lumubo ito dulot ng mga kagat ng mga bubuyog.

"Imposibleng mangyayari yon. Mga Arizonian sila." Sagot ng isa pa.

Kung kanina ang lalakas ng mga loob nila, ngayon naman bigla na lamang bumagsak ang kanilang mga balikat. Maituturing man silang top student ng Hanaru Empire ngunit kung ikukumpara sila sa mga Arizonian, hindi nila alam kung ano ang kanilang laban.

"Kaya naman pala naisahan tayo dati. Ngayon di na gaanong masama ang loob ko na naisahan tayo ng mga pepetsuging mga Wynxian lamang. Kaya naman pala naisahan tayo dahil may kasama silang Arizonian."

Gumaan din bigla ang pakiramdam ng iba dahil sa natuklasan sa halip na matakot at madismaya.

"Nasaan na nga pala ang iba?" Tanong pa ng isa mapansing kunti nalang sa mga pinadala sa Wynx Academy ang nakabalik.

"Nagkahiwa-hiwalay na kami. Posibleng nabihag na ang iba." Sagot naman ni Karim.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon